DANAYA Tatlong araw kaming namalagi sa bahay ng mga magulang ko. Dahil weekend na ngayon at walang pasok sa opisina si JC, nagpasya na kaming umuwi kasama si Manang pati na rin ang kambal. Lahat kami ay nakaupo dito sa backseat dahil hindi puwede ang bata sa front seat. Tahimik naman ang mga anak ko habang nasa biyahe kami. Kalong ko si Janica, at si Manang naman ay may hawak kay Duncan. Hindi kasi puwedeng magkatabi ang kambal dahil palaging kinakagat ng bunso namin ang kanyang kapatid. Gaya ng dati, nakasunod sa amin ang sasakyan ng aming mga bodyguard. Umakyat agad kami sa penthouse at hindi na nagtagal sa lobby dahil nahihirapan akong buhatin ng matagal si Janica. Mabigat na rin kasi ang anak ko. Naninibago ako dahil ngayon ko lang siya nabuhat ng matagal. Nangalay tuloy ang aking

