Unang Bahagi: Kabanata 6

1563 Words
~2018~ —Cebu “Ma payagan mo na kasi akong makisabay kina Tito Gary mamaya sa pag-uwi.” “Diego, we have a dinner tonight with your Kuya Gimel busa kinahanglan nga makapauli ka nga mas sayo unya, (kaya dapat mas maaga ka dapat na makauwi mamaya)” “Dinner with him?” sarkastikong tanong ng batang lalaking na nasa edad dose sabay tingin kay Gimel na katabi niya ngayon sa kotse. “Diego,” sambitla ng kanilang ina na siyang pinandilatan nga ang bata. “Ka-awkward naman niya kausap eh. Mas gusto nako nga manihapon sa akong mga higala kung ugaling. (Ka-awkward naman niya kausap eh. Mas pipiliin ko nalang makidinner sa mga kaibigan ko if ever)” “Diego huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Sa ayaw at sa gusto mo ay uuwi ka ng maaga mamaya. Mabuti pa’t pumasok ka na dahil baka malate ka pa niyan,” ani ng kaniyang ina na siyang sinenyasan nga ang anak na bumaba na mula sa kotse. At nang tuluyang makababa ang anak ay agad ngang napabuntong hininga ito na tila nga nabunutan ng tinik ang puso nang makababa ang bunsong anak. Bago nagpasyang magmanehong muli ay saglitan muna siyang napatingin sa harapang salamin ng kotse upang makita si Gimel na kasalukuyang malalim ang tingin sa katabing bintana habang may nakasaksak na earphones sa magkabilaan niyang tenga. _________________________ “Gimel anak narito na tayo,” sambit ng ina nito nang itigil niya na ang sasakyan sa tapat ng eskwelahang papasukan niya. “Gimel?” muling tawag nito na ngayon ngay marahang tinapik ang braso ng anak dahilan upang makuha niya ang atensyon nito. “Nandito na tayo sa bagong school mo.” Agad na ibinaling ni Gimel ang tingin sa kabilang bintana dahilan upang makita niya ang isang napakataas na lumang gusali na kakakitaan ng kaparehong disenyo ng mga karaniwang gusali na itinayo pa sa panahon ng mga Kastila. Isa itong pribadong paaralan na itinayo ng isang mayamang Don noong taong 1850. “Alam kong maninibago ka pa sa iyong mga bagong kaklase lalo pa’t hindi mo alam mag-bisaya. Pero Gimel, alam kong kaya—“ Tuluyan nga itong natigilan nang buksan na ni Gimel ang pintuan ng sasakyan at lumabas na nga mula rito nang hindi inaantay na matapos ang kaniyang sasabihin. “Gimel, teka lang.” Agad na lumabas ang kaniyang ina na siyang nagmadaling isara ang sasakyan at nagmadaling habulin si Gimel na akmang papasok na sa gusali. “If you need anything anak, tawagan mo lang ako ha,” sambit nito nang mahawakan ang pulso ng anak. “Hinding-hindi po ako hihingi ng tulong o pabor sa inyo,” ani ni Gimel na ngayon ay marahang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ng kaniyang ina. “At iyong plinaplano mong dinner mamaya, huwag mo na lamang ituloy.” “Gimel anak, sayang naman iyong mga ipinabili ko at ipinahanda kila manang kung ganoon lang. Kahit ngayon lang anak, pagbigyan mo naman ako—“ “Ayaw nila ako—alam ko iyon. Malinaw na ayaw ako ng bagong pamilya niyo at nirerespeto ko iyon kaya’t huwag niyo nalang ituloy ‘yong dinner na binabalak niyo,” pakli ni Gimel na siyang dahilan upang tuluyang matahimik at maistatwa ang kaniyang ina. “Mauna na po ako.” _________________________ Pagpasok sa paaralan ay natigilan si Gimel sa gitna ng lobby at marahan ngang inilibot ang tingin sa buong paaralan. Kapansin-pansin ang mga nakasabit na mga naglalakihang aranya (chandelier) sa kisame. At ang bawat pader ngay may mga nakasabit na mga lumang litrato ng mga nagdaang presidente ng paaralan. Ang sahig naman na tinatapakan ni Gimel ay gawa sa dark hardwood na siyang naglilikha ng malalakas na yapak sa tuwing tatapakan ito. Samantalang ang mga pader naman ng paaralan ay gawa sa mudbrick wall na may kulay na nagpapakita na ang gusali ay nalipasan na ng mga nagdaang taon. Buntong hiningang ibinaling ni Gimel ang kaniyang tingin sa harapan kung saan naroon ang rebulto ng isang taong may malaking pakpak sa likuran. Makalipas ang ilang minutong paglilibot ng kaniyang paningin ay nagpasya na itong pumasok sa elevator. At nang oras na magsasara na ito ay isang estudyante ang pumigil nito at madalian ngang pumasok sa loob. “Sakto sa third floor din ako,” ani ng lalaki nang sandaling pindutin ni Gimel ang ikatlong numero sa lift button. Hindi niya ito pinansin bagkus isasaksak na sana niya ang hawak na earphone sa kaniyang tenga. “Sampung palapag mayroon ang paaralan na ito,” sambit muli ng lalaki kay Gimel dahilan upang matigilan ito at kunot-noo siyang mapatingin sa lalaki. “Ngunit alam mo kung anong weird?” patuloy ng lalaki na siyang inayos muna ang suot na salamin bago lumapit kay Gimel upang ibulong ang kasunod ng kaniyang katanungan. “Limited lang hanggang fifth floor ang pwede nating puntahan as a students.” At dahilan nga ang sinambit nito upang kumunot ang noo ni Gimel at muling ibinaling ang tingin sa lift buttons. Dito ngay napansin niyang patay ang ilaw ng buttons papunta sa sixth floor hanggang tenth floor. “Javier Quezon nga pala.” Nakangiting pagpapakilala ng lalaki na siyang iniabot ang kamay kay Gimel sa pag-aakalang makikipagkilala rin ito ngunit napakunot siya ng noo nang hindi man lang siya sinagot nito dahilