PROLOGUE:

807 Words
Alwena "Ayos ka lang ba? T-tinatawagan na ni Charles si Chloe. B-Baka nasiraan lang 'yon o kaya ay naipit sa traffic. B-Basta, relax ka lang muna d'yan ha. Darating din 'yon." Ilang beses akong tumango sa sinabi ng kaibigan kong si Uno. Maging sa kanya ay nararamdaman ko na rin ang tensyon at pagkataranta katulad ng mga magulang at mga kapatid ni Chloe na paroo't parito sa labas ng simbahan habang naghihintay sa pagdating ni Chloe. Muli kong binuksan ang bote ng tubig na hawak ko at tinungga ito. Kitang-kita ko ang pangangatal ng aking kamay na kanina ko pa pinipigilan. Muli akong huminga ng malalim at pilit iniibsan ang paninikip ng aking dibdib. Paulit-ulit ko na ring kinukurap ang aking mga mata upang hindi dumami ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Naibaba ko ang aking paningin sa hawak kong pumpon ng bulaklak. Sa kaliwa kong kamay, suot ko ang isang magarang engagement ring. "Nasaan na ba kasi 'yang kapatid mong 'yan?! Aalis na ang Pari dahil halos isang oras na tayong naghihintay sa kanya! Pati ang mga bisita ay naiinip na at nagrereklamo na rin!" Halos humagulgol na si tita Lhevyrose sa labas ng sasakyan. Nananatili naman akong nakaupo dito sa loob ng kotse at hindi ko na magawa pang magsalita. Nagugusot ko na rin ang puting palda ng suot kong gown dahil sa hindi ko mapigilang ikuyom ang aking kamao. Ngayon ang araw ng aming kasal pero mukhang pagluluksa ang ipagdiriwang ko sa araw na ito. "I don't know, mom! Alam kong umalis siya kagabi pero ang sabi niya ay uuwi naman daw siya kaagad!" sagot naman ni Charles sa kanyang ina. "K-Kuya, u-umalis na tayo," mahinang ani ko sa driver na nasa unahan. "Ma'am, h-hindi na po ba natin hihintayin si sir?" "P-Pupuntahan na lang natin siya." "Sige po." Kaagad tumalima ang driver at mabilis na pinaandar ang kotse paalis ng simbahan. "Weng, saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!" Nakita ko ang ginawang paghabol ni Uno sa aming sasakyan. "Kuya, pakibilisan." Kaagad namang sumunod ang driver hanggang sa tuluyan na kaming makalayo ng simbahan. Umabot lang ng halos kalahating oras ang aming binyahe bago narating ang condo na alam kong may unit si Chloe. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at walang pakialam sa lahat ng mga taong naagaw ko ang atensyon. Sino ba naman ang hindi? Napakagara at mamahalin ng gown na suot ko pero nasayang lang ang lahat ng ito. Mabilis kong tinungo ang elevator. Nagkanda-sabit-sabit na ang kahabaan ng suot kong gown at nasira na ang mga laylayan nito ngunit wala akong pakialam. Hinubad ko na rin ang suot kong sapatos at iniwan na lang kung saan. Ilang minuto lamang ay naririto na ako sa tapat ng pinto ng unit ni Chloe. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ng paulit-ulit ang doorbell. Hindi rin nagtagal ay kaagad din itong bumukas at bumungad sa aking harapan ang mumukat-mukat pang lalaki. Wala siyang anumang saplot sa katawan. Tadtad ng chikinini ang leeg at dibdib at mantsa ng lipstick sa pisngi at mga labi. Nasilip ko rin sa loob ang mga nagkalat pa na bra at panty ng babae sa sahig. "W-Wena.." Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang masilayan na niya ako. "H-Hi.." Gumaralgal na ang aking tinig ngunit nagawa ko pa ring ngumiti. "Fuck! W-What time is it? A-Am I late? Dammit! I-I'm sorry, I'll just get dressed. Don't worry, I'll be quick." Bigla siyang nataranta at mababakas ang guilt sa kanyang mga mata. "N-Nakauwi na silang l-lahat," mahina kong sabi. Napahinto naman siya at lumingon sa akin. Pinilit kong pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng aking mga luha. Mabilis kong hinubad ang engagement ring na aking suot at lumapit sa kanya. "H-Heto na." Kinuha ko ang kanyang kamay at ipinatong doon ang singsing. "W-Wena.." Napatitig siya sa akin. Puno nang paghingi ng tawad ang kanyang mga mata. "O-Okay lang. O-Okay lang ako. A-Alam ko naman na h-hindi ako ang nararapat na magsuot niyan." "W-Wena, that's not what you th-" "Ssshhh," kaagad kong putol sa kanya. "O-Okay lang talaga ako, huwag mo akong intindihin. Kailangan ko na rin umalis. Pasensya ka na sa naging abala ko sa iyo. H-Huwag kang mag-alala, magpapakalayo-layo na ako." "W-Wena.." Pinanatili ko ang maganda kong ngiti sa aking labi. Tumingkayad ako at binigyan siya ng magaang halik sa kanyang pisngi. "Paalam." Mahal kita. Sa aking pagtalikod, kasabay niyon ay pagbuhos ng mga luha sa aking pisngi. Umasa pa rin ako na hahabulin niya ako at pipigilan ngunit nakapasok na ako sa loob ng elevator at hanggang sa magsara ito ay walang Chloe ang pumigil sa akin. Napangiti na lamang ako habang sumasabog ang aking mga luha. Mahal kita, Chloe at hiling ko ay maging masaya ka sa naging desisyon mo. Alam kong ito ang gusto mo. Tinulungan lang kita upang hindi ka na mahirapan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD