Ikalawang Bahagi: Kabanata 35

1186 Words

"Nasaan ang inyong pinuno?" bungad ni Ebraheem sa mga ravena tagapagbantay ng tarangkahan ng kanilang kampo nang lumitaw ito sa harapan nila. Agad na nagsilabasan ng kanilang mga espada ang mga ravena. "Nasaan ang inyong pinuno?!" bulalas ni Ebraheem na ngayon ay namumula ang mga mata at unti-unti ngang lumabas ang matutulis nitong mga pangil. "Kung ako sa'yo Ginoong Ebraheem ay umalis ka na lamang dito sapagkat mag-isa mo lamang at wala pa sa kalahati ng kapangyarihan mo ang kapangyarihan naming pinagsama-sama," ani Tolentino na kakarating lamang kasama ang isang pangkat ng kanilang mga mandirigma. Unti-unting nag-alab ang buong katawan ni Ebraheem na ngayon ay mabilisang tumakbo patungo kay Tolentino ngunit natigilan ito at nanlaki ang mga mata nang bumaon sa kaniyang tiyan ang isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD