CHAPTER 1: Stranger Woman/WARNING! RATED SPG!

1790 Words
"Whhoooaaaa!!" "Igiling mo, baby." "Damn! Why so hot!" Patuloy sa paggiling ang isang babaeng kalalabas lamang sa loob ng isang napakalaking gift box na magkakasya ang isang tao. Umiindayog ang malalaki nitong balakang na sumasabay sa saliw ng isang senswal na musika. Tanging sexy lacy bra at panty lamang ang suot nito na dahilan nang pagtaas ng temperatura sa paligid at hiyawan ng mga lalaking nakapalibot sa kanya sa loob ng isang pribadong silid. Puno ng pagnanasa ang kanilang mga mata habang nakatitig sa perpektong katawan ng babaeng natatakpan ng maskara ang mukha. Samahan pa ng ispiritu ng alak sa kanilang mga katawan na mas nagpadagdag pa ng kanilang sexual arousal. "Whoaa!!" "Drinks!" Inabutan nila ito ng isang champagne glass na naglalaman ng pulang alak bago ito muling gumiling at dahan-dahang lumapit sa binatang si Chloe na kasalukuyang nakaupo sa isang silya at nakagapos ang mga braso sa likuran nito. Maging ang binata ay hindi maiwasang mapakagat-labi at matulala habang nakatitig sa napakaseksing babaeng nasa kanya ngayong harapan. "G*ddammit, baby!" mariing bulong ni Chloe nang tumalikod sa kanya ang babae at mas gumiling pa ang balakang nito. Tila sinasadyang ikiskis ng babae ang pang-upo nito sa ibabaw ng pagkalalaki ni Chloe na natatakpan pa ng suot niyang pantalon. Halos mapugto ang kanyang hininga dahil sa ginagawa ng babae sa kanya at gano'n kadaling nabuhay ang kanyang pagkalalaki. "Whoaaa!" "C'mon, babe!" "She's so fucking hot!" Maging ang mga kalalakihan ay napapaindak na rin dahil sa mainit na tagpo. Ngayon ang huling gabi ni Chloe bilang isang malaya dahil bukas ay itatali na siya kay Alwena Addison, ang babaeng bestfriend ng kanyang hipag na si April. Kay April unang tumibok ang puso niya sa unang pagkikita pa lamang nila ngunit sa kamalas-malasan ay nauna sa kanya ang kanyang kuya Charles. Sino siya upang humadlang sa pag-iibigan ng mga ito? Nagpaubaya na lamang siya at itinuon ang kanyang pansin kay Alwena na nakilala niya sa kasal ng mga ito. Si Alwena noon ang bridesmaid at siya naman ang bestman. Nakagaanan niya naman kaagad ng loob si Alwena lalo na't masarap itong kasama at may pagka-maingay. Makulit at palaging nakangiti. Nawawala ang mga problema niya sa tuwing kasama niya ito. Maalaga rin ito at malambing. Naisip niyang siguro ay matututunan niya rin mahalin si Alwena balang-araw lalo na kung magkakasama na sila sa iisang bubong. Hindi naman iyon mahirap pag-aralan lalo na sa isang katulad nitong ideal woman kahit hindi naman mayaman. Isang simpleng babae lamang si Alwena. Niyaya niya itong magpakasal at hindi na siya nagdalawang-isip pa. Kaya naman sinasamantala na niya ang pagkakataong ito na magsaya sa huling gabi niya bilang malaya. Hindi rin naman niya akalain na bibigyan siya ng mga tarantado niyang kaibigan ng isang babae. Ngunit dahil naririto na ay hindi na niya ito tatanggihan pa at susulitin na lamang. "Whooaaa! Enjoy your last night, dude!" "And congratulations!" "We're gonna go!" "Ikaw na ang bahala sa kanya, babe!" "Just make sure you take our friend to heaven." Isa-isa nang nagpaalam ang nasa anim na mga kaibigan ni Chloe at nagsi-labasan ng silid. Naiwan si Chloe at ang babae na patuloy pa rin sa paggiling sa kanyang harapan. "Hey, w-what's your nam--" naputol ang sinasabi ni Chloe nang ilapat ng babae ang hintuturo nito sa mga labi niya na tila pinatatahimik siya. Binigyan siya nito ng isang nakakaakit na mga ngiti at nakakatunaw na mga titig. Naglabas ang babae ng isang panyo at itinupi ng