DANAYA Minabuti kong i-off ang cellphone na gamit ko habang nag-iisip. Hindi makapasok dito sa bahay si Romeo dahil narinig kong sinabi ni JC na kung hindi ko raw siya papasukin, ay hindi rin daw niya papayagang pumasok dito ang kaibigan ko. Pareho silang nasa labas. Ang nakakainis pa, pati mga tauhan nila ay nagmamatigas rin na pagbigyan ang isa't isa, kaya dumami tuloy ang mga gwardya na nagbabantay sa labas. Nakakaramdam tuloy ako ng frustration dahil hindi ko alam kung paano mapapaalis si JC, pati na rin si Romeo, sa labas ng bahay para matigil na ang pagtatalo nilang dalawa. Siguradong pinagtsi-tsismisan na ako ng mga kapitbahay ko dahil sa nakita nilang nangyari kanina. Mabilis kumalat ang kwento dito sa baryo, bagay na nakasanayan ko na dahil usap-usapan talaga ng mga taga dito