Ikalawang Bahagi: Kabanata 28

2152 Words

"Bakit mo ginawa 'yon Mahalia?" tanong ni Shakir dahilan upang buntong-hininga siyang tignan ngayon ni Mahalia. "Wala na akong ibang pagpipilian pa Shakir--" "Kaya ano Mahalia? Kinuha mo ang buong bato ng amatista at ginulo mo ang oras?" pakli ni Shakir dahilan upang ibaling ng dalaga ang tingin sa kalangitan. "Halos isang daang taon din akong ikinulong sa Neraka," ani Mahalia na siyang saglitang natigilan sa kalagitnaan ng kaniyang pagkwenkwento ngunit kalaunan ay nagpakawala ito ng isang napakalalim na hininga at muling ibinalik ang tingin kay Shakir. "Ngunit nang magkagulo sa Sihir dahil nalaman ni Bathala ang ginawa ni Apolaki ay nagkagulong tuluyan maging sa kulungan. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon Shakir upang tumakas at isagawa ang planong halos isang daang taon kong pi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD