"S-Sigurado k-ka ba dyan?" Gulat kong tanong habang nakatitig sa pagkain niya.
"Yes. This is for you and this is for me!" Nakangiti niyang sabi. Tiningnan ko ang diperensya ng pagkain naming dalawa.
Napaawang na lamang ang aking bibig. "May sawa ba yang tiyan mo?" Paano ba naman, may limang cups ng kanin, akin yung isa tapos kaniya yung apat. Tapos ang ulam puro seafoods pa! May baboy din naman na luto pero pang-sosyal at nakalimutan ko ang tawag. May dessert din at appetizer. Tatlo yung dessert, akin daw yung isa at kaniya yung dalawa. May fruit salad pa! At kaniya rin daw yon. Oh my, God! Saan niya ilalagay ang lahat ng yon? Partida may abs pa siya! Why so unfair?!
"Anaconda, Elene my loves." Pagtatama niya sabay ngiti sa akin ng matamis. Tinikom ko ang bibig ko at napailing na lamang.
Hindi ka pa rin nagbabago, Xyl.
"Anong sinabi mo?"
"H-Ha?" Taka akong napatingin sa kaniya. Nakatingin siya sa akin. Anong sinasabi nito?
"May sinabi ka ba?" tanong niya. Nangunot ang noo ko. Nasabi ko ba ang nasa isip ko? Narinig ba niya? s**t. Sana hindi.
"May narinig ka bang sinabi ko?" Taka kong tanong. Umiling na lamang siya. Phew. Buti na lang.
Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Matsitsismis na naman ako nito. Hays.
"You alright?" tanong niya. Wala sa sarili akong tumango nang hindi nakatingin sa kaniya. "You sure?" Tumango akong muli.
"Sigurado ka talaga?" This time, tumingin na ako sa kaniya.
"Ayaw mo bang maging okay ako?" turan ko.
"Hindi naman sa gano'n my loves—"
I cut him off. "My loves? Tatlo ang pangalan ko pero wala doon ang salitang my loves," saad ko. Sumimangot siya pero inirapan ko lang. Nagpapa-cute pa, hindi naman siya cute.
"Edi mine na lang," aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Mine?
"Wala rin yan sa pangalan ko—"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Mine is in your name. Mi from MIracle at Ne from EleNE." Talaga naman! Napakagaling lumusot!
"So can I call you mine?" Nagtaas-baba ang kilay niya habang nakangiti sa akin. Great! Wala akong masabi. Nakakainis!
"Asa ka," ani ko at saka umirap. He just chuckled and continued eating.
Tahimik lang akong kumain. I remember the old days. Siya rin minsan ang kasabay kong kumain noon maliban kay Cynthia. Lagi siyang may baong pagkain, maraming pagkain dahil mahilig daw magluto ang Mommy niya. Dinadalhan niya ako ng pagkain sa school tapos minsan, ako rin kapag may masarap na luto si Papa. We share our foods to each other. Pinagluluto ko rin siya minsan noong isang beses na pumunta siya sa bahay na hindi ko alam na sinundan pala niya ako. Wala noon si Papa kaya ako ang nagluto. Hanggang sa naulit na ng naulit at nakilala siya ni Papa.
We were so happy being with each other before. Pero... bigla na lang naglaho ng parang bula ang lahat. All those happy memories.. they are all fake.
I'm wondering, kung totoo ba ang lahat ng iyon, ano na kayang nangyari sa aming dalawa ngayon?
Nakakatawa. Nakakatawang isipin na mukhang sa aming dalawa, ako na lang yata ang nakakaalala ng mga bagay na iyon. Siguro ay hindi naman niya talaga ako minahal katulad ng sinabi niya kaya madali niya akong nakalimutan.
What a life. Bakit kung sino pa yung totoong nagmamahal, sila pa yung madalas masaktan?
Is it because they are in love.. because it's a true and genuine love?
"Sabi mo okay ka lang." Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ang boses ni Xyl.
"A-Ah.. H-ha?" Nauutal kong saad. May sinasabi ba siya? My ghad, I'm spacing out. Kasama ko nga pala siya ngayon.
Nilunok muna niya ang pagkain niya bago nagsalita. "Sabi ko, sabi mo okay ka lang? Bakit parang hindi naman? Kanina ka pa nakatulala. Nagugwapuhan ka sakin 'no?" Ang hangin ah. Napakahangin.
Kusang tumaas ang isa kong kilay. "Gwapo ka pala?"
"Hindi mo ba alam? Sa sobrang gwapo ko, madaming nagkakandarapa sakin." Pagmamayabang niya.
"They've foul eyesight," sagot ko at kumain na lang muli.
"Ayaw mo pang aminin, Mine. Gwapo ako. Alam ko yun." He said while grinning widely.
"Kung alam mo naman na pala, hindi ko na kailangang sabihin pa," sagot ko.
"Edi may balak ka ring sabihin? I knew it! Nagugwapuhan ka nga sakin," saad niya.
Processing...
Processing...
Processing...
Did I unconsciously, accidentally, unintentionally say he's handsome? Bakit parang gano'n ang naging resulta ng usapan naming dalawa?
"Manahimik ka na lang pwede?" Magaling talaga mang-inis ang isang 'to eh. Sobra.
"Alam mo, Mine, ikaw pa lang nakakapasok dito sa kwarto ko—"
"Hindi ko tinatanong." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. At saka ano raw? Ako pa lang daw? That's freaking impossible! Sa dami ng babae niya? I doubt it.
"Ang hard mo naman sakin, Mine. Kiss mo na lang ako." Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakanguso ito.
"Baliw ka ba?" Nasaad ko. Baliw yata 'to eh.
"Baliw sayo," aniya at saka ngumiti ng malapad sa akin. Napasapo ako sa aking noo. He's really getting into my nerves.
"Ipapadala na kita sa mental hospital?" Ako yata ang mababaliw sa kaniya eh. Ang hirap kausap.
"Bakit ako lang? Ikaw din, Mine."
"At bakit pati ako idadamay mo dyan sa kabaliwan mo?"
"Kasi alam ko namang baliw na baliw ka sakin." He, then, winked at me. I clenched my fist in annoyance.
"Asa ka." Naku, naku. Nakakagigil ang isang ito. Mamaya lang masasapok ko na 'to.
Kumain na lamang ako at hindi na ulit siya pinansin. Nakakabobo siyang kausap. ?
Naging tahimik din naman ang pagkain naming dalawa hanggang sa natapos ako. Kakaunti lang naman ang pagkain ko kaya natapos agad ako. Kailangan ko na ring bumalik sa baba. For sure, ako na naman ang pinag-uusapan nila. Hays.
"Aalis na po ako." Yumuko ng bahagya saka tumayo. Nagsimula na akong maglakad.
"Teka, hindi pa ako tapos kumain. Baka madapa—"
"Ah!"
"—ka."
"Waaaaahhhh. Okay ka lang ba?" Dali-daling nagpunta sa akin si Sir Brix at inalalayan ako. Jusko naman, Sabrina! Dito ka pa nadapa!
"A-Ayos lang," saad ko. Sinuri ko ang katawan ko kung may sugat ba. Buti na lang at wala. Phew.
"I told you! Patapusin mo muna akong kumain bago ka umalis. O hindi kaya sana pinaikot mo sakin ang plato ko para hindi ka nadapa." Ani Sir Brix habang hila-hila ako pabalik sa upuan ko kanina.
Pero wait... Eh? Naniniwala siya sa pamahiin?
"Stay there and wait for me to finish eating." Saad niya pagkaupo niya. Tumingin siya sa akin saka bumuntong hininga. "Someone told about that superstition—"
"Hindi ko tinatanong." Pagpuputol ko sa kaniya. Wala rin akong pakialam sa mga paniniwala niya.
"Will you please listen to me first?"
"Why would I listen to you?" Hindi ako obligadong pakinggan siya. "We have no relationship with each other. Just pure employee and employer relationship."
Kita kong nakuyom ang kamao niya. "We already kissed—"
"Which means nothing to both of us." Lalo pa sa side niya. He already kissed lots of girls. Ano bang pinuputok ng butsi niya? Yung ginawa niya sa akin ay walang pinag-iba sa ginagawa niya sa iba.
"No.. nothing—"
"Wag na tayong maglaro pa. Sir Brix, let me tell you. I'm not like those girls who only knows how to throw themselves to you. Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan. So kung pwede lang, itigil mo na 'tong ginagawa mo? Honestly, hindi na ako natutuwa." Seryosong saad ko. My main goal is to avoid him but he keeps coming to me. I need to chase him out if I needed to.. by any means.
"I.. I just want you to be my friend," aniya. Ano raw? Friend?
Pagak akong napatawa. Seryoso ba siya? Nakakatawa.
"Why.. why are you laughing?" He asked confusedly looking at me.
I stopped laughing, tilted my head, and blankly stared to his eyes. "Friend? Then what will you do after? Lolokohin mo? Gagamitin mo? Paglalaruan? Sasaktan? That's a bit harsh."
Kita ko ang pagrehistro ng kalituhan sa mukha niya. It's as if I'm saying a language he can't understand. Of course, he's Xyl after all. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi ko. Unless malalaman niyang ako 'to.
Naranasan ko na ang maging kaibigan niya. Bakit ko uulitin ang karanasang iyon?
"What are you saying?" Kunot-noong tanong niya.
I forced myself to smile. It'll look creepy, I know. Napalunok siya ng makita ang ngiti ko. "No, nothing."
Inayos ko na ang sarili ko at tumayo. "Whether you want me to be you friend or more than that, I will never let that happen. I'm not interested in you and will never be interested in you in any means. I hope we're now clear, Sir. Thank you." Bago ako umalis ay inikot ko muna ang plato niya at iniwan na siya doon.
Well, Xyl, you are also one of the reasons why I turned out like this. You can't blame me.
All I need to do next is to try to avoid him in any way possible. He wouldn't be persistent after this, would he? At isa pa, mukhang kailangan ko na ring ihanda ang aking tenga. Marami na naman akong maririnig mamaya pagkababa ko. *sigh*