NAGISING si Gino nang tila may kakaibang naramdaman. Hindi man niya direktang masabi kung ano iyon, ngunit isang matinding panganib. Bumangon siya sa ibabaw ng kama nang marahan, kumuha ng baril at saka pinatay ang ilaw. Lumabas siya ng kaniyang silid. Mula sa ibaba ay nakaririnig siya ng kaluskos at mga yapak, tila takong ng sapatos na tumutunog sa bawat pagtapak sa tiles ng flooring. “Shít!” bulong niya. Sa pakuwari niya ay mali ang lugar na kaniyang pinuntahan. Hindi siya dapat dito nagtago. Kahangalan ang kaniyang ginawa. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Ang gaganda ng mga gamit, mukhang mga mamahalin,” wika ng isang lalaki sa mahinang boses. Mayroong dalang flashlight ang mga ito at nasa ibaba ng bahay. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Kaya nga, kumuha na rin kaya tayo. Mukhang mamahalin ang mga ‘to.”