Unang Bahagi: Kabanata 27

1172 Words
—CEBU “Gimel, bakit ka ba agad-agad—“ “Nandito na tayo Afiya,” pakli ni Gimel na siyang dahilan upang matigilan si Afiya at unti-unting mapamulat ng kaniyang mga mata kasunod ng agad niyang paglayo mula kay Gimel nang mapansing nakayakap pa rin siya magpahanggang ngayon sa binata. Buntong-hiningang ibinaling ni Afiya ang kaniyang tingin kung saan nakapukaw ngayon ang atensyon ni Gimel. Nasa harapan sila ngayon ng isang mansyon na tila baga binagyo dahil nagkabasag-basag na ang mga salamin nito at nagkalat din ang mga natumbang puno sa paligid nito. “S—si mama,” ani ni Gimel na siyang agad na tumakbo palapit sa mansyon at sinundan din naman ngang agad ni Afiya. Pagpasok sa loob ay wala na ngang nadatnang ni isang tao si Gimel dahilan upang taranta niyang ilibot ang paningin. “Baka isa sa mga lumikas ang pamilya mo Gimel nang sumalakay dito si Bungisngis,” saad ni Afiya dahilan upang buntong-hiningang tumango si Gimel. “Siguro nga—“ “G—gimel?” Parehong natigilan ang dalawa na ngayon ngay parehong nabaling ang tingin sa kanilang likuran. “Gimel, anak!” bulalas ni Attorney Georgia na siyang walang pasubaling tumakbo at hinagkan si Gimel. “Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo. Anak, saan ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang bumalik?” “B—baka ho ito na ang huli nating pagkikita—“ “What do you mean anak? Ano bang sinasabi mo ha?” “Ayaw kong madamay pa kayo at ng pamilya niyo kaya mas mabuting ako nalang po ang lumayo sa inyo,” sagot ni Gimel na siyang dahilan upang mas mapakunot ang noo ng kaniyang ina at ngayon ngay hinawakan ng mahigpit ang magkabilaang kamay ni Gimel. “Anak, if there’s something wrong, kung may threat ba kayo or what just tell me at ako ang mag-aayos nito.” “Tulad po ng sinabi ko, ayaw kong madamay kayo at ayaw kong maging dahilan muli upang mawala ang sino mang mahal ko sa buhay,” sagot ni Gimel na dahilan upang maski si Afiya ay matigilan na rin at diretso ngang tinignan ngayon si Gimel. “Gimel, anong gagawin mo?” usal nito na siyang buntong-hininga ngang hindi sinagot ni Gimel. Diretso ngayong tinignan ni Gimel ang kaniyang ina at wala ngang pasubaling niyakap ito ng mahigpit na siyang ipinagtaka ng kaniyang ina. Ngunit unti-unting natigilan ang attorney kasunod ng unti-unting panlalaki ng kaniyang mga mata nang maramdaman ang kirot sa kaniyang likuran nang iturok nang tuluyan ni Gimel ang injection na naglalaman ng asul na likido. “G—gimel—“ Hindi na nga tuluyan pang naituloy ng attorney ang kaniyang sasabihin nang unti-unting nanghina ang mga tuhod nito at unti-unti ring nagdilim ang kaniyang paningin. Bumagsak itong tuluyan kay Gimel na siya rin naman siyang inalalayan upang pahigahin sa sofa. “Gimel, anong ginawa mo?” nanlalaking mga matang tanong ni Afiya nang tuluyan ngang maipahiga ni Gimel ang kaniyang ina sa sofa. “Isa lang ang naiisip kong paraan upang hindi sila madamay Afiya at ‘yon ay ang alisin ang ano mang ala-ala nila sa akin,” sagot ng binata dahilan upang magpakawala ngayon ng malalim na buntong-hininga si Afiya at diretso ngang tinignan si Gimel. “Sinundan ko ‘yong formula ng isang potion sa libro na makakapagwala ng memorya ng sino man patungkol sa’yo. Once maikalat na sa buong sistema ng katawan niya ang potion ay tuluyan ng mabubura ang lahat-lahat ng ala-ala niya patungkol sa akin. Mas mabuti na ‘yon kaysa sa madamay pa sila sa gulong kinasasangkutan ko ngayon,” patuloy ni Gimel na siyang mapait ngang ngumiti habang nakatingin sa kaniyang ina. “Ayos lang ba para sa’yo na hindi ka maalala ng itinuring mong ina? Gimel, kung hindi ayos sa’yo ay maaari nating bawiin ang epekto ng potion gamit ang kapangyarihan mo—“ “Nang una ko pa lang na nabasa ang patungkol sa potion na ito ay ito agad ang pumasok sa isip ko. Ayaw kong mag-alala pa siya para sa kaligtasan ko. Tulad na lamang ng ginawa niya na pagpapaiwan dito dahil sa akin. Ayaw kong mangyari ‘yon ulit at dumating sa punto na mapahamak pa siya.” _________________________ “Nagtext sa akin si Ebraheem na medyo mahuhuli raw sila ni Tunku,” ani ni Gimel matapos tignan ang kaniyang cellphone. “Ako nalang maghintay sa kanila dito—“ “H—hindi,” sambitla ni Afiya na siyang tinignan nga ng diretso si Gimel. “Sasamahan na kita na antayin sila. Masyadong delikado lalo na ngayong alam na—“ “A—alam na?” “C—coffee? Gusto mo pumunta muna tayo sa malapit na coffee shop habang inaantay sila Ebraheem?” “Paano naman ‘yong agenda mo? Hindi ba nagmamadali ka?” “Hindi naman tayo nag-bus hindi ba? Kaya mas marami na akong time ngayon and I can join you habang inaantay sina Ebraheem,” sagot ni Afiya na siya ngang dahilan upang unti-unting tumango na lamang si Gimel kahit na tila nag-aalangan sa suhesyon ni Afiya. “O—okay, saan mo ba gustong pumunta muna?” “Sa Sagada.” “W—what?” kunot noong tanong ni Gimel na siya namang tinanguan ni Afiya. “Hindi ba mabilis lang naman tayong makakapunta doon dahil sa kapangyarihan mo?” “Oo pero bakit parang ang layo naman ata ng Sagada para sa coffee?” “Mas masarap kape doon kaya tara na,” pakli ni Afiya na siya ngang hinagkan na si Gimel at tanguan ito nang makitang tila nag-aalangan ito ngayon. Buntong hiningang niyakap ni Gimel si Afiya at kasunod nga ng paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan upang mapabilis siya sa pagpunta sa Sagada. _________________________ “Ikaw ang nagyaya na magkape dito sa Sagada pero ni hindi mo pa ginagalaw ‘yang kape mo?” Agad ngang natigilan si Afiya na kung kanina ay tulalang nakatingin sa labas ng coffee shop ay ngay ibinaling ang tingin kay Gimel. “Siguro naman ay hindi na niya tayo masusundan dito,” ani ni Afiya sa kawalan dahilan upang kunutan siya ng noo nito. “Sinong niya?” kunot-noong tanong ni Gimel na siyang sasagutin na sana ni Afiya ngunit natigilan siya nang makarinig sila ng napakalakas na pagbagsak mula sa yero ng coffee shop na nasundan pa ng malalakas na pagbagsak dahilan upang agad na mapatayo si Afiya at tarantang hinawakan ang kamay ni Gimel na siya rin namang agad na napatayo. Nagtayuan na nga maging ang ibang tao at halos sabay-sabay na napasigaw ng isang taong may ibon ang bumaba mula sa itaas dahilan upang mabutasan ang yero. “Sa tingin mo talaga Afiya ay maiisahan mo ako?” Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Afiya sa gulat at siya ngang hinila si Gimel papunta sa kaniyang likuran. “Helios,” sambitla nito kasunod ng unti-unting pagbabago ng kulay ng kaniyang mata patungo sa kulay asul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD