Ikalawang Bahagi: Kabanata 36

1814 Words

"Alec, pagsuko lamang ninyo ang hinihingi ko ngunit dahil sa pagmamatigas mo ay mapapahamak lahat ng mga kalahi mo," ani Apolaki na ngayon ay nakatutok ang hawak na espada sa leeg ng nakaluhod na babaylan. "Kahit na anong sabihin mo o kahit na putulin mo pa ngayon ang ulo ko Apolaki ay hinding-hindi ako magpapasakop sa isang demonyong katulad mo na ang hangad ay alisin ang kapayapaan at pag-ibig sa mundo ng mga tao," tuwirang sagot ng babaylan na siyang hindi nga iniaalis ang tingin sa mga mata ng tagapangalaga. "Putulin pala ang ulo ha," ani Apolaki na siyang itinaas na ang espada at akmang puputulin na nga ang ulo ng babaylan ngunit natigilan ito nang lumitaw si Mapolan sa gilid niya at walang pasubaling binato ito ng kapangyarihan dahilan upang tumilapon siya ng pagkalayo-layo. "A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD