DANAYA “Huwag kang malikot, baka magising ang mga bata.” Hinawakan ko sa braso si JC dahil kanina pa niya ako kinukulit. Pareho kaming nakahiga sa kama at katabi namin ang kambal, kaya nag-iingat akong hindi makagawa ng ingay dahil baka bigla silang magising. Napapikit ako nang idiin ng asawa ko ang ibabang bahagi ng kanyang katawan sa aking likuran, kaya naramdaman kong bumundol ang matigas at namumukol niyang alaga sa pisngi ng pang-upo ko. “Baby, bilisan lang natin. Natutulog pa naman sila,” pangungulit sa akin ng asawa ko. Mukhang kahit anong gawin ko ay hindi siya titigil dahil ramdam ko naman na nag-iinit ang asawa ko. Kung dati ay pinagbibigyan ko siya agad, pero iba na pala kapag may mga anak na kami dahil sila na ang priority namin kumpara sa aming mga sarili. “Alam mo nam

