Unang Bahagi: Kabanata 2

3217 Words
~1521~ |Digmaan ng bansang Maharlika at Hispania| “Mahal,” tawag ni Alec kay Mapolan na kasalukuyang mahimbing na natutulog. “Mahal, gumising ka.” “A—alec, ano bang—“ Hindi na naituloy pa ni Mapolan ang kaniyang nais na sabihin nang makarinig siya ng sunod-sunod na sigawan mula sa labas ng kanilang tahanan. “A—anong nangyayari?” gulat na tanong nito kay Alec na kasalukuyang nagmamadaling inilalagay sa isang baul ang bawat mahahalagang kagamitan nila. “May digmaang nangyayari ngayon Mapolan. Digmaan sa pagitan ng aming bansa at ng bansang Hispania,” sagot ni Alec na ngayon ngay tinulungan nang makatayo ang kaniyang kasintahan. “Kailangan nating makaalis dito bago pa man nila tayo makita at idamay sa digmaan.” “D—digmaan?” naguguluhang tanong ni Mapolan na siyang natigilan nga at napasigaw nang biglang kumirot ang kaniyang puso. “M—mahal!” sambitla ni Alec na agad ngang hinawakan ang kaliwang kamay ni Mapolan. “H—hindi, hindi maaaring magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga tao dahil hihina akong tuluyan at mahihirapan akong ilabas ang ating anak,” naguguluhan nga kung ipaliwanag ni Mapolan. Dahil habang tumatagal ang digmaan sa pagitan ng mga tao ay mas kumikirot pa ang sakit ng kaniyang puso. “Alec, kailangan kong ilabas ang ating anak ngayon din. Bago pa man ako mas manghina.” “A—ano? Hindi ba isang linggo pa dapat ang ating hihintayin bago siya lumabas mula sa iyo?” naguguluhan ngang tanong ni Alec. “M—mahika,” sambitla ng isang babae na siyang bigla na lamang lumitaw sa gilid ng dalawa. “Gamitan mo sila ng mahika Alec upang mailabas ng maaga ang inyong anak.” “M—mahalia? Ano ang iyong ginagawa rito?” “Ang ibang mga Amatista, sila ang may kagagawan ng digmaan upang mapahina si Mapolan at mapadali na lamang ang pagpatay nila rito kasama ang sanggol na dala-dala niya. Mahirap na pigilan ang ibang Amatista dahil si Bathala mismo ang nag-utos sa kanila,” tugon ni Mahalia na siyang naglakad na nga palapit sa kanila. “A—ano?” hindi makapaniwalang sambitla ni Alec. “Alec, wala na tayong oras! Kailangang mong gumamit ng mahika ng mga Babaylan upang ilabas ang sanggol bago pa man dumating ang ibang mga Amatista dito,” bulalas ni Mahalia na siyang nilapitan ngayon si Mapolan at ibinukas nga ang kaliwang palad nito. “Gawin mo na Alec! Ilabas mo na ang sanggol bago mahuli ang lahat,” saad ni Mahalia na siyang dahilan upang matarantang husto ang babaylan. “Pero Mahalia, maaaring mamatay si Mapolan kung gagamitan ko siya ng mahikang tinutukoy mo—“ “Gawin mo! Gawin mo na ang dapat mong gawin Alec!” putol ni Mapolan kay Alec dahilan upang mapailing siya at mapaatras mula sa kanila. “H—hindi! Hindi ko kakayaning mawala ka sa akin Mapolan! Mas mainam nang mawala ang sanggol kaysa ikaw ang siyang mawala Mapolan.” “Alec, wala akong pakialam kung mamatay man ako sa iyong gagawin! Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mabuhay ang sanggol na dala-dala ko,” pakli ni Mapolan kasabay nang unti-unting pagpatak ng kaniyang mga luha. “A—alec sige na, gawin mo na ito. Sa abot ng aking makakaya ay gagamitan ko ng kapangyarihan si Mapolan sa oras na mag-agaw buhay siya. Ipinapangako kong gagawin ko ang aking makakaya upang buhayin siya sa sandaling mangyari nga ang kinatatakutan natin,” saad naman ngayon ni Mahalia dahilan upang tuluyang mapabuntong hininga si Alec at marahang lumapit kay Mapolan. Marahang tumango si Mapolan bago pa man kunin ni Alec mula kay Mahalia ang palad ni Mapolan kung saan naroon ang kuya lilang ilaw. Unti-unting ipinikit ni Alec ang kaniyang mga mata habang hawak ng kaliwa niyang kamay ang palad ni Mapolan. At ang kanang kamay naman nga niya ay nakahawak sa