“Ikakasal ka sa lakambini? Yaon ang sinabi ng raja sa’yo kagabi?” nanlalaking mga matang mga katanungan ni Celestina habang ngayon ay kasama niyang nasa kagubatan si Shakir upang maghanap ng mga halamang gamot na gagamitin nila sa paggawa ng mga kabal (potion).
“Yaon ang suhesyon ng Raja Ismail,” ani ni Shakir. 
“Papayag ka?” katanungan ni Celestina na siyang nagpatigil sa binata ngunit kalaunan ay napabuntong-hininga at nagpatuloy nang muli sa paglalakad. 
“Kung yaon ang makakabuti sa ating lahi, bakit hindi?”
“Ngunit wala ka namang pagtingin o nararamdaman patungo sa lakambini hindi ba?”
“Kailangan pa ba yaon?”
Natigilan nga ang binata nang makita ang hinahanap na halaman. 
Isinabit ang hawak na lampara sa sangang nasa itaas ng halaman at ngayon ay kinuha at binuksan ang pasiking (tradisyonal na habing basket) na nakasabit sa kaniyang likuran at doon inilagay ang ilan sa mga dahon ng halaman. 
“Ang iyong ina,” ani ng dalaga na tulad ni Shakir ay natapos na ring nanguha ng dahon sa halaman. “Alam na ba niya? Siya ang tagapangalaga ng pag-ibig Shakir, nalalaman niyang tunay kung anong nasa loob ng puso mo—“
“Celestina, sa panahon ngayon, wala ng oras para isipin ko pa ang pansarili kong kaligayahan,” pakli ng binata. “Nabubuhay ako upang protektahan ang mga natitirang babaylan at kung itong paraan na ito ang siyang maghahatid pa ng kaligtasan sa atin ay gagawin ko.”
Buntong-hiningang tumango ang ulipon bilang tugon dito. 
“Nakuha naman na natin ang lahat ng sangkap para sa gagawin nating kabal. Mabuti pa’t bumalik na tayo sa Sitio dahil baka may makasalubong pa tayong engkanto rito,” yaya ni Shakir na siyang tinanguan ngang muli ng ulipon.   
_________________________
“Shakir, hindi ka pa ba matutulog?”
Natigilan ngang saglit si Shakir sa paghahalo sa malaking palayok na naglalaman ng mga pinaghalo-halong halamang gamot at mga engkantasyon.
“Tatapusin ko lamang ang paggawa ng kabal na ito ina,” sagot ng binata dahilan upang ngayon ay maglakad na nga ang tagapangalaga palapit kay Shakir. 
“Ano bang gamit niyang kabal na ginagawa mo Shakir?”
“Sinusubukan ko hong sundang muli ang pormula ng kabal na kuat ina.”
“K—kuat? Mukhang pamilyar ito at hindi lang ngayon ang pagkakataon na narinig ko ito.”
“Isa hong kabal na nakapaggagamot ng sugat galing sa mga ravena,” sagot ni Shakir na ngayon ay pinatay na ang kalan na pinaglulutuan at namili ngang masinsinan ng mga boteng paglalagyan galing sa koleksyon nito. 
“Hanggang ngayon ay ninanais mo pa ring magamot ang paa ng Maginoong Gyasi?” 
Marahan ngang tumango si Shakir na ngayon ay binuhat pataas ang isang kahon ng kulay berdeng mga bote. 
“Isang sumpa ang ginawang yaon ng mga ravena sa paa ng Maginoo Shakir. Kahit na ilang ulit mo siyang painumin niyang kabal na iyan ay walang magbabago,” patuloy ng tagapangalaga dahilan upang magpakawala ng malalim na buntong hininga si Shakir at tignan nga sa mata ang kaniyang ina. 
“Ngayon ho ina ay nagbasa pa ako ng ibang mga libro galing sa mga ninunong babaylan bukod sa libro ng ama”—natigilan ang binata na siya ngang muli’t muling napabuntong-hininga at itinuloy na ang pagsalin ng kabal sa unang bote—“dinagdagan ko ho ang pormula at ginamitan ko rin ng mga panibagong engkantasyon ang kabal.”
“Kung hindi lang nanghina ang aking kapangyarihan ay matagal ko nang nagamot ang Maginoo,” ani ng tagapangalaga dahilan upang matigilan si Shakir at ibaba ngang tuluyan ang hawak na bote upang hawakan ang kamay ng kaniyang ina. 
“Nasabi sa akin ng Raja Ismail ang magaganap na kasal sa pagitan ninyo ng Punong Lakambini Aisha,” baling ng tagapangalaga dahilan upang mapaiwas ng tingin ang binata sa kaniya. 
“Nanghihina man ang kapangyarihan ko Shakir ay nakakabasa pa rin ako ng nilalaman ng puso,” patuloy ng tagapangalaga na siyang marahan ngang ipinatong ang palad sa dibdib ni Shakir na kalaunan ay naglabas nga ang palad nito ng kaonting ilaw na kulay lila. 
“Iba ang nilalaman ng iyong puso Shakir,” ani ng tagapangalaga dahilan upang mapakunot ng noo ang binata at kalaunan ay natawa sa kawalan. 
“Wala hong nilalaman ang aking puso ina ngunit tututunan ko hong mahalin ang punong lakambini—“
“Mayroon,” sambitla ng tagapangalaga dahilan upang matigilan ang binata at muli’t muling mapakunot ng kaniyang noo. “Mayroong laman ang iyong puso Shakir.”   
“Ina—“
“Isang dalagang na hindi ko mamukhaan sapagkat malabo ang kaniyang mukha,” patuloy ng tagapangalaga na kalaunan ay napabitaw sa dibdib ni Shakir nang kumirot ang kaniyang ulo. 
“Ina,” sambitla ng binata na agad ngang hinawakan ang braso ng kaniyang ina at agad na pinaupo sa kalapit na papag. 
“Ang sabi ko naman ho sa inyo, huwag niyo na lamang po muna gamitin ang kapangyarihan niyo dahil masasaktan lamang ho kayo,” ani ng binata na nagmadali ngang kumuha ng tubig mula sa kanilang kusina. 
“Shakir, hindi mo kailangang pakasalan ang Punong Lakambini—“
“Ina, ako ho ay nakapagdesisyun na. Para ho ito sa kapakanan ng aming lahi.”
“Ngunit mahirap turuan ang pusong may laman na Shakir,” anya ng tagapangalaga dahilan upang mapabuntong-hininga at umiling ang binata. 
“Marahil ay mali ang inyong nakita o nabasa ina. Masakit man tanggapin ngunit mahina na ang kapangyarihan mo ina,” saad ni Shakir dahilan upang matigilan ang tagapangalaga at ibaba nga ang iniabot na baso ni Shakir. 
“Ilan lamang ang mga babae sa buhay ko ina. Ang lakambini at si Celestina na siyang pareho ko lang naman hong itinuturing na matalik na kaibigan. Wala hong nilalaman ang aking puso ina.”
“Ang kapangyarihan ko lamang ang nawala Shakir ngunit ang pagiging tagapangalaga ko ng pag-ibig ay kailanman hindi nawala,” pakli ng tagapangalaga na siyang diretso ngang tinignan sa mata ang kaniyang anak. “Sa iyong mga mata pa lamang ay makikita ko nang hindi kagustuhan ng iyong puso ang itinatakdang kasal. Hindi lamang ito ang paraan upang iligtas ang mga kalahi mo Shakir. Isa kang Setangah Dewa at sa oras na lumabas na ang iyong kapangyarihan—“
“Pero paano kung hindi lumabas ina? Papalagpasin ko ba ang pagkakataon na ito upang maprotektahan ang mga babaylan? O paano kung sa paghihintay ko ay huli na ang lahat at muli na naman tayong matatalo? At kapalit nito ay marami na namang buhay ang masasayang ina,” sunod-sunod na sambit ng binata na siyang nagpatigil sa tagapangalaga. “Ayaw kong may magsasakripisyo na naman ng kaniyang kapangyarihan tulad ninyo, ayaw kong may maaabuso at may mapilayan na naman tulad ng Maginoong Gyasi, ayaw kong may mamatayan na naman ng pamilya tulad ni Tanya, Celestina—at ako.”
“Shakir—“
“Ako po muna ay magpapahangin lang sa kagubatan,” pakli ng binata na siyang nagmadaling lumabas na ng kanilang kubo dahilan upang magpakawala na lamang ng isang malalim na hininga ang tagapangalaga. 
_________________________
Nang makalayo-layo sa kanilang Sitio ay napabuntong-hininga si Shakir at marahang naupo sa malaki at patag na bato. Kalaunan ay nagpasya itong ihiga ang katawan upang masilayan ang mga bituin sa kalangitan. 
Unti-unti itong nangiti habang pinagmamasdan ang mga bituin. 
Isang napakalakas na ungol ang siyang nagpatigil sa binata na agad-agad na nabangon mula sa kaniyang pagkakahiga at inilibot ngang agad ang kaniyang paningin sa paligid.
Sa pangalawang pagkakataon ay muling umalingawngaw sa paligid ang ungol dahilan upang mapatayo na siya mula sa pagkakaupo. 
“Berikan saya pedang,” usal nito kasunod nang unti-unting paglitaw ng nakalutang na espada sa kaniyang harapan na siya niyang agad na kinuha. 
Marahan siyang naglakad upang maiwasang maglikha ng ingay dahil sa mga nagkalat na mga tuyong dahon at sanga sa kagubatan. 
Sa pangatlong pag-ungol ay mas malakas na ito na nasundan pang muli ng mas malakas na tila baga palapit ng palapit ngayon sa kaniya ang hayop na pinanggagalingan nito. 
Agad siyang napatigil sa paglalakad at buntong-hininga ngang iniikot ang paningin. 
Natigilang husto ang binata nang makarinig ng kaluskos mula sa kanang bahagi ng kagubatan.
Mas napahigpit ang hawak sa kaniyang espada at marahan ngang napalunok sa kawalan. 
Huminto ang paligid nito nang isang napakalakas na pwersa ang nagtulak sa kaniyang likuran dahilan upang tumilapon siya sa lupa kasama ang hawak na espada. 
Unti-unti siyang naupo mula sa pagkakahiga sa lupa habang hawak-hawak ngayon ang kaniyang likuran. 
Kasabay nang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso ay ang unti-unting paglapit sa kaniya ngayon ng itim at napakalaking lobo. 
Agad siyang natingin sa kaliwa at pilit ngang inabot ang espada niya ngunit hindi niya magawa dahil sa pamamanhid ng kaniyang paa. 
“B—berhenti!” sigaw nito ngunit napakunot ngang tuluyan ang kaniyang noo nang hindi tumabla ang engkantasyon sa lobo. 
Ngayon ay saglit na natigilan ang lobo habang tila diretsong nakatingin ngayon sa mga mata ni Shakir. 
Ngunit kalaunan ay nanlaki nga ang mga mata ni Shakir nang patakbong lumapit sa kaniya ang lobo. 
Buntong-hiningang ipinikit ang mga mata na tila ba tinanggap na ang kaniyang kapalaran ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay nagtaka ito nang walang naramdamang ano mang sakit na siyang niyang inaasahang magiging resulta ng paglapa sa kaniya ng lobo. 
Kunot-noong iminulat ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang isang malamig na kamay mula sa kaniyang pulso. 
“Hindi ka niya makikita at maririnig hangga’t hawak ko ang pulso mo kaya’t huwag kang bibitaw.”      
Natigilang husto ang babaylan habang diretsong nakatingin sa kulay asul na mga mata ng dalaga.
_________________________
“Ang sabi niya ay dito kami sa kagubatang ito magkikita ngunit saan na naroon ang Afiya na iyon?” usal ng isang binata kasabay nang manunumbalik ng kaniyang katawan mula sa pagiging pula. 
Napabuntong ito ng hininga at inilibot ang kaniyang paningin.
Ngunit natigilan ito nang makarinig ng isang ungol mula sa hindi kalayuan.         
Unti-unting naging pulang muli ang mga mata nang ginamit ang kaniyang kapangyarihang makakita sa kalayuan upang makita ang pinanggagalingan ng ungol. 
Natigilang husto nang makitang isang itim na napakalaking lobo ang pinagmumulan ngayon ng napakalakas na ungol. 
Buntong hininga siyang napatikom ng kaniyang kamao. 
“At sinong nagsabi sa iyong lobo ka na maaari kang magpagala-gala ng ganitong oras?” usal nito sa sarili na ngayon ngay akmang tatakbo na ng mabilis ngunit natigilan nang makita ng kaniyang mga mata ang isang dalagang nakatayo ngayon sa dulo ng isang bangin habang nakapikit ang kaniyang mga mata. 
Unti-unting napakunot ang kaniyang noo at salitan ngayong tinignan ang lobo at ang dalaga. 
Napabuntong ito ng hininga at nagpasya ngang ang lobo ang kaniyang pupuntahan ngunit natigilang muli at nanlaki ang mga mata nang makita ang kinatatayuan ng dalaga na siyang unti-unti ngang nabibiyak. 
Walang pasubaling tumakbo ang binata na kasing bilis ng kisapmata.
Tuluyang nabiyak ang kinatatayuan ng ngunit nahawakang agad ng binata ang pulso nito. 
“Binibini, kumapit ka lamang sa aking kamay!” bulalas ng binata na siyang mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa pulso ng dalaga. “Huwag kang mag-alala, hindi kita bibitawan at ililigtas kita rito.”