Unang Bahagi: Kabanata 28

1158 Words
—SAGADA “Helios,” sambitla ni Afiya na siyang dahilan upang matigilan agad si Gimel na ngayon ay diretsong tinignan si Helios. “P—paano?” sambitla ni Afiya na siyang nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat sa pagdating ng ravena. “Sa tingin mo talaga ay hindi ko pinaghandaan kung sakaling hindi ka tutupad sa usapan na patayin ang babaylan?” Nagkagulo lahat ng mga tao sa coffee shop at agad-agad ngang nagtakbuhan ang mga ito palabas dahilan upang makita nila ngayon ang halos lima pang ravena na nakapalibot sa tuktok ng coffee shop. “Paano mo nalaman kung nasaaan kami Helios?” Unti-unti ngang ngumisi ang ravena kasabay ng paglabas niya ng isang maliit na tracker device at kasunod nang pagbaling niya ng tingin sa leeg ni Afiya. Dahilan upang agad na mapahawak si Afiya sa kaniyang leeg at makapa ang napakaliit na tracker dito. “Nanghihina man ako at ang kapangyarihan ko ay humiram muna ako saglit ng mga nilikhang mga bagay ng mga tao. Masasabi ko ngang not too bad at mapapakinabangan din pala sila.” “Huwag na huwag mong susubukang lumapit sa amin Helios—“ “Hanggang kailan talaga”—pakli ng ravena na siyang palapit na ng palapit kanila Afiya habang unti-unting pumapasok ang itim niyang pakpak sa kaniyang likuran—“ay hindi mapagkakatiwalaan ang mga sirenang katulad mo Afiya. Sa sinapit ba naman ni Mahalia ay talagang hindi kayo natakot ni Ebraheem na pagtaksilan ako?” “Shakir, ang isinumpang babaylan, nagagalak akong magkita na tayong muli,” baling ni Helios kay Gimel na siyang dahilan upang unti-unting mapatikom si Gimel ng kaniyang kamao. “E—eugene,” sambitla ni Gimel na siyang dahilan upang unti-unting mapangisi at itaas ni Helios ang kaniyang kanang kamay. “Long time no see Gimel,” ani ng ravena kasunod ng sunod-sunod pagbaba ng iba pang mga ravena galing sa bubong ng coffee shop. “Huwag niyo siyang hahawakan! Hindi ako magdadalawang-isip na saktan kayo sa oras na dumapi ang kahit na anong daliri sa babaylan!” sunod-sunod na bulalas ni Afiya na siyang dahilan upang senyasan ni Helios ang mga kapwa niya ravena. “Talagang proprotektahan mo ang isinumpang iyan Afiya? Kailan pa hinipo ng babaylang ito ang puso mo para ka kumampi sa kaniya? Ako ngay tunay na nagtataka kung bakit”—ani ngayon ni Helios na siyang unti-unting ngumisi at hindi inialis ang tingin kay Afiya—“at ano ang iyong dahilan kung bakit mo siya prinoprotektahan.” “Gimel, huwag kang mag-alala alam kong matutuntun agad ni Tunku kung nasaan tayo—“ “Talaga nga namang desidido ka nang pagtaksilan ako?”pakli ni Helios. “Kahit pa na buong angkan at Kaharian ng Nero ang nakasalalay dito?” “Mag-isip kang mabuti dahil baka sa huli ay magsisi ka at sabihin mo pang hindi kita binigyan ng pagkakataong pumili ng iyong kapalaran,” patuloy ni Helios. “Sinabi nang huwag niyo siyang hahawakan!” bulalas ni Afiya na siyang agad na binato ng asul na ilaw ang ravenang nagsubok na atakihin si Gimel. “Kunin niyo ang babaylan!” sigaw ni Helios habang paunti-unti ngang naging kulay itim ang buo niyang mga mata. “Hoy teka lang, dadaan muna kayo sa amin bago niyo makuha ang babaylan,” saad ni Ebraheem na halos kasabay ni Tunku na lumitaw sa pagitan ni Gimel at ng mga ravena. “Medyo ata corney ng line ko don Tunku?” usal nga ni Ebraheem habang hawak-hawak ang kaniyang baba at nakakunot ang noo ba tila nag-iisip. “Ebraheem,” sambitla ni Helios dahilan upang mabaling ang tingin dito ni Ebraheem. “Talagang hindi ka pa rin natututo sa ginawa ko sa iyong traydor ka at sinundan mo pa talaga kami ngayon dito?” Unti-unting ngumisi at umiling ang bampira bilang tugon. “Ako pa talaga ang traydor?” sarkastikong tanong nito na siyang saglitang ibinaling ang tingin kay Afiya at nakangisi ngang tinignan si Helios sa mata. “Kami pa pala ang traydor gayong ikaw ang naglinlang sa buong Berbaza at Sihir na isang sumpa si Shakir. ‘Yon pala ay ikaw pala ang salot na gumugulo at naghahati sa bawat angkan.” “Anong pinagsasabi mong hayop ka—“ “Tama na ang pagpapanggap Helios,” ani ni Abrax na siyang lumitaw nga ngayon sa likuran ng ravena dahilan upang kunot-noo siyang lumingon dito. “Pati ba naman ikaw Abrax?” “Nagkakagulo na ngayon sa Sihir nang dahil sa’yo at sa ama mong si Apolaki. Alam na ni Bathala ang lahat-lahat.” “Nais niyong patayin ang huling babaylan na siyang anak ni Mapolan upang mawala ang pag-ibig hindi lamang sa mga taga-Geo kundi sa buong Berbaza,” ani ni Ebraheem na siyang dahilan upang unti-unting mapabuntong ng hininga ang ravena na ngayon ay sumigaw ng pagkalakas-lakad na siyang nasundan pa ng mga nakakarinding sigaw mula sa mga kasama niyang ravena. Mabilisang lumabas ang mga pakpak ng mga ravena at nadagdagan pa nga sila ng napakaraming ravena na siyang sunod-sunod na dumating. Lumipad silang lahat sa alapaap at pinalibutan ngayon sina Gimel. “Gimel, dito ka lamang sa gitna—“ “Teka, lalaban din ako,” pakli ni Gimel kay Afiya nang mapansin ang pagprotekta sa kaniya nila Ebraheem, Abrax, at Tunku sa sunod-sunod na pag-atake ngayon sa kanila ng mga ravena. “Shakir ang mas malaking tulong kung sumunod ka nalang—“ “Berhenti!” bulalas ni Gimel patungo sa ravenang kamuntikan nang maatake si Abrax. Tuluyan ngang naging bato ang ravena dahilan upang mapatikom ng kaniyang kamao si Helios at sinenyasan nga ang mga ravena dahilan upang sunod-sunod silang umatake at makuha ngang tuluyan si Tunku paitaas sa alapaap. “Berhenti!” “Berikan saya pedang,” sunod na sambit ni Gimel dahilan upang lumitaw muli ang espadang ginamit niya laban kay Bungisngis. At yaon nga ang kaniyang ginamit na panangga at pag-atake laban sa mga ravenang lumalapit sa direksyo niya. “T—tunku! Bitawan niyo siya!” sunod-sunod na bulalas ni Gimel na siyang pinigilan nga ni Afiya nang akmang aalis na siya sa gitna nila. “Gimel, dito ka lang,” mariing sambit ni Afiya na kapareho nila Ebraheem at Abrax ay marami na ngang galos ang katawan at mukha dahil sa mga atake ng mga ravena patungo sa kanila. Buntong-hiningang umiling si Gimel dahilan upang kunutan siya ni Afiya nguni napalitan nga ito ng panlalaki ng kaniyang mga mata nang biglang nawala ngayon si Gimel sa gitna nila at lumitaw nga sa hindi kalayuan. “Bitawan niyo si Tunku!” bulalas ni Gimel dahilan upang mabaling ang atensyon ng mga ravena sa kaniya. “Hindi ba ako naman ang kailangan niyo? Ako ang harapin niyo at huwag niyo ng idamay si Tunku at maging sina Afiya rito.” Unti-unting ngumisi si Helios at tinanguan nga ang ravenang may hawak kay Tunku.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD