"Afiya, huwag kang madaya! Huwag mong gamitin ang iyong buntot sa paligsahan na ito!" bulalas ni Ebraheem na kasama nga ngayon sa dalampasigan sina Afiya at Mahalia upang makipagpaligsahan sa paglangoy.
"Kahit naman hindi ko gamitin ang aking buntot ay talo ka pa rin sa akin," sambitla ni Afiya na siyang natawa na lamang nang samaan siya ng tingin ni Ebraheem.
"Maging ikaw Mahalia, huwag na huwag kang gumamit ng kapangyarihan mo dahil kung hindi--"
"Kung hindi ano?" pakli ni Mahalia na siyang tinaasan nga ng isang kilay si Ebraheem dahilan upang mapalunok ito ng tuluyan.
"W--wala."
"Sige na, andami mo pa kasing dal-dal Ebraheem eh," ani Afiya ngunit natigilan nga ito at nabaling ang tingin sa likuran kung saan naroon ngayon si Shakir at Maginoong Ahmad malayo sa dalampasigan.
"Hindi ba sasali si Shakir--"
Hindi na nga tuluyan pang naituloy ni Afiya ang kaniyang sasabihin nang makitang nakalusong na sa dagat ang dalawa.
"Mga mandaraya talaga kayong dalawa!" bulalas nito na siyang madalian na rin ngang lumusong sa dagat.
"Hindi ka ba sasama sa kanila Shakir?" tanong ngayon ni Maginoong Ahmad kay Shakir na siyang marahang ngang umiling bilang sagot.
"D--dito na lamang ho ako Maginoo," tugon nito.
"Kung gayon ay maiwan na muna kita dahil ako rin ay susulong sa dagat," paalam ng matanda na siyang tinanguan ng binata.
Nang makalayong tuluyan ang matanda ay napabuntong nga ng hininga ang babaylan at napapikit ng kaniyang mga mata nang bigla na lamang kumirot ang kaniyang ulo na siyang nangyayari sa tuwing malapit ito sa dagat.
"Huminahon ka Shakir," usal nito sa sarili kasabay nang unti-unting paghinga ng malalim. "Hindi ka susulong sa dagat at malayong makakarating ang dagat sa iyo."
_________________________
"Anong nangyari sa kaniya Tunku?"
Agad-agad na ipinatong ng babaylan ang kaniyang palad sa noo ng matandang Kibaan at natigilan nga itong husto nang maramdamang sobrang init nito ngayon.
"Noong isang araw ay nagkaroon ng labanan sa aming kaharian laban sa mga ravena," sagot ng Kibaan kasunod nang pag-alis niya ng nakapatong na kumot sa paa ng kaniyang ina.
Agad na napatakip ng kaniyang bibig ang babaylan nang makita ang mga gumagapang na uod na siyang nanggagaling sa sugat ng kanang paa ng ina ng Kibaan.
"Wala kaming kapangyarihan na magpagaling Punong Lakambini Aisha ngunit ikaw ay mayroon, sana nawa ay matulungan mo ang aking ina gayong isa kang babaylan at manggagamot."
Nagpakawalang tuluyan ng isang malalim na buntong-hininga ang babaylan kasabay ng kaniyang marahang pagtango.
"Kailangan nating humanap ng mga halamang gamot upang magawa ko ang kabal na makapaggagamot sa mga sugat ng iyong ina. Mataas din ang kaniyang lagnat kaya kailangan ko ng bimpo at maligamgam na tubig," ani ng babaylan na siyang nagpangiti kay Tunku kasunod ng kaniyang sunod-sunod na pagtango.
"Maraming salamat," nanlalaking mga ngiting sambit ng Kibaan. "Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang bagay na ito Punong Lakambini Aisha."
Marahan ngang bumuntong ng hininga at tumango ang lakambini bilang tugon sa Kibaan.
_________________________
"Lakasan mo pa ang suntok babaylan!" bulalas ni Ebraheem na siyang dahilan upang muli't muli nga siyang suntukin nito.
"Iyan lang ba ang kaya mo? Hindi ka ba talaga tinuruang makipaglaban sa tanang buhay mo?" sunod-sunod na sarkastikong tanong muli ni Ebraheem dito dahilan upang matigilan si Shakir at unti-unti ngang bumuntong ng hininga bago pa man muling pakawaln ang kaniyang kamao patungo sa pisngi ni Ebraheem na muli't muli nitong naiwasan.
"Sinabi ko naman sa'yo una pa lang hindi ba?" ani Shakir na siyang tuluyan ngang ibinaba at pinakawalan ang kamao. "Hindi nga ako marunong makilaban."
"Hindi ka man lang ba tinuruan ng iyong inang si Mapolan? Hindi ka lang isang babaylan Shakir bagkus ay isa ka ring Setangah Dewa kaya't dapat ay inaaral mo rin o sinanay mo rin ang mga kapangyarihang nakuha mo sa iyong inang tagapangalaga."
"Tama na iyan Ebraheem," ani Maginoong Ahmad na ngayon ay may hawak-hawak na dalawang espada at ang isa nga dito ay iniabot niya kay Shakir na siya naman nitong kunot-noong kinuha.
"Kung hindi ka marunong sa pakikipaglaban gamit ang iyong kamao ay natitiyak ko namang marunong kang gumamit nito," saad ng matanda na siyang marahang tinanguan ni Shakir.
"Mahalia," baling ng matanda sa dalaga. "Nais kong subukin mo ang lakas ng babaylan na ito sa paggamit ng espada."
"Sa aking pangatlong bilang ay tuluyan nang mag-uumpisa ang inyong laban!" bulalas ni Maginoong Ahmad dahilan upang halos sabay na mapakapit ng mahigpit sina Mahalia at Shakir sa mga hawak nilang espada.
"Isa!"
Huminga ng napakalalim na hininga si Shakir na ngayon ay inabante ang kanang paa.
"Dalawa!"
Marahang lumapit si Shakir kay Mahalia habang ito ay walang kaemo-emosyong diretsong nakatingin ngayon sa kaniyang mga mata.
"Tatlo!"
Sa pangatlong hudyat ay mabilisang tumakbo si Shakir kasabay nang kaniyang pag-atake sa bandang paa ng amatista ngunit nanlaki ngang tuluyan ang mga mata ng binata nang naglahong parang bola ang amatista.
Sa kaniyang pagtingin sa likuran ay isang napakatulis na espada ang nakatutok sa gitna ng kaniyang mga mata.
"Maginoo! Hindi ba bawal gamitin ang kapangyariha--"
"Wala akong naaalalang may sinabi ang maginoo patungkol dito?" sarkastikong pakli ni Mahalia na ngayon ngay marahang inilapit ang espada kay Shakir dahilan upang unti-unti itong mapaatras.
Agad na tumagilid si Shakir at natumba sa lupa nang tuluyang isaksak ni Mahalia ang espada sa banda niyang tiyan.
Nanlalaki ngang mga mata niyang hinawakan ang tiyan at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga nang masigurong hindi siya napuruan.
"Huwag kang mag-alala, narito naman kami upang gamutin ang iyong sugat kung sakaling mapuruan ka," sarkastikong sambit ni Afiya sa hindi kalayuan na tulad ni Ebraheem ay nakangisi rin ngayon.
Dahilan ito upang mapabuntong-hininga si Shakir at tumayo na ngang tuluyan mula sa pagkakahiga sa lupa.
"Akala ko ba ay marunong kang gumamit nito?" sarkastikong tanong ni Mahalia na siyang marahang iwinagayway ang hawak na espada.
Hinigpitang mabuti ni Shakir ang pagkakahawak sa espada at mabilisan ngang tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Mahalia.
Nang umatake si Shakir gamit ang espada upang puruan ang mukha ni Mahalia ay agad ngang sinangga ito ni Mahalia gamit din naman ang kaniyang espada.
Nanatiling ganoon ang laban hanggang sa tuluyang binago ni Mahalia ang kaniyang atake at sa paa nga ni Shakir itinama ang espada.
Nanlaki ang mga mata ni Shakir sa gulat at unti-unti ngang napatingin sa nagdurugo na niyang kaliwang paa.
Tagaktak ang pawis sa kaniyang mukha at halos hingalin siya sa pagod at nakadagdag pa nga ang kirot na dulot ng sugat niya sa paa ngunit mas pinili nitong mananatiling nakatayo at tulad kanina ay hinigpitan ngang muli ang hawak sa kaniyang espada.
Mabilisan niya itong pinaikot sa ere at patakbo ngayong sinugod si Mahalia at sunod-sunod itong itake sa iba't ibang posisyon.
"Berhenti!"
Unti-unting natigilan si Mahalia kasunod nang pagkahulog ng hawak niyang espada nang mabilisang naging bato ang kaniyang kamay.
Natigilan na ngang din tuluyan si Shakir na marahan na ngang ibinaba ang hawak na espada.
"A--ang sabi mo ay hindi bawal gamitin ang kapangyarihan," ani nito dahilan upang marahan siyang ismiran ni Mahalia .
"Bueno," sambitla ni Maginoong Ahmad na siyang nakangiting pagkalaki-laki at naglakad nga papunta sa gitna ng dalawa. "Maaari na tayong magpahinga at bukas na lamang ulit ipagpatuloy ang pag-eensayo ninyo."
"Gayon na nga ho maginoo," sang-ayon naman ni Ebraheem na siyang nakangisi ngayong tinignan si Mahalia.
"Ito ang unang pagkakataon na makita kitang natalo sa labanan ng espada Mahalia," ani sa dalaga dahilan upang samaan siya ng tingin nito.
"Baka nais mong makatikim muli ng suntok mula sa akin Ebraheem?"
Agad ngang nawala ang ngisi nito sa labi at ibinaling ngang tuluyan ang tingin kay Shakir.
"Ikaw pala ay magaling sa pag-eespada babaylan, kung gayon ay wala nang dapat ipag-alala sa sandaling susugod tayo sa mundo ng mga tao upang kalabanin ang aking mga kalahi."
"Mukhang gayon na nga Ebraheem," sang-ayon ng Maginoo.
"Sana naman ngayon ay mawala na rin ang pangamba mo Afiya," baling nga nito sa amatista ng Nero na siyang tila hindi narinig ang sinambit ni Ebraheem at nakabaling nga ang atensyon nito sa nagdurugong sugat ni Shakir sa paa.
"Afiya," sambitla ni Ebraheem dahilan upang mapukaw ang atensyon nito.
"A--ano ang iyong sinambit Ebraheem?"
"Pwera na nga, ipapaulit mo pa sa akin. Kung saan-saan kasi naroon ang atensyon mo."
"Oh, siya, mabuti pa at pumasok na kayo sa loob ng kastilyo nang makapagpahinga na kayo. Bukas na lamang muli natin ipagpapatuloy ang pagsasanay," ani Maginoong Ahmad na siyang marahang tinanguan ng apat.
_________________________
Sa dakong silanganan ng Barrio Katigbi ay naroon ang maliit na panaderya na siyang tuluyan na ngang nagpatay ng mga nakasinding lampara senyales ng kanilang pagsasara.
"Lolo Gregor, mauuna na ho ako sa inyo," ani ng binatang kasa-kasama ng matanda at kaniyang taga-masa ng tinapay.
"Sige balong, basta't maaga tayo bukas ha," saad ng matanda na siyang tinanguan naman ng binata kasunod ng tuluyan niyang pagsakay sa kaniyang biskleta.
Buntong hiningang ikinandado ng matanda ang pintuan ng panaderya at napangiti nga ito nang makita ang apo niyang nakasilip sa itaas mula sa bintana ng kanilang tahanan.
"Harold, bakit gising ka pa?" tanong ng matanda na siyang nginitian nga ng bata.
"Inaantay ko ho kayo lolo," sagot nito na siyang dahilan upang mapatango ang matanda.
"Siya, ako ay tataas na riyan," ani ng matanda na siyang napaayos nga ng kaniyang suot na salamin at pumaroon na nga sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng panaderya at na siya rin nilang tahanan.
"Lolo!"
Ngunit natigilan ngang husto ito nang marinig ang nakakarinding sigaw ng kaniyang apo dahilan upang agad siyang bumalik sa ibaba at makita nga ang pag-iyak ng kaniyang apo habang turo-turo ang bubong ng katapat na bahay.
"Apo, ano iyon?"
Unti-unting nanlaki ang mga mata ng matanda nang makita ang isang kalahating taong nilalang at may pakpak. At nakalutang ito ngayon sa itaas ng bubong ng kanilang kapit-bahay.
_________________________
Lumalalim na ang gabi at tanging lampara na lamang ang nagsisilbing ilaw ngayon ni Shakir habang siya ay nagsusubok na gumawa ng penawar o isang uri ng kabal na nakapaggagamot ng ordinaryong sugat.
Natigilan itong husto sa paghihiwa ng bawang nang mapagtantong kulang ng isang dahon ng halaman ang kaniyang ginagawang pormula.
Buntong-hininga itong napabitaw sa hawak na kutsilyo at ibinaling nga ang tingin sa kaharap na madilim na kagubatan. Kalaunan ay nabaling naman ang kaniyang tingin sa mga bituin sa kalangitan.
"Maaari ba akong maupo sa iyong tabi Shakir?"
Natigilan ito at nabaling ang tingin sa kaniyang likuran kasunod ng kaniyang marahang pagtango.
"Ano ang iyong ginagawa?"
Nang una ay nag-alangang sumagot ang babaylan ngunit kalaunan ay napabuntong hininga at ibinaling ang tingin sa harapang mesa.
"Isang kabal na makapaggagamot ng aking sugat sa paa," ani nito dahilan upang mabaling ang tingin ngayon ni Afiya sa sugat ni Shakir sa paa.
"Ngunit bakit parang problemado ka at natigilan sa paggawa?" kunot-noong tanong ng amatista.
"Nakalimutan kong kumuha ng dahon ng sambong, malalim na ang gabi at malabong makita ko ito sa napakadilim na kagubatan," sagot ng babaylan.
Buntong-hininga ngayong tumango si Afiya kasunod ng kaniyang pagtayo patungo sa tapat ni Shakir. At nang akmang yuyukod na ito upang abutin ang sugat ni Shakir ay natigilan siya nang hawakan ni Shakir ang kaniyang pulso at marahan nga itong inilingan.
"Huwag," pakli ni Shakir na siyang dahilan upang kunutan siya ng noo ng dalaga.
"Hayaan mong pagalingin ko ang iyong sugat Ginoong Shakir," ani Afiya ngunit muli't muling umiling ang babaylan bilang tugon.
"Masasayang lamang ang iyong lakas binibini," tugon ni Shakir na ngayon ngay marahang binitawan ang pulso ng dalaga. "Tatakpan ko na lamang muna ito at bukas ko na lamang siguro gagamutin."
"Kaonting lakas lamang ang kapalit ng pagpapagaling ko sa iyong paa Ginoo. Hindi ito makakaapekto ng pagkalaki-laki sa aking kalakasan."
"Nasa lugar tayo ngayon malayo sa inyong tahanan o sa dagat. Alam kong ang mga sirenang kagaya mo ay madaling manghina kung matagal na hindi sumusulong sa dagat kaya't huwag mo na lamang sayangin ang lakas mo sa napakaliit na sugat kong ito na kaya namang gamutin kinabukasan."
Natahimik ngang tuluyan si Afiya at buntong-hininga ngayon naglakad paalis dahilan upang matigilan si Shakir at agad ngang lumingon sa likuran.
"Saan ka tutungo--"
Hindi na nga natuloy pa ng binata ang kaniyang sasabihin nang tuluyan na ngang nakalabas si Afiya.
"Hindi ko akalain na mamamana mo sa iyong ama ang pagkawalan ng muwang sa damdamin ng iba."
Natigilan ngang husto si Shakir at nabaling ang tingin sa kaniyang gilid kung saan nakaupo na ngayon si Mahalia.
"A--anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba--"
"Papasok na ako kanina ngunit nakita ko ang pagpasok ni Afiya kaya't naghintay lang muna ako sa labas," pakli ni Mahalia na ngayon ay kinuha ang bawang na hinihiwa kanina ni Shakir.
"Kung gayon ay kanina ka pa nga talaga nandito?"
"Hindi ko pa ba nasagot ang tanong mong iyon?" sarkatikong baling ni Mahalia na ngayon ay walang pasubaling isinubo ang isang butil ng bawang dahilan upang kunutan siya ng noo ni Shakir.
"Shakir, Shakir," sunod-sunod na sambitla ni Mahalia na siyang buntong hiningang tinignan ng diretso sa mata ang babaylan. "Mukhang kailangan mong suyuin ang amatista ng Nero."
"Anong ibig mong sabihin?" Muling napakunot ng kaniyang noo ang babaylan.
"Ang pinaka-ayaw ni Afiya sa lahat ay ang maliitin ang kapangyarihan o lakas niya," sagot ng amatista na ngayon ngay tumayo na mula sa pagkakaupo. "Kung ako sa iyo ay dapat tinanggap mo na lamang ang alok niyang tulong."
Tuluyan ngang napabuntong ng hininga si Shakir at nabaling ang tingin sa kaniyang sugat.
"Iniisip ko lamang ang makakabuti sa kaniya Mahalia--"
"Kayo talagang dalawa, kahit saang panahon man kayo mapadpad ay tila pinaglalapit talaga ng tadhana ang inyong mga buhay," ani Mahalia dahilan upang matigilan at kunot-noong mapatingin sa kaniya ngayon si Shakir.
Ngunit kapwa ngang natigilan ang mga ito at nabaling ang tingin sa harapang kagubatan nang makarinig sila nang sunod-sunod na sigaw.
Sa kabilang parte ng kastilyo kung saan nagkakape ang Maginoong Ahmad at si Ebraheem ay kapwa rin natigilan ang mga ito nang marinig pareho ang sunod-sunod na sigaw.
"Sa mundo ng mga tao nanggagaling ang sigaw na yaon," nanlalaking mga matang ani Mahalia na siyang ibinaling nga ang tingin kay Shakir. "Mukhang nag-uumpisa na nga sila tulad ng inaasahan natin."
Marahang ngang tumango si Shakir bilang tugon nang akmang tatakbo na sana si Mahalia palabas ng kwarto ay natigilan nang paika-ika ngang sumunod sa kaniya si Shakir.
"Ako na nga ang siyang gagamot ng paa mo, makakasagabal ka lang eh," anya na siyang nagpakawala nga ng berdeng ilaw mula sa kaniyang palad at ibinato ito sa bandang paa ni Shakir na may sugat.
_________________________
"Iyong apo ko."
"Mang Gregor, sigurado ba kayong manananggal ang kumuha sa apo niyo?"
"Tama, baka namamalikmata lamang kayo Mang Gregor?"
"S--sigurado ako. Kahit na medyo madilim na ang paligid ay nasisiguro kong manananggal ang nakita ng dalawa kong mga mata."
"Aysus Mang Gregor, gumagawa ka lamang ata ng kwento."
"Kaya nga Mang Gregor."
"Hoy posibleng tama ang mga sinasabi ni Mang Gregor ano."
"Paano mo naman nasabi Manang Inday?"
"Sa nabalitaan ko rin na may gumagala rin daw na manananggal sa kalapit bayan."
"Mukhang manananggal nga ang umatake," ani Afiya kasama ngayon sina Ebraheem, Shakir, at Mahalia sa lugar malapit sa kumpulan ng mga tao.
"Si Amadeo, siya ang lider nila," saad ni Ebraheem. "Sa Bundok Arayat ngayon ang kuta nila."
"Kung gayon ay sasama ka sa akin upang puntahan siya," ani Mahalia dahilan upang matigilan si Afiya at kunot-noong tinignan si Mahalia.
"A--at ako?" Turo nito sa sarili dahilan upang mabaling ang tingin sa kaniya ni Mahalia.
"Bukod sa unang pag-atake nila dito ay natitiyak kong may mga susunod pang pag-atake sa ibang lugar," paliwanag ni Mahalia. "Mainam na manatili kayo rito at subukang iligtas ang sino mang susunod nilang biktimahin."
"Kasama si Shakir? Iiwan niyo ako dito kasama si Shakir?" panganglaro ni Afiya na siyang tinanguan naman ni Mahalia.
"M--may problema ka ba kung ako ang iyong kasamang maiiwan binibini?" tanong ni Shakir dito dahilan upang matigilan at mapabuntong ng hininga si Afiya.
"Sige na, aalis na kami ni Ebraheem nang mas mapabilis ang paghahanap at matigilan ang plinaplano nila Amadeo," paalam ni Mahalia.
"Teka--"
Hindi na nga naituloy pa ni Afiya ang kaniyang sasabihin nang tuluyang naglaho ang amatista ng Geo.
"Ako ay mauuna na rin Afiya, Shakir," nakangising paalam ni Ebraheem na siyang sumunod nga sa paglalaho ni Mahalia.
Dahilan upang mapabuntong-hininga si Afiya at iniiwas ngang agad ang tingin kay Shakir nang mapansin na nakatingin ito sa kaniya.
_________________________
"Hula ko, ramdam mo rin ang koneksyon nilang dalawa ano?" bungad na tanong ni Ebraheem nang lumitaw sa tabi ni Mahalia.
"K--koneksyon? Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Mahalia na siyang nag-umpisa nang maglakad patungo sa kagubatan ng Bundok Arayat.
"Na tila baga may potensyal na maging magkasintahan ang mga iyon," sagot ni Ebraheem dahilan upang matigilan si Mahalia sa paglalakad at diretso siyang tignan nito.
"Paano kung sabihin ko sa iyong sila nga ang itinakda para sa isa't isa?"
Natigilang husto si Ebraheem. "A--anong ibig mong sabihin?"
Marahang ngumisi si Mahalia na siyang nagpatuloy na nga sa paglalakad.
"Teka! Magiging magkasintahan nga ba sila?" habol ni Ebraheem dito.
"Hindi lamang ikaw ang pwedeng magbiro Ebraheem."