Unti-unting iminulat ni Shakir ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ngayon ang nag-aalalang mukha ni Afiya na halos isang linggo na ring dinadalaw ang walang malay na babaylan. "Shakir," sambitla ng dalaga na napangiti ng pagkalaki-laki at agad na hinagkan ang binata nang unti-unti itong bumangon mula sa pagkakahiga. "L--ligtas kayo," ani Shakir na siyang kumawala nga sa pagkakayakap mula kay Afiya at hinawakan ang magkabilaang pisngi nito kasabay nang kaniyang buntong-hiningang pagngiti na tila baga nabunutan ngayon ng malaking tinik sa kaniyang puso. "Nasaan ang iba? Sina Mahalia? Si Ebraheem? At si Tunku?" sunod-sunod na katanungan ni Shakir na siyang marahan ngang binitawan ang mga pisngi ni Afiya nang mapansin ang pagkagulat sa mga mata nito. "N--nasa labas silang lahat."

