DANAYA Labis na takot ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa anak ko. Tulog pa rin siya at walang kamalay-malay sa panganib na hatid ni Diane sa kanya. Lalo lamang akong nag-aalala ngayong mahimbing na natutulog ang aking anak at hindi man lang magigising kahit maingay kami. He was so used to and comfortable with Diane. Mas matagal niyang nakasama ang babaeng may hawak sa kanya kumpara sa amin ni JC, kaya komportable ang anak ko na matulog sa kandungan ng kanyang yaya. “Kung ikaw nga si Diane, sino ang babaeng kamukha ni Mommy at nagpapanggap na siya ang aking ina?” tanong ko kay Diane para humaba ang aming usapan. Tumawa si Diane at nakakatakot na tumingin sa akin. “Sa tingin mo ba, Danaya, sasagutin ko ang tanong mo?” Nag-angat ako ng mukha at hindi nagpakita ng takot sa kany

