MALAKAS NA sampal ang natanggap ni Winona mula sa taong kaharap at siyang tinawag niyang ‘dad’. Tila siya nananaginip nang makita ang mukha nito. Hindi siya pupwedeng magkamali. Ito ang kanilang ama na matagal nang yumaon at ngayon ay buhay na buhay na nasa kaniyang harapan. Dumugo ang kaniyang mga labi dahil sa malakas na sampal na natamo ngunit hindi niya iyon magawang iinda. Titig na titig siya sa lalaking kaharap. “D-Dad... i-is that really you?” mahinang boses niyang bulong. Nakatali ang kaniyang mga braso habang nakalugmok sa sahig. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Stupid,” bulong ng ginoo at inayos ang suot na sumbrero maging ang hinihithit na tobacco. “If I were your father bakit naman kita sasaktan? Hindi ka ba nag-iisip?” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Kumunot ang noo ni Winona. Ngayon niya nalasah