Episode 71

1213 Words

BUMABA si Count ng sasakyan. Sa pagbaba ay kaagad siyang pinayungan ng isa sa mga tauhan ni Serenity na siya ring kanilang driver kanina. “Saan tayo didiretso?” tanong niya nang makalapit si Jime sa kanila. May dala itong sariling payong. “Dito po.” Nagpatiuna ito sa paglalakad upang pumasok sa loob ng isang gusali. Madilim ang buong paligid, at tanging ang liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay ng ilaw sa kanila. Lahat sila ay armado ngunit hindi naman nila kailangan ang mga ito sa transakyong magaganap. Maliit na tao lamang kasi ang kanilang katransakyon, hindi rin droga o kung ano pa mang komplikadong bagay ang kailangan nila sa taong kahaharapin ngayong gabi, kundi impormasyon. Sumunod si Count kay Jime. Gumamit sila ng flashlight papasok sa madilim na silid at magkakasunod silang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD