"HINDI ka pa ba masaya sa mga ginawa mo? Hindi pa ba sapat na katibayan na mahal namin ang isa't isa? Binabalak mo na namang guluhin kami?" Akma kong bubuksan ang pinto nang marinig ang boses ni Orion. Napahinto ako saglit. Pagkatapos, itinulak ko nang bahagya ang pinto at sumilip. May kausap siya sa cellphone. "I don't believe you! Tama na! Maayos na kami ni Victoria so please, just leave us alone!" He ended the call and put down his phone. Naghintay ako ng ilang segundo bago tuluyang binuksan ang pinto. Naabutan ko pa ang marahas na pagbuga ng hangin ni Orion na agad natigilan nang makita akong pumasok. Tipid akong ngumiti. "Saan ka galing?" he asked, traces of frustration were still on his face. "Sinilip ko si Audrey sa kwarto niya," sagot ko. Tulog naman na si Audrey nang iwan

