Chapter 146

2020 Words

DANAYA Natatawa ako habang pinagmamasdan ko ang aking mag-ama. Salubong kasi ang mga kilay ni Baby Janica habang nakatingin sa ama dahil pinaghintay namin siya kanina. Pasaway kasi ang kanyang ama. Ayaw mabitin, kaya kahit nagising na si Baby Janica at umiiyak kanina, ay hindi nakapagpigil si JC hanggang sa labasan siya. “Ang sungit naman ng magandang anak ko,” natatawang sabi ni JC sa aming anak. “Bakit ba ayaw mong ngumiti?” Natawa ako dahil lalo lamang nanliit ang mga mata ng anak namin. Para bang may isip na siya at alam niya kung ano ang kanyang nakita, kaya masama ang tingin niya sa kanyang ama. “Kasalanan mo kung bakit hindi maganda ang mood ng anak natin,” pilyang panunukso ko sa asawa ko. Katatapos ko lang maligo. Quick shower lang ang ginawa ko dahil bagong ligo lang naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD