DANAYA Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ng asawa ko. Makalipas ang ilang sandali, siya ang unang nagbukas ng usapan. “Isa ito sa iniiwasan kong mangyari noon, kaya pilit akong umiwas sa iyo dahil alam ko ang mga kahihinatnan ng paglalapit nating dalawa. We have both seen it and we encountered it firsthand, pero kahit anong pag-iwas ko ay hindi ko rin napigilan ang kapalaran dahil para pala talaga tayo sa isa't isa.” Napalunok ako at napatitig sa mukha ng asawa ko. “Are you regretting it again? I mean, nagsisisi ka ba na hindi mo ako nagawang pigilang lumapit sa iyo noon?” “No! Of course not, baby,” mabilis na sagot ng asawa ko. “Don't ever think like that.” Inabot niya ang mga kamay ko at marahang pinisil ang aking palad. “How can I regret kung kasing ganda mo ang

