DANAYA Tinawagan ko si Mommy gamit ang cellphone ng asawa ko. Emosyonal pa rin ang aking ina, pero nakausap ko na siya. Maikli lang ang aming pag-uusap, dahil iyak pa rin siya nang iyak habang kausap ako, kaya awang-awa ako sa kanya. Gusto ko sanang pumunta ngayon sa bahay, pero hindi pumayag si Mommy. Sinabihan niya ako na dito na lang muna sa penthouse dahil mas ligtas kami ng anak ko kung narito kami. Hindi pa kasi kami sigurado kung si Diane na nga ba ang nahuli namin, kaya mabuting huwag na muna kaming lumabas. Kahit gusto kong makita ang aking ina, nakinig ako sa kanya dahil iyon ang makabubuti para sa amin. Ayaw kong muling malagay sa panganib ang aking anak, kaya hindi na ako nagpumilit pa. Gising na ngayon ang anak ko at kasama siya ng kanyang ama sa silid namin. Hinayaan k

