DANAYA Dito na sa bahay kumain ng dinner sina Mommy Camilla. Nag-order na lang kami ng pagkain sa labas dahil kadarating pa lang namin dito sa penthouse, kaya wala pa kaming mga stock ng karne at gulay. Mabuti na lang at dumating si Manang, kaya may katulong akong maghugas at magligpit ng mga pinagkainan namin. Gusto sanang tumulong ni Mommy Camilla at inutusan si Trixie na maghugas ng pinggan, pero dahil alam kong napipilitan lang ang babaeng iyon, sinabi ko na doon na lang sila sa sala dahil may gagawa naman ng trabahong iyon. Bago mag-alas-nueve ng gabi, umalis na ang mga in-laws ko kasama si Trixie, kaya nakapagligpit na rin kami. Si Manang na ang naglinis sa kusina at sa sala dahil pinaliguan ko na ang anak ko. Napagod kasi siya sa pakikipaglaro kay Ninong Jared, pati na rin kay T

