"Ricardo, pakisabi nga sa iyong ama at sa mga kasama nito na handa na ang kanilang makakain at ang mga bampira naman na ang papalit sa kanila sa pagbabantay," utos ng ina ng batang tikbalang dahilan upang matigilan ito sa pakikipaglaro. "Sige ho inay," tugon ng bata na walang pasubaling tumakbo patungo ngayon sa dulo ng kanilang kampo kung saan nagbabantay ang pinuno ng tikbalang at ang mga kasama nito. "Itay, handa na raw ho ang tanghalian, maaari na pong pumalit ang mga bampira sa inyo sa pagbabantay," ani Ricardo sa kaniyang amang si Maliksi na siyang pinuno ng lahing bampira. "Gayon ba anak," nakangiting tugon ng kaniyang ama na siyang ibinaling ngayon ang tingin sa mga kasamang tikbalang na nagbabantay sa tabi ng proteksyon. "Mga kasama, hali na muna kayo at handa na raw ang ati

