"Ebraheem, sa likuran mo!" bulalas ni Afiya na ngayon ay buong puwersang itinulak ang espada ng ravenang kalaban niya. "Huwag mo akong alalahanin Afiya, itutok mo lang ang iyong atensyon sa kalaban," sagot ni Ebraheem na siyang naglaho sa kaniyang kinatatayuan at inunahan ang ravenang aatakihin na sana siya sa likuran. Buntong-hiningang tumango si Afiya na ngayon ay nagpalabas ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad patungo sa ravenang kalaban niya at nang akmang tutuloy na siya sa pagtakbo ay natigilan siya nang makita sa hindi kalayuan ang lipon ng mga mandirigmang pasugod ngayon sa kanila. "H--haring Awang at Khaaya Amina," sunod-sunod na sambitla nito nang mamukhaan ang lalaki at babaeng nangunguna ngayon sa grupo ng mga mandirigma ng mga taga-Nero na siyang palapit ngayon sa kani

