"WHAT do you think? Hindi ba magkamukha ang kaibigan ni Papa at si Lady Kim?" Nagsalubong ang mga kilay ko at masusing pinagmasdan ang picture na pinapakita sa akin ni Victoria. I'm no expert to this, pero may resemblance nga ang Macario na kaibigan ng tatay niya at si Lady Kim. "Do you really think that they are one and the same person?" tanong ni Michael kay Victoria. Ang lalakeng noon ay pinagseselosan ko, nakaharap at nakilala ko na ngayon. I was ashamed of myself for thinking that he was my wife's lover. Pamilyadong tao na rin si Michael at isang matinong asawa at ama. Anak ito ng dating partner ni Uncle Rei. Ito ang tinatawag ni Audrey na Uncle Mike at halata sa anak ko na malapit ang loob sa lalake. "Hindi ako sigurado, Michael. Pero bukod dito, hindi ko rin mabalewala ang fa

