JC “Oh my God! What did you do to yourself, JC?” Narinig ko ang malakas na tinig ng aking ina, pero hindi ko nagawang mag-angat ng mukha para tingnan siya. Hiyang-hiya ako sa kanya at hindi ko alam kung paano magsisimulang sabihin sa kanya ang nangyari kanina. Disappointed ako at sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak namin ni Danaya. Ramdam kong lumapit sa akin si Mommy at niyakap niya ako ng mahigpit. Dumating pala siya at pumasok dito sa opisina ko at naabutan niyang nakasalampak ako sa sahig habang duguan ang kamao at nagkalat ang mga nasirang gamit sa paligid ko. “Jared, tumawag ka ng doktor, dali!” malakas ang tinig na utos ng aking ina kay Daddy. Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang mga sugat ko. “Anak, be strong. Ngayon ka higi