“Gimel!” tawag ni Javier dito nang makita ang pagpasok nito sa cafeteria ngunit natigilan siya sa paglapit nang makitang kasama ngayon ni Gimel ang barkada nila Joseph Tan na kung maaari ay iniiwasang makaingkwentro ng mga estudyante.
Kilala ang mga magbabarkadang ito na kadalasang nagdadala ng kaguluhan sa loob at labas ng eskwelahan. At hinihinala pa ngang ang grupong ito ay nasangkot na sa iba’t ibang krimen ngunit nakakatakas dahil sa ama ni Joseph Tan na nagmamay-ari ng pinakamalagong negosyo sa bayan.
“Don’t tell me kilala mo ang lalaking iyan?” nakangising tanong ngayon ni Joseph kay Gimel nang mapansin nga ang akmang paglapit ni Javier kay Gimel.
“N—no, I don’t know him.”
“Mabuti kung ganoon dahil hindi tayo magkakaproblema,” saad ngayon ni Joseph na siyang tinanguan nga ang isa nilang kasama na siyang lumapit ngayon kay Javier.
“Dating order namin sa may table 5,” sambit nito kay Javier na siyang agad-agad ngang tinanguan ni Javier kasunod nang mabilisan niyang paglinya sa counter.
Kunot noo ngayong sinundan ni Gimel ng tingin si Javier at natahimik nga ito nang biglang may pumasok na memorya sa kaniyang ulo.
“Gimel!”
“Eugene, anong ginagawa mo dito?” kunot noong tanong ni Gimel habang kasama nga ngayon ang dalawa niyang kaibigan na sina Henry at Celestine.
“Nagpalipat ako ng school para magkasama na tayong pumasok kaso nauna ka naman nang nagpahatid kay tito kanina bago kami nakarating ni mama sa bahay niyo.”
“N—nagpalipat ka? What do you think are you doing Eugene?” usal ni Gimel.
“Eugene, mabuti pa at maupo ka na rito sa table namin dahil natitiyak kong wala ka pa masyadong kakilala rito—“
“No,” pakli ni Gimel dahilan upang kunot-noo siyang tignan ngayon nila Celestine at Henry.
“O—orderan mo muna kami bago ka umupo rito,” patuloy ni Gimel na ikinagulat ng dalawa niyang kaibigan.
“Trevor, anong ginagawa mo?” tanong ni Celestine.
“Kung ayaw niyang sundin ang gusto ko ay mabuti pa’t humanap nalang siya ng ibang mauupuan.”
“Gimel—“
“No it’s okay Henry, orderan ko nalang kayo sa counter at tutal unang araw ko ngayon ay sagot ko na lunch niyo,” nakangiting sambit ni Eugene na siyang nagtungo na sa counter upang luminya.
“Halika na rito Mister Perez dahil marami-rami pa tayong pagkwekwentuhan,” ani ni Joseph na siyang nakaupo na nga kasama ang mga kabarkada niya dahilan upang agad ngayong maupo si Gimel sa katapat na upuan nito.
“Like I said kanina, MVP ka ng Football League noong 2016 so malaki ang maitutulong mo sa football team namin sa oras na sumali ka,” saad ni Joseph na siyang tinanguan ng mga kasama niya.
“We are aiming to win this year at magagawa lamang namin iyon kung sasali ka sa grupo Gimel,” saad ni Willie Cruz na siyang katabi ni Joseph.
“I’m sorry pero wala na kasi akong balak na balikan pa ang pagfoofootball—“
“At bakit naman hindi Gimel?” pakli ni Joseph.
“Halos ilang buwan na rin akong hindi naglalaro kaya I don’t think makakatulong ako sa grupo niyo.”
“O’ come on Gimel, kaya nga may training hindi ba? Para irecondition iyong katawan mo for the football unless—“ nakangising ani ni Joseph habang diretsong nakatingin ngayon sa mga mata ni Gimel habang nakangisi.
“U—unless what?” kunot noong tanong ni Willie dahilan upang mapabuntong hininga si Gimel at marahang tumango.
“Sige sasali na ako—sasali na ako sa team niyo,” ani ni Gimel dahilan upang unti-unting mapangiti at tumango si Joseph.
“H—heto na iyong tipikal na mga orders niyo,” ani ni Javier habang hawak-hawak nga ang isang tray na punong-puno ng mga pagkain.
Agad-agad silang kumuha isa-isa pwera kay Gimel na tulala ngayon at malalim ang iniisip.
“G—gimel, ayaw mo ba nitong inorder ko?” nag-aalangang tanong ni Javier dahilan upang mapatingin ngayon sila Joseph sa kanilang dalawa.
“H—hindi naman sa ayaw ko, wala lang talaga akong ganang kumain.”
“Imposible, just order another dish Javier,” utos ni Joseph.
“A—anong oorderin ko?” nag-aalangang tanong ni Javier habang nakatingin kay Joseph.
“Tanga ka ba? Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo iyong kakain tanga,” sunod-sunod na sarkastikong sagot ni Joseph dahilan upang matigilan si Gimel.
“Tanga ka ba Eugene? Bakit ako ang tinatanong mo eh pinasa lang naman sa akin iyang video na iyan.”
“Gimel, tinatanong lang kita if ever alam mo kung saan nanggaling ito—“
“Hindi ko nga alam! Bakit ba parang pinagbibintangan mo pa ako?”
“G—gimel, anong gusto mong kainin?”
“Ako nalang mag-order ng pagkain ko,” sagot ni Gimel na siyang tumayo na nga ngunit natigilan siya nang isang kalabog ang umalingawngaw sa buong cafeteria at nang lumingon ito sa likod niya ay nakita na nga niyang nakaupo na si Javier sa sahig habang hawak-hawak ang kaniyang pisngi na namumula dahil sa pagkakasuntok sa kaniya ni Joseph.
Nang ilibot ni Gimel ang kaniyang tingin ay hindi niya maiwasang magtaka na hindi man lang naantala ang ibang kumakain sa cafeteria bagkus ay tila normal lang sa kanila ang nangyayari.
“Kung dili ka tanga, ayawg pakaaron-ingnon nga mobarog ug magmando, (Kung hindi ka ba naman tanga ay hindi magprepresinta iyan na tumayo at mag-order)” saad ni Joseph na siyang nakangisi nga at marahang inuunat ang mga kamay.
“S—sorry Joseph.”
“Wala siyay mabuhat sorry nimo! Maayo pa nga magtindog ka didto ug magkuha ug pagkaon ni Gimel. (Wala nang magagawa iyang sorry mo! Mabuti pa ay tumayo ka diyan at kuhanan mo ng pagkain si Gimel)”
Agad ngang napatayo si Javier ngunit natigilan siya nang humarang si Gimel sa daraanan niya.
“Ako na ang mag-oorder Javier.”
Marahang umiling si Javier habang nanginginig na ngayon ang mga tuhod at kamay. “Gimel, ako na.”
“Hoy Gimel umupo ka na rito at hayaan mo nalang ang bading na iyan na mag-order ng pagkain mo.”
“Sige na Gimel umupo ka na roon bago pa ulit uminit ang ulo niya.”
“Wala akong pakialam Javier, mabuti pa ay umalis ka na rito at ako na ang haharap sa kanila,” usal ni Gimel na siyang nagpakunot sa noo ni Javier.
“Javier umalis ka na dito,” saad muli ni Gimel na siyang dahilan upang tumango ito at patakbo ngang lumabas ng cafeteria na siyang dahilan upang mapatayo si Joseph at akmang hahabulin ito ngunit hinarangan siyang agad ni Gimel.
“What the heck Gimel—“
“Ako na mag-oorder ng pagkain ko,” mariing sambit ni Gimel na siyang natigilan nang kwelyuhan siya ni Joseph.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!”
“Wala kang karapatan na saktan ang sino man dahil lamang sa napakababaw na dahilan,” sagot ni Gimel na siyang dahilan upang matigilan si Joseph at unti-unti ngang napabitaw sa kwelyo ni Gimel ngunit kasunod nito ang sarkastiko niyang tawa na umalingawngaw sa buong cafeteria.
“Walang karapatan ang sino man na pangaralan ako lalong-lalo na ang isang mamamatay tao na tulad mo!”
At ang sigaw ngang iyon ni Joseph ang pumukaw sa atensyon ng ibang mga estudyante.
Unti-unting napatikom ng kamao si Gimel na siyang tulirong tinignan ang mga estudyanteng nakatuon ngayon ang mga mata sa kaniya.
“Gimel Trevor Perez, binigyan kita ng pagkakataon ngunit ilang minuto lang ay lumabas na agad ang tunay mong ugali?” nakangising sambit ni Joseph na siyang dahilan upang mas itikom pa ngayon ni Gimel ang kaniyang kamao.
“Alam kong nabalitaan niyo iyong estudyante sa Maynila na namatay dahil sa party drugs overdose and I am telling right now na ang taong nasa likod ng krimen na iyon ay nandito sa school natin,” ani ni Joseph dahilan upang magbulungan ang mga estudyante na takot na takot pa ngang tignan ngayon si Gimel.
“Gimel, sa tingin mo mas paniniwalaan kita kaysa sa halos thirty na witness? Mamamatay tao ka Gimel, at nagsisisi akong kinuha pa kita mula sa mama mo.”
“This is my game now Gimel kaya huwag ka nalang makialam. Kaya Eugene come on, just simply do it and we are done.”
“I—I don’t—I really don’t drink—”
“O’ Come on Eugene! Stop being weak, just f*cking drink that and we’re done!”
“No Eugene! Huwag mong inumin iyan!”
Halos manginig at mapahawak ngayon si Gimel sa kaniyang ulo nang sunod-sunod ngang pumasok sa memorya niya ang nangyari sa gabing iyon.
At nakadagdag pa nga ang tinginan at bulungan ngayon ng mga estudyante sa paligid niya.
“Ano bang pumasok sa isip mo at pumasok ka pa sa paaralang ito? Hindi mo matatakasan ang krimeng ginawa mo Gimel kaya kung ako sa iyo, magkukulong nalang ako sa bahay o hindi kaya ay aalis na lamang ako rito sa Pilipinas,” nakangising saad ni Joseph dahilan upang tuluyang tumalikod si Gimel at tumakbo palabas ng cafeteria at papunta sa labas ng gusali.
Hindi ito natigilan sa pagtakbo at ilang metro na nga halos ang layo mula sa kanilang paaralan.
“Si Henry talaga ang may sakit na epilepsy Gimel. At oo siya iyong lalaki sa kumalat na video pero klinaim nga ni Eugene na siya iyon para sa kaniya mabuntong ang pang-aasar nila Anderson.”
Nang maramdaman ang pagod ay unti-unti nga itong tumigil sa pagtakbo at buntong hiningang nagpanikluhod sa lupa at ibinaling ang tingin sa kulay asul na kalangitan.
“Dapat ako nalang ang namatay at hindi ikaw Henry—“
“Excuse me?”
“I said excuse me?” muling tawag ng isang babae na siyang nagpasya ngang lumakad papunta sa harapan ni Gimel.
Tulad ni Gimel ay pawisan din ito at hingal-hingal na tila ba kagagaling din sa pagtakbo. At ang suot nga nitong uniporme ay katulad din ng suot na uniporme ni Gimel.
Natigilang tuluyan si Gimel at ibinaling nga ang tingin sa babae.
“Nahulog mo itong ID mo habang tumatakbo palabas ng school kaya hinabol kita. And I didn’t expect na halos ilang metro rin ang layo ng tatakbuhin mo. I’ve tried to shout para pigilan ka pero parang nasa iba ata ang mundo mo at hindi ako marinig.”
Agad ngang napatayo si Gimel at kinumpirma nga na wala na ang suot niyang ID.
“Ito oh ID mo,” saad ng babae sabay abot nito kay Gimel.
“Thank you—“
“Ayaw ko ng thank you,” pakli ng babae na siyang binawi nga ang pagkakaabot ng ID.
Kunot noo nga siyang tinignan ni Gimel. “What do you mean? Hindi mo ibibigay sa akin iyang ID ko—“
“Gusto ko ng softdrink tutal pinagod mo ako ng todo,” sagot ng babae dahilan upang mawala ang kunot sa noo ni Gimel.
“Tara na, naiinom na ako!” ani ng babae sabay hawak sa pulso ni Gimel at hila rito papunta sa malapit na sari-sari store.
_________________________
“Masama sa tiyan ang uminom ng pantulak na wala namang tinutulak,” saad ng dalaga sabay abot ng suman kay Gimel.
“Ano ito?”
“Suman malamang, ngayong ka lang ba nakakita niyan?” sarkastikong sagot ng dalaga dahilan upang mapabuntong hininga si Gimel at magpasya na lamang na kunin ang iniaabot na suman ng dalaga.
“You’re Gimel Trevor Perez of Grade eleven STEM-A right?” tanong ngayon babae matapos diretsong inumin ang isang bote ng pepsi.
“P—paano mo nalaman ang buo kong pangalan?”
“Natural nasa ID mo,” sarkastikong sagot ng babae na siyang inilapag na ang bote ng pepsi. “Ante bisan usa ka botelya nga Pepsi apan palihug i-plastic ra kini. (Ante isang bote pa nga po ng pepsi pero pakiplastik nalang po)”
“Sige, igsoon, paghulat lang sa usa ka minuto. (Sige iha, antayin mo lang saglit)”
“By the way, bakit ba ganon ka nalang kabilis tumakbo palabas ng school. Sabihin mo nga sa akin, sasali ka ba ng track and field ngayong year?”
Agad na umiling si Gimel na siyang ibinaba na rin nga ang hawak na bote ng pepsi.
“Kung gayon ay ano?”
Natigilan si Gimel at natahimik dahil sa katanungang iyon ng babae.
“Anak nga babaye, kini ang imong Pepsi. (Iha, ito na iyong pepsi mo)”
Agad ngang kinuha ng babae ang iniabot na softdrink ng matandang tindera.
“O—okay nevermind nalang dahil mukhang ayaw mo atang pag-usapan. Mabuti pa ay bumalik na tayo sa school dahil magaala-una na rin, baka masaraduhan pa tayo ng guard.”
Agad ngang tumango si Gimel bilang tugon dito at madalian na nga itong nagbayad sa tindera ng sari-sari store.
_________________________
“Sa hula ko ay mukhang Senior High School ka na rin pero ano bang section mo at ano bang pangalan mo?” tanong ni Gimel nang mapansin ang pagsunod sa kaniya ng dalaga papunta sa classroom nila.
“Grade eleven STEM-A,” sagot sa kaniya nito dahilan upang matigilan siya sa mismong harapan ng pintuan ng classroom nila at harapin nga ngayon ang babae habang nakakunot ang kaniyang noo.
“Afiya!” tawag ng isa sa mga kaklase nila Gimel sa babae.
“A—afiya?” tanong ni Gimel dito na siyang tinanguan ng babae.
“Afiya Abadiano,” nakangiting pagpapakilala ng babae sabay abot ng kamay niya kay Gimel.