anting-anting na pagmamay-ari ng kaniyang ama na si Raja Berhane na siyang tinaguriang pinakamakapangyarihang Babaylan sa kasaysayan ng mundo. “Langkah dan musibah babaylan. Saya meminta pertolongan anda. Keluarkan babaylan dari badan dewi ini sekarang.” sambit ngayon ni Alec kasabay ng unti-unting paglakas ng ihip ng hangin mula sa labas patungo sa kanilang tahanan. “Langkah dan musibah babaylan. Saya meminta pertolongan anda. Keluarkan babaylan dari badan dewi ini sekarang.” Unti-unting sumigaw ngayon si Mapolan nang sumakit ang kaniyang buong katawan lalo na ang kaniyang ulo habang ginagamitan siya ng mahika ni Alec. Agad ngang napahawak si Mahalia sa ulo nito at sinubukang gamitin ang kapangyarihan niyang makapaghilom upang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ng tagapangalaga. “Langkah dan musibah babaylan! Saya meminta pertolongan anda! Keluarkan babaylan dari badan dewi ini sekarang!” Unti-unti na ngang itinataas ang tatlo mula sa lupa nang ipagpatuloy pa ni Alec ang kaniyang paggamit ng mahika. Kasabay nang patuloy pang pagsigaw ni Mapolan ay ang pagpapatuloy ni Alec sa pagbanggit ng mga makapangyarihang salitang salamangka. “Langkah dan musibah babaylan! Saya meminta pertolongan and! Keluarkan babaylan dari badan dewi ini—“ At sa panghuling sambit ni Alec ng katagang iyon ay tuluyan ngang nag-ilaw ng kulay lila ang buong paligid nila kasunod ng sabay-sabay na pagbagsak nilang tatlo sa lupa. Kasunod ang isang sanggol na agad din namang nasalo ni Mahalia bago pa man ito kamuntikang bumagsak din sa lupa. “Mapolan,” sambitla ni Alec na agad-agad ngang lumapit sa tagapangalaga na wala na nga ngayong malay at halos hindi na humihinga. “M—mahalia si Mapolan.” Agad-agad ngang ibinigay ni Mahalia ang sanggol kay Alec at agad nitong hinawakan ang dibdib ni Mapolan kasabay ng paglabas ng kulay berdeng ilaw mula sa kaniyang kamay. At makaraan ang ilang minuto ay unti-unti na ngang muling bumabalik sa normal ang tibok ng puso ni Mapolan kasabay ng biglaan niyang pagbangon mula sa pagkakahiga. “A—ang anak ko,” agad na sambit ng tagapangalaga kasabay ng kaniyang pagbangon mula sa pagkakahiga. Ngunit natigilan ito at tuluyang napangiti nang marinig ang pag-iyak ng sanggol na dala-dala ngayon ni Alec. “Narito siya mahal ko,” saad ni Alec na siyang inilapit nga ang sanggol kay Mapolan. “Narito ang ating anak.” Agad ngang tumulo ang mga luha ni Mapolan kasabay ng pagkuha niya sa sanggol na dala-dala ni Alec. “B—buhay ang anak natin Alec,” nakangiting sambit nito habang hawak-hawak ang maliit na daliri ng sanggol. “Oo Mapolan, buhay ang ating anak at maging ikaw ay buhay rin,” nakangiting tugon ni Alec na siyang hinagkan ang kaniyang mag-ina. “Alam kong masaya kayong naisilang na ang sanggol at makita siyang buhay ngunit kung inyong mamarapatin ay unti-unti nang nanghihina ang aking kapangyarihan. At kalaunan ay magagawa na nga tayong mahanap ng ibang Amatista. Kaya narapat lamang na makaalis na tayo sa lugar na ito sa lalong madaling oras,” putol ni Mahalia sa usapan ng dalawa. Nakatayo ito ngayon habang nakatikom ang kaniyang mga kamao. Nag-aalab ng kulay berde ang kaniyang mga mata dahil sa paggamit ng kapangyarihan para lituhin ang direksyong pinatutunguhan ng ibang mga Amatista na halos isang oras na ngang naliligaw sa kanilang mga daan dahil sa kapangyarihan ni Mahalia. Agad-agad ngang inalalayan ni Alec si Mapolan upang makatayo. “Hawakan niyo ang aking kamay at kayo ay dadalhin ko patungo sa ibang oras,” utos ni Mahalia dahilan upang matigilan at mapakunot ng noo si Mapolan. “I—ibang oras?” “Oo Mapolan sa ibang oras o panahon! Wala ng oras para ipaliwanag ko pa ang lahat-lahat kaya kumapit na kayo sa akin upang makaalis na tayo rito,” bulalas ni Mahalia na siyang hindi na nga kayang kontrolin ang emosyon dahil sa labis niyang paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Agad din namang naglakad na ang dalawa at kumapit na nang tuluyan kay Mahalia. Ngunit nang akmang gagamitin na ni Mahalia ang kaniyang kapangyarihan upang maidala ang mag-anak sa ibang oras ay natigil ito nang biglang sumakit ang kaniyang dibdib kasabay ng panghihina ng kaniyang mga tuhod. “Mahalia!” sambitla ni Alec na siyang agad na sinalo si Mahalia nang akmang matutumba na ito sa lupa. “A—anong nangyayari sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Alec. “K—kaonti na lamang ang natitira sa aking lakas. Hindi ko na kayang kontrolin ang direksyon ng ibang mga Amatista,” tugon ni Mahalia habang hawak-hawak ngayon ang kumikirot niyang dibdib. “At hindi ko na rin kayang dalhin kayong tatlo papunta sa ibang oras.” “K—kung gayon ay ako na lamang ang gagamit ng kapangyarihan—“ “Hindi maaari Mapolan dahil maski ikaw ay nanghihina na rin dahil sa nagaganap na digmaan,” putol ni Mahalia sa kaniya dahilan upang mapasinghap ito at nag-aalalang tinignan ang kaniyang anak. “Nararamdaman kong malapit na sila sa atin,” saad ngayon ni Mahalia na walang kurap ngang tumingin sa labas ng bahay. “Kung gagamitin mo ang natitirang lakas mo Mahalia,” sambit ngayon ni Mapolan dahilan upang mapatingin sa kaniya ito maging si Alec. “Kaya mo bang mailayo ang anak namin mula sa oras na ito?” At dahilan nga ang katanungang ito upang matigilang husto si Mahalia. “Mahalia, kahit pa na ikamatay naming dalawa ni Alec ay gagawin namin upang iligtas lamang ang aming anak,” patuloy ni Mapolan sabay abot ng sanggol kay Mahalia. “T—tama Mahalia, iligtas mo ang aming anak at hayaan mo na lamang na kami na ang humarap sa ibang mga Amatista,” pagsang-ayon ni Alec. “P—pero Alec—“ “Mahalia, walang hanggan kitang papasalamatan sa bagay na ito,” saad ni Alec na siyang inalis nga ang suot na anting-anting at isinuot ito sa sanggol. “Sigurado ba kayo rito?” Unti-unti ngang ngumiti ang dalawa kasabay ng kanilang marahang pagtango. Dahilan upang mapabuntong hininga ngayon si Mahalia at tumango bago tuluyang gamitin ang kapangyarihan upang maglaho kasama ang hawak na sanggol. At kasabay nga ng saktong paglalaho ng dalawa ay ang paglitaw naman ngayon ng tatlong Amatista ng Berbaza. “Mapolan, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa, ibigay niyo sa amin ang sanggol,” bungad ni Ebraheem sa dalawa. “T—teka lamang,” tigil ni Helios na ngayon ngay marahang yumukod at hinawakan ang lupa kasabay nang pagbasa niya ng mga pangyayaring nangyari sa tahanan limang segundo mula sa kasalukuyan. “Wala na rito ang sanggol”—gulat na sambit ni Helios na nakita nga ang pagkakataon kung saan naglaho si Mahalia kasama ang sanggol—“dahil naunahan na tayo ni Mahalia.” “Oo wala na rito ang sanggol! At tinitiyak kong kahit anong gawin ninyo ay hinding-hinding niyo siya mahahanap!” bulalas ni Alec kasabay nang pagbato niya ng isang mahika patungo sa kanilang tatlo ngunit agad na nakailag si Helios na ngayon ngay napatikom ng kaniyang kamay at tinignan ng diretso si Alec kasabay ng pag-iiba ng kulay ng kaniyang mga mata. “Tatlo lamang kayong pumuprotekta sa sanggol Alec. At hindi hamak na isa ka lamang mortal na sa kahit na anong oras ay maaari kong patayin,” saad ni Helios kasunod ng paglabas ng mga huni mula sa kaniyang bibig na agad nakapagpatigil kay Alec sa akma niyang pagbabato muli ng mahika. “H—huwag! Huwag mong gawin sa kaniya ito!” sunod-sunod na bulalas ni Mapolan na siya ngang sinubukang takpan ang tenga ni Alec ngunit huli’t huli ay tuluyan nang nakontrol ni Helios ang isipan nito. “Helios, anong gagawin mo?” pabulong na tanong ni Afiya na tuluyan ngang kinutuban sa gagawin ni Helios. “Narapat lamang na mabawasan ang mga magproprotekta sa salot na sanggol na iyon upang mas mapadali ang pagpuksa rito,” tugon nito na naglakad na nga palapit sa tulalang si Alec. “Alec, patayin mo si Mapolan,” sambit nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Alec. “H—hindi! Alec, huwag mong gawin ang iniuutos niya sa iyo,” agad na sambit ni Mapolan na siyang sinubukan ngang hawakan ang kamay ni Alec ngunit nanlaki ang mata niya nang maunahan siyang sakalin nito. “Sige Alec, patayin mo si Mapolan!” bulalas ni Helios dahilan upang magtinginan ngayon si Ebraheem at Afiya na siyang kapwa nga nangangamba at nag-aalangan sa ginagawa ni Helios. “Alec huwag! Huwag mong gawin ito,” tigil ng nanghihinang tagapangalaga. Ngunit kahit gustuhin mang lumaban nito ay hindi niya magawa dahil sa panghihina ng kaniyang katawan at pagkawala ng kaniyang kapangyarihan dahil sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng mga mortal. “Patayin mo siya Alec,” bulong muli ni Helios na siyang tulalang tinanguan ni Alec. “Untuk mati,” unti-unting sambit ni Alec kasabay ng unti-unting pagkawala ng hininga ni Mapolan. Dahilan nga ito upang ngumisi si Helios ng pagkalaki-laki at sunod na narinig ang halakhak nito sa buong paligid. “Helios—“ tawag ni Afiya na akmang lalapitan nga ito upang pigilan ngunit agad na nahawakan ni Ebraheem ang kaniyang pulso dahilan upang matigilan siya. At sa isang pitik ng daliri ni Helios sa bandang tenga ni Alec ay bumalik na ngang parang bula sa katinuan ang babaylan. “Mapolan!” bulalas nito nang makitang hawak-hawak niya ngayon ang leeg ng walang buhay na tagapangalaga. “M—mahal ko, anong nangyari sa iyo?” nanlulumong tanong nito na siyang hawak-hawak na nga ngayon ang tagapangalaga habang unti-unti siyang napapaupo sa lupa. “Pinatay mo siya Alec,” sambit ni Helios dahilan upang hindi makapaniwalang umiling si Alec. “H—hindi! Hindi totoo ang iyong sinasabi!” “Ayaw mong maniwala? Sige, ipapakita ko sa iyo ang iyong ginawa,” saad ni Helios na lumapit nga rito at hinawakan ang kaniyang ulo kasabay ng pagpasok ng senaryong ginawa kanina ni Alec kay Mapolan. “H—hindi!” sigaw ni Alec kasabay ng kaniyang sunod-sunod na pagtangis. At kasabay ng tuluyang paglalaho ni Mapolan ay ang pagsigaw ni Alec ng pagkalakas-lakas dahilan upang tumilapon ang mga Amatista. “Ikaw ang siyang pumatay sa kaniya!” sigaw nito na itinuro nga si Helios na kasalukuyang nag-aalab na ngayon ang mga mata. “Bakit Alec? Anong gagawin mo sa akin?” nakangising tanong nito na siyang walang kahirap-hirap na tumayo at naglabas nga ngayon ng itim na ilaw mula sa kaniyang kamay. “Papatayin kita Helios!” sigaw ni Alec na gumamit nga ng mahika upang mabilisang makalapit kay Helios at sakalin ito ng pagkahigpit-higpit. “Tulad ng sinabi ko Alec,” sambit ni Helios na diretso ngang nakatingin sa mga mata ni Alec. “Isa ka lamang hamak na mortal at mahinang babaylan.” At kasabay nga ng pagsambit ni Helios ng mga katagang iyon ay ang siyang unti-unting paghinto ng tibok ng puso ng babaylan. Napahawak nang tuluyan si Alec sa kaniyang dibdib kasabay nang unti-unti niyang pagbagsak sa lupa at pagkawala ng hininga. “Tara na”—sambitla ni Helios na tila ba walang nangyari—“kailangan pa nating hanapin ang taksil na Amatista.” Tuluyan ngang tumubo ang pakpak nito at lumipad na nga pataas dahilan upang mabutasan nang tuluyan ang bubong ng bahay. “A—afiya,” kunot noong tawag ni Ebraheem kay Afiya na kasalukuyang tulala sa pagkakatayo habang nanlalaki ang mata dahil sa gulat. “E—ebraheem— pinatay ko siya,” wala sa sariling sambit ni Afiya na siyang dahilan upang mawala ang kunot sa noo ni Ebraheem. “H—hindi ko namalayan ang aking sarili Ebraheem na magamitan siya ng aking kapangyarihan. Hindi ko siya sinasadyang mapatay Ebraheem.” “Afiya, huminahon ka,” tigil ni Ebraheem sa kaniya na siyang hinawakan nga ngayon ang magkabilaan niyang braso upang pakalmahin siya. “Wala na tayong magagawa Afiya, nangyari na ang nangyari. Mabuti pa siguro ay sumunod ka na lamang muna kay Helios,” buntong hiningang sambit ni Ebraheem. “At ako na lamang ang siyang bahalang magligpit sa katawan ng babaylan.” ~1940~ Unti-unting iminulat ni Mahalia ang kaniyang mga mata nang marinig ang pag-iyak ng sanggol na dala-dala niya. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon habang hawak-hawak ang nakapasan na sanggol sa kaniyang binti. Malalim na ang gabi at wala ring ilaw sa daan. Dahilan upang subukan nitong gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang gumawa ng ilaw. Ngunit sumakit lamang ng husto ang kaniyang ulo nang tinangka niyang gawin ito. Napapikit siyang muli ngunit kalaunan ay napamulat nang marinig ang unti-unting pagtigil ng isang kalesa sa tapat nila ng sanggol. “Binibini? A—ayos ka lamang ba?” bungad na tanong ng isang binata na kakababa lamang ng kalesa. Natigilan ang binata nang makitang hindi lang mag-isa si Mahalia bagkus ay may kasama siya ngayong isang sanggol. Ngunit ang mas nakapukaw sa atensyon nito ay ang ang mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ni Mahalia na halos mamutla na nga ngayon at tila nanghihina. “K—kailangan mo ba ng tulong? Kinakailangan niyo bang maidala ng iyong anak sa pagamutan?” nag-aalalang na tanong ng lalaki na siyang hindi nga nag-atubiling lumapit kay Mahalia. “Huwag kang lalapit!” pakli ni Mahalia sa kaniya dahilan upang agad din naman siyang matigilan sa akmang pagtulong niya rito upang makatayo. “Senyor Caloy,” tawag ng kutsero sa binata na siyang bumaba na nga mula sa kalesa upang lapitan ang kaniyang amo. “Mapanganib po ang panahon ngayon Senyor, huwag po kayong basta-basta magtitiwala sa kahit kanino. Baka isa lamang po ang babaeng iyan sa mga tulisan na gumagamit ng gamot upang linlangin ka at kunin ang mga dala mong pera at kagamitan.” “Berteng, huwag ka ngang basta-bastang nanghuhusga ng mga tao,” suway ng binata rito na siyang muli ngang ibinaling ang tingin kay Mahalia. “Binibini, hindi ko ibig na saktan ka o ano. Bagkus ay nais lamang kitang tulungan. Nais mo bang idala namin kayo ng iyong anak sa pagamutan upang magamot ang iyong mga sugat?” tanong ng binata dahilan upang matigilan si Mahalia at tignan ngayon ng diretso ang binata. “T—tulong? Kaya mo akong tulungan? Tutulungan mo ba ako na maibalik ang aking lakas upang manumbalik din ang aking kapangyarihan?” sunod-sunod na tanong ngayon ni Mahalia dahilan upang mapakunot ng noo ang Senyor. “Sabi na sa inyo Senyor, tulisan ang babaeng iyan. At natitiyak kong ang kapangyarihang tinutukoy niya ay yaong paggamit ng gamot upang malinlang kayo,” muling bulong ni Berteng sa binata. “Berteng, tumigil ka nga,” suway ng binata sa kaniya na buntong hiningang ibinaling ang tingin dito. “Hindi mo ba nakikitang namumutla at sugatan ang binibini? Natitiyak kong kailangan niya ngayon ng paunang lunas.” “Pero senyor—“ “Binibini, mabuti pa at sumama ka sa amin upang magamot ang iyong mga sugat sa mukha at tulad nga nang iyong sinabi ay upang na rin bumalik ang iyong lakas,” baling ng binata kay Mahalia dahilan upang unti-unting mapangiti si Mahalia at tumango sa binata. Marahan ngang iniabot ng Senyor ang kaniyang kamay upang tulungang makatayo ang dalaga. “Berteng, buksan mo ang pintuan ng kalesa,” utos ng binata nang tuluyan ngang abutin ni Mahalia ang kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD