DANAYA Binato ko nang nadampot kong basahan si Romeo dahil hindi niya tinigilan si Faye hanggang hindi napipikon sa kanya ang bata. “Ang tanda mo na, bully ka pa rin!” singhal ko kay Romeo. Naawa kasi ako kay Faye dahil siya na naman ang kinulit ni Romeo. Mahaba ang pasensya ng batang iyon, pero nakita kong hindi niya nagustuhan ang pagbibiro sa kanya ng lalaking kaharap ko. “Magso-sorry ako sa kanya mamaya,” nakangiting sabi ni Romeo. “Ganyan naman kayong mga lalaki, pagkatapos ninyong manakit ng damdamin, saka kayo hihingi ng tawad,” inis na sabi ko kay Romeo. Ngumisi siya sa akin at harapan akong tinitigan nang diretsyo sa mga mata. “Bakit may pakiramdam ako na para kay Laxamana ang sinabi mo, Danaya?” “Tapos ka nang mag-asar kay Faye, kaya tigilan mo ako dahil kapag ako ang nai