DANAYA “Pag-isipan mo munang mabuti ang sinabi ko, Danaya,” sabi ni Romeo sa akin habang naghuhugas siya ng pinggan at ng mga ginamit niya sa almusal. Ayaw ko sanang gawin niya ito, pero mapilit si Romeo. Ayaw niyang ako ang maghugas ng mga pinagkainan niya dahil malaki na raw ang tiyan ko. Ayaw ko ng suhestiyon niya, pero may punto naman si Romeo. Tama ang sinabi niya na baka madamay pa si Aidan at ang aking pamilya kung hindi ako papayag sa sinabi niya sa akin. “May option pa ba ako?” salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya. Ngumisi sa akin si Romeo, “Wala.” Natawa ako dahil obvious naman talaga na wala akong pagpipilian kundi pumayag na magkunwaring girlfriend niya. “Sige, pumapayag na ako, pero itikom mo ang bibig mo, Romeo,” utos ko sa kanya. “Napipilitan ka pa sa lagay n