~1920~ "Gimel?" Unti-unting iminulat ni Shakir ang kaniyang mga mata at bumungad dito ang matatamis na ngiti ng dalagang tumawag sa kaniya sa pangalang Gimel. "Afiya? Anong ginagawa mo dito?" sunod-sunod na tanong ni Shakir na siyang inilibot ang kaniyang paningin at napagtanto ngang nasa isang hardin sila ngayon at sa harapan ay naroon ang isang lawa. "Kanina ka pa ba nag-aantay dito Gimel?" tanong ng dalaga sa kaniya na siyang iniabot ang palad kay Shakir. "Shakir?" Unti-unting iminulat ni Shakir ang kaniyang mga mata at bumungad ngayon ang nag-aalalang mukha ni Afiya. "A--afiya," sambitla ng binata na siyang unti-unting bumangon mula sa pagkakahandusay ngunit natigilan ito nang bigla na lamang siyang yakapin ni Afiya. "Mabuti at nagising ka Shakir," ani Afiya na siyang bunto

