"YOU can't sleep here, Orion. Ano na lang ang iisipin ni Uncle Rei at ng mga kasama namin sa bahay?" Nasa itaas na si Audrey. Pinabibihisan ko na ito ng damit-pantulog kay Teresa. Sinamantala ko naman ang pagkakataon para kausapin si Orion. Pinasunod ko siya sa terrace dahil baka biglang bumaba si Audrey at makita kami na nag-uusap ng Daddy niya. Okay lang naman na makita kami nito, pero siguradong magtatanong si Audrey at baka mapilitan na naman akong magsinungaling. Iniiwasan ko lang na magsinungaling na naman sa anak ko. Umiling si Orion, halata ang pagtutol sa mukha. At bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na. "Okay! Papayagan kita ngayong gabi. Pero isang beses lang at hindi na pwedeng maulit," matigas na pagkakasabi ko. "Why not? Victoria, ano bang masama kung matulog tayo s

