MATAGAL na hindi nakaimik si Mama Rowan nang makaharap kami ni Orion. Maliwanag na nagulat siya. Sa tingin ko rin ay hindi siya makapaniwala na nakikita kami roon lalo na si Orion. It's been seven years, at noon ko na lang muling nakita ang babaeng tinuring kong totoong ina. She is as beautiful as the last time I saw her, pero sa kabila ng ganda, mababakas ang matinding lungkot sa mukha ni Mama Rowan. Kapansin-pansin din ang pagbagsak ng katawan nito at pagkahapis ng mga pisngi. "H-hijo..." Ang unang salitang nasambit nito. Nag-ulap ang mga mata ni Mama Rowan at akmang lalapit kay Orion, pero umiling ang huli. "Stop." Awtomatikong huminto si Mama Rowan. Halatang napahiya. Wala itong nagawa kundi ang umupo na lang sa katapat na silya, paharap sa amin ni Orion. "Hijo... a-akala ko...