pahaba. Matapos ay ipiniring niya ito sa mga mata ni Chloe. "Fuck, baby. What are you doing?" "Sssshhh.." saway nito sa kanya. Dumilim ang kanyang paligid ngunit segundo lamang ay naramdaman na niya ang paglapat ng malambot nitong labi sa kanyang mga labi. Siniil siya nito ng isang matamis na halik. Sumidhi ang pagnanais niyang maangkin ang babae ngunit hindi siya makagalaw dahil sa mga braso niyang nakatali sa likuran at halos mapamura siya nang bigla ring bumitaw ang mga labi ng babae. "Damn, baby. Don't fucking do this to me!" Halos magmakaawa ang kanyang tinig. "Not so fast, darling. Drink this first," bulong ng babae sa kanya na halos hindi na rin niya marinig dahil sa ingay ng background music. Sinunod niya naman ang iniutos nito. Mabilis niyang tinungga ang laman ng basong inilapat nito sa kanyang bibig. Ilang sandali lamang ang lumipas, pakiramdam niya ay mas naragdagan ang kanyang pagkahilo. Ilang bote na rin ng alak ang naiinom niya kanina bago pa inilabas ng kanyang mga kaibigan ang napakagandang regalong ito para sa kanya. "You're such a tease, baby," bulong niya sa babae kahit nararamdaman na niya ang pag-ikot ng kanyang diwa. Wala siyang narinig na sagot bagkos ay inalalayan siya nitong makatayo at itinulak sa ibabaw ng kama. "Ang harsh, baby. Damn it." Natawa siya at mas na-excite pa sa susunod nitong gagawin sa kanya. Ilang sandali lamang ay naramdaman na niya ang bigat nito sa kanyang ibabaw. Mas lalong nabuhay ang kanyang pagnanasa at mas nasabik na angkinin ang ekstrangherong babae. Kanina pa siya nangingiming hawakan ang bawat parte ng katawan nito at paliguan ng halik ang buo nitong katawan. Ni minsan ay hindi siya naging ganito kasabik sa isang babae, maging si Alwena ay hindi man lang niya nahahalikan pa sa loob ng ilang buwan nilang relasyon. Naramdaman niya ang pag-unbuckle sa kanyang sinturon at paghubo ng babae sa suot niyang pantalon. Napakagat-labi siya at hindi na siya makapaghintay pa lalo na't parang hinihila na siya ng antok. Sunod niyang naramdaman ay ang paghuhubad sa suot niyang t-shirt. "B-Baby, please faster!" mariin niyang bulong dahil malapit na siyang matalo ng antok na kanina pa niya pinaglalabanan. Nagsisisi tuloy siya kung bakit dinamihan niya ang pag-inom kanina gayong mapapalaban pala siya ngayong gabi. "I never thought you were this hard, darling," bulong nito sa kanya kasunod ang pagsiil nito sa kanyang mga labi at paghimas ng kamay nito sa kanyang pagkalalaki. "Fuck!" napamura siya nang dahan-dahan itong gumapang paibaba habang naglalandas ang mga labi nito sa kanyang leeg, dibdib, sikmura, puson hanggang sa naramdaman na lamang niya ang mainit nitong bibig na bumalot na sa nag-uumigting niyang pagkalalaki. Pinaglalaruan ng mga kamay nito ang kanyang mga itlog na naghahatid sa kanya ng kakaibang kiliti at sensasyon. Gusto niya itong pigilan sa kanyang ginagawa ngunit hindi na siya makagalaw pa at ilang beses na rin siyang nakakatulog. Paulit-ulit niya na ring ipinilig ang kanyang ulo upang magising siya ngunit hindi na talaga niya kinaya pa. Ang huli na lamang niyang naramdaman ay tila pumasok ang kanyang pagkalalaki sa isang napakasikip na lagusan. Bago siya nakatulog ay tumimo sa kanyang isipan na ang babaeng kasama niya ngayon ay isa pang birhen. FIVE YEARS LATER Chloe "Fuck!" Napahilot ako sa aking sentido nang manakit ito sa biglaan kong pagbangon. Naparami na naman ang nainom ko kagabi sa bar at late na naman akong nakauwi. I looked at the side table when I heard my cellphone ring. I quickly picked it up and saw Shynn's name flashing on the screen, my beautiful secretary. Tsk. "Hey," sagot ko habang bumabangon na rin. "Good morning, Sir," masigla niya ring bati. Palagi naman talaga siyang masigla at maaasahan kaya gustong-gusto ko siya. Hindi gusto na may feelings ha. Nah, never. "What's your problem? Sunday ngayon." I went inside the bathroom. Ini-loud speaker ko na lang ang phone at ipinatong sa sink counter. "Ang sungit mo naman, Sir. Hulaan ko. Kagigising mo lang, no? Hmmmnn...tama ako o tama ako?" "Tsk. You only have a minute." Nagtungo ako sa wall mounted toilet bowl at inilabas si manoy. Fuck, ang sarap....umihi. "Eto na nga, Sir! Masyado ka naman nagmamadali. Uutang lang naman ako kasi may sakit ang nanay ko." "Luma na 'yan." "Ha? Anong luma? Bago pa 'to, Sir!" "Bye," sagot ko kasabay nang pagwagwag ko kay manoy at muling ibinalik sa lungga niya. "Sir, sandali! Maawa ka naman, Sir. May sakit 'yong boypren ko. Nabugbog ng tambay sa kanto!" "Told ya." I went back to the sink and washed my face. I also gargled with mouthwash. "Sige na, Sir. Babayaran ko rin naman sa sahod ko eh. Please?" "Kumusta 'yong pinaggagawa ko?" I glanced at my reflection in the mirror. Bahagyang nangingitim ang ilalim ng aking mga mata. Mabuti na lang at pogi pa rin. Tsk. Kinindatan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. "Eh, Sir naman eh. Ang yaman-yaman mo, bakit hindi ka na lang kumuha ng imbestigador para ipahanap 'yang babaeng ipinahahanap mo sa akin? Napakakuripot mo talaga." Napangiwi na lang ako sa isinagot ng maldita kong sekretarya. "A'right, you choose." "Oo na, Sir! Hahanapin ko na! Ito naman, hindi mabiro. Basta dagdagan mo ang sahod ko, ha?" I immediately picked up my cellphone and turned it off. I just took a deep breath. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari five years ago. Matapos ang gabing iyon ay nagising na lamang ako sa malalakas na katok sa pinto. Bumungad sa akin si Alwena na suot ang binili kong gown para sa kanya. She was good at hiding her feelings but not on that day. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra. I knew I was wrong, but I couldn't understand why hadn't followed her. Since then, I haven't seen her until now. Pero hindi pa rin ako tumitigil. Sinusubukan ko pa rin siyang hanapin para magpaliwanag at humingi ng tawad sa kanya. Hindi rin naman daw umuwi sa Mindoro ayon kay kuya Charles at April. And one more thing, the woman I was with that night was a big puzzle for me. Malakas ang hinala ko na may inihalo siyang sleeping pills sa alak na ipina-inom niya sa akin. I know myself. Even though i'm drunk, i don't sleep that long. Kaya tiwala ako noong gabing iyon at alam kong makakadalo pa rin ako sa sarili kong kasal. Even my friends i was with that night didn't know the woman. Fuck! Ayon sa kanila ay hiningi lamang daw nila iyon sa isa nilang empleyado ngunit ang empleyado nilang ito ngayon ay naaksidente daw at tinamaan ng amnesia. Tinamaan ng magaling. Who is that fucking woman? Nagawa pa niyang nakawin ang mga damit kong hinubad niya sa akin and left her panties and bra on the floor that i knew Alwena saw the next day. At ang ikinaiinis ko pa ay hindi maalis-alis sa utak ko ang hugis ng katawan niya. How she danced in front of me. Her fucking red lips. Her eyes behind the mask she was wearing. Her fucking kisses on my lips and on my skin. Pakiramdam ko ay kagabi lang nangyari ang lahat. Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang tagpong iyon at hanggang sa panaginip ko ay nadadala ko. Damn it! Nababaliw na yata ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD