Lumipas ang mga araw at nalalapit na ang prom namin sa school. Matagal na ring hindi nagpapakita sa akin si Xyl which is good. Hindi lang pala sa akin, matagal na rin siyang hindi pumapasok dito sa H'nL. Si Ma'am Yumi ang nag-aasikaso ngayon dito since Assistant Manager siya.
This is actually the main branch kaya nandito rin si Xyl.
"Himalaaaaaaa!" Lumingon ako sa aking likuran dahil narinig ko si Hiro na tinatawag ako.
"Kelangan mo?" tanong ko. Nakalapit na ito sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Hinahanap ka ni Eugene," aniya na nakapagpataas ng kilay ko.
"Oh? Kelan ka pa naging messenger ng Eugene na 'yon?" turan ko. Napakamot siya sa kaniyang ulo.
"Tropapits kami, Miracle. At saka nahihiya yun sayo kaya ako na lang ang nagsasabi." Nahihiya? Nahihiya sa lagay na yun ah?
"Nahihiya siya eh halos kulitin na nga ako noon mapansin ko lang? Pwede ba, Hiro, pakisabi dyan sa kaibigan mo na wala akong gusto sa kaniya at hindi ako magkakagusto sa kaniya kaya tigilan na niya kamo ako. Period. End of discussion. Bye," saad ko at kinuha na ang order na hinihintay ko.
"Mira naman. Teka lang—"
"Don't make me repeat myself, Hiro. May trabaho pa ako." At tuluyan ko na siyang iniwan doon. I don't like Eugene. Masyado siyang bossy at lagi niyang napag-uutusan itong si Hiro. Si Hiro naman mukhang hindi napapansin. Tsk. Simula noong ni-reject ko siya harap-harapan ay lagi na lang si Hiro ang pinapapunta niya sa akin kung may ipapasabi or whatsoever. Akala niya siguro porket kaibigan ko rin si Hiro ay papaboran ko siya which is the total opposite.
"Here's your order, Ma'am. Enjoy your meal." Nakangiti kong saad. They smiled back at me. Pagkatapos kong i-serve ang pagkain nila ay umalis na rin ako doon. Kakaunti na lamang ang tao dahil magsasara na naman.
Hay. May pasok pa ako bukas. Nalalapit na ang prom night at isa pa sa pinoproblema ko ay required ito. Wala pa naman akong balak na pumunta. Sa makalawang araw na ito gaganapin. Ni wala pa nga rin akong partner, which is also required, dahil may surprise daw si Kuya Warren sa girlfriend niya na uuwi dito sa Pilipinas. So hindi na siya pwede. Si Hiro naman ay nakuha na ni Ryka na date niya. So sinong magiging date ko? Bukod kay Kuya Warren at Hiro ay wala na akong ka-close pa na lalaki.
I let out a sigh. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa ng date eh. Pwede namang hindi. Hindi naman lahat may jowa, tsk.
"Miracle!" Tawag sa akin ni Ryka ng makita ako. Lumapit siya sa akin. "Malapit na ang prom! Nae-excite akooooo!" She giggled.
"Halata nga," saad ko naman. Tumawa siya.
"I know right. By the way, may ka-date ka na ba?" tanong niya. Umiling ako sa tanong niya.
"Eh? Paano yan? Required pa naman. Hindi ka yata makakapasok kapag wala kang date. Pero hindi rin naman pwedeng hindi um-attend dahil required din," turan niya na totoo naman. Paano ba ito?
"Uhm, how about Sir Brix?" Nagulat ako sa tinanong niya. Pero kalaunan ay pinaningkitan ko siya ng mata. Naririnig ba niya ang sinasabi niya?
"What? No way." I will never make him my date. Umiiwas nga ako eh. Buti na nga lang at hindi na nagpapakita yun.
"Grabe. So wala lang yung mga nangyari between the two of you?" tanong naman niya. Kumunot ang aking noo. Mga nangyari? What the hell?
"What do you mean by mga nangyari, huh?" Napakamot siya sa noo niya.
"Uhm, yung... kiss? Hindi ba yun yung dahilan kung bakit nag-away kayo before?"
"It's not even a big deal. Yun lang yun. Like what I've said, that's pure accident. We don't have any relationship with each other." They're making it a big deal eh ang mga gano'ng bagay, dapat kinakalimutan na.
"Not a big deal? Pero hinalikan ka niya—"
"It doesn't matter. I know what kind of person he is. For him, women are just a toy. Kapag nagpadala ka sa mga ginagawa niya, matatalo ka. Kaya mas mabuti kung hahayaan mo na lang ang nangyari at kalimutan na parang walang nangyari kesa bigyan mo ng kahulugan. Wala lang yung halik na yun." Wala naman talaga yung kahulugan. Alam ko kung anong tingin sa akin ni Xyl. He sees me as one of his women na bibigay sa kaniya anumang oras. At yun ang hindi mangyayari. I'm not the same old Sabby who was once fooled by him.
"Pero—"
"Ikaw na rin ang nagsabi, Ryka. Dapat mag-ingat ako sa kaniya diba dahil ganon siyang lalaki? You don't have to worry about me. Hindi ako mahuhulog sa kaniya." I might pique his interest but that stops there. Kaya umpisa pa lang, nilinaw ko na sa kaniya. Luckily, it worked. If not, wala akong choice. Aalis talaga ako dito kahit na nakakapanghinayang.
She sighed in defeat. "Fine, fine. Sabi mo eh. Back to prom tayo, Himala. So sino na ang gagawin mong date?" Aish, yang prom na naman na iyan.
"I don't know. Bahala na." I think I need Cynthia's help this time.
•••
Kasalukuyan akong nasa classroom at nagsusulat ng essay na ipapasa mamaya bago ang dismissal. Ang hirap hirap pa naman nito.
"Sabrina." Tumunghay ako para makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Keith.
It's Keith?! For real?! Anong kailangan niya sakin?
"Hey." Bati ko. Pansin kong pinagpapawisan siya at mukhang kinakabahan. "Okay ka lang ba?" Tanong ko. Natigilan siya doon.
"A-A-Ah.. O-Oo.. O-Ok.. Okay lang a-ako.." nangunot ang noo ko. Bakit siya nauutal?
"Sigurado ka ba? Wala kang sakit?" Tanong ko pa. Agad naman siya tumango. I sighed. "Ano palang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.
He's one of my classmates. Hmm, he's the Top 1 in our class and our Class Treasurer. He got the looks, matangkad, maputi at mabait. Tahimik nga lang. Hindi palasalita and always alone. Nakakapagtaka namang nasa harap ko siya.
I can now feel the stares people are giving me. Shems, marami rin kasing nagkakagusto sa isang ito kahit medyo nerdy type siya.
"M-May.. a-ahm.."
"Ayusin mo yang salita mo, Keith. Wag kang mahiya sa akin." I smiled to him para sana mabawasan ang kaba. Pero mukhang hindi yata nag-work dahil mas pinagpawisan pa siya.
"May..." Tumungo siya. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Bumuntong hininga siya at bigla siyang tumunghay at—
"CAN YOU BE MY DATE, SABRINA!!"
—boom. Napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila kasabay ng pag-ihip ng hangin mula sa labas. Our room filled with silence.
Nakatulala lang din ako kay Keith na nakatingin din sa akin ngayon. Did he just ask me to be his date? For real?
"Can you be my date this prom night, Sab?" Pag-uulit niya. I blinked many times, trying to absorb what he just said.
"Oh. Ah. Ahm." Shems, wala akong masabi. Nasa state of shock pa rin ako. "Ah, yes?—"
"Talaga?! PUMAPAYAG KA?! TALAGA?!" Kita ko ang galak sa mukha niya. Napangiti naman ako.
Tumango ako sa kaniya. Tutal wala rin naman akong ka-date, siya na lang.
"THANK YOU, SAB!" At bigla niya akong niyakap. Agad din naman siyang napabitaw at tumungo sa akin. "SORRY! NAEXCITE LANG!"
I laughed. "Ayos lang." Inayos naman niya ang sarili niya.
"Susunduin kita sa bahay mo, Sabrina." Eh? Ganoon ba dapat yun?
"Hmm, okay. Mga anong oras ka pupunta?" tanong ko naman. Kina Cynthia ako magmumula. Doon na kasi pinatira ni Tita Zia.. for the meantime lang naman hanggang sa makaalis si Kuya Warren. Request din kasi niya. Syempre, si Kuya Warren yun.
"Ah, siguro mga 7PM. Saan pala ang bahay niyo?" tanong niya. Kumuha ako ng papel at sinulat doon ang address ng bahay nina Cynthia saka binigay sa kaniya.
"Dito ka rin nakatira?" Rin? So it means, same subdivision lang kami?
"It's my friend's house actually. For the meantime, dyan ako nakatira sa kanila. Dyan mo na rin ako sunduin dahil dyan din naman ako magmumula,", sagot ko.
"I see. Sige, see you. Salamat pala." Ngumiti siya sa akin. His smile is so cute. Laging lumalabas ang dalawa niyang dimples sa pisngi. Tumango na lang ako at ngumiti rin sa kaniya.
Problem solved! May date na ako. Hindi na ako mamomroblema. Susuotin ko na lang ang kulang. Hays. Gastos na naman. ?
•••
Agad kong naibagsak ang aking katawan sa kama pagkauwi ko. Geez, napagod ako. PE namin kanina at nanakit ang katawan ko sa sports na nilaro namin. Table tennis.
Hindi ako sporty na tao kaya siguro ako nahirapan at napagod ng ganito.
"Sabby?" Inangat ko ang aking ulo para makita ang tumawag sa akin. It's Cynthia at kakalabas lamang niya ng banyo.
"Kararating mo lang?" tanong niya. Binagsak ko na ulit ang ulo ko at nakipagtitigan sa kisame.
"Yeah," tipid kong sagot. Bigla akong napahikab. Inaantok ako. Pero hindi naman ako pwedeng matulog dahil may pasok pa ako sa H'nL.
"You look so tired." Puna niya.
"My body is sore. PE namin kanina," sagot ko. Gusto ko talagang matulog. Bumibigay ang talukap ng aking mata.
"Oh, kaya pala. Teka, bukas na ang prom niyo di ba? May susuotin ka na ba?" Tamad na tamad akong umiling sa tanong niya. Bukas ko na lang aayusin. Wala naman kaming pasok. Ibinigay na sa amin ang araw namin bukas para raw makapaghanda. Bukas na lang din ako bibili ng gown.
"WHAT?! And you didn't even tell me?! My ghad, Sabrina!"
"What?" Wala sa sarili kong turan na nasundan ng hikab.
"What?! Hoy, Sabrina Elene Miracle, bumangon ka dyan. We will buy a gown for you!" saad niya pero hindi ko pinakinggan. Bagkus ay nagkumot ako sa dumapa.
"SABRINAAAAAAAAAAAAAAA!! ANO BA?! BUMANGON KA DYAN! SASABIHIN KO 'TO KAY MOMMY! MAS MALALA SI MOM KESA SAKIN! TRY ME!" Inis kong nagulo ang aking buhok.
Argh! I want to sleep!
Bumangon agad ako ng marinig ang sinabi niya. I swear, kung malala si Cynthia, mas malala si Tita Zia!
"Wag mong sasabihin kay Tita—"
"Alin ang wag sasabihin sa akin?"
Parehas kaming napalingon sa pintuan at doon nakita si Tita Zia na nakataas pa ang isang kilay sa amin.
I'm losing my hope. I want to cry right now.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Cynthia. "Uh-oh. This is not good." Sabay naming saad.
Patay na talaga.