ANG nakangiting mukha ni Orion ang nagisnan ko kinaumagahan. Siguro ay kanina pa siya gising. Sa pagkakaalam ko ay sa kabilang side siya ng kama natulog kagabi dahil pinanggigitnaan namin si Audrey, pero ngayon ay nakaupo siya sa gilid ng hinihigaan ko at tila walang balak hiwalayan ng titig ang aking mukha. Hindi ko maalala kung anong oras ako tuluyang nakatulog, pero sa tantiya ko ay lampas hatinggabi na. Gayunman, hindi masakit ang ulo ko paggising. Katunayan ay ang gaan ng pakiramdam ko nang suklian ang ngiti ni Orion na sadya yatang hinintay na magmulat ako ng mga mata. "Good morning," bati niya sabay hawi sa iilang hibla ng buhok na nasa aking pisngi. Gumapang ang munting kilabot ko sa pagdampi ng mga daliri niya sa aking balat. I flushed. "G-good morning..." "Some things never

