"PAALIS na'ko ngayon! Hinatayin mo'ko riyan!" Hindi ko mapigilan ang hingal habang papunta sa pinagparadahan ko ng sasakyan. Bukod sa nagmamadali sa paglakad, abot-abot din ang kaba ko dahil baka rito pa lang sa Davao City ay arestuhin na ako ng mga pulis. Dumating na ang araw na kinakatakutan ko. Everything I did was recorded, at kumakalat na ngayon sa internet sites ang video ng pakikipagsabwatan ko sa talamak na gambling lord na si Andres Cabrera. Ang dating personal assistant niya ang naglaglag sa aming dalawa. Ang dating personal assistant ni Cabrera na pinagpanggap niyang taxi driver at siyang naghatid kay Victoria sa abandonang townhouse kung saan niya pinapatay si Drei. Pinagsisihan ko talaga na nakipaglaro ako kay Drei. Akala ko ay ako ang gumagamit sa kaniya. Huli ko na nal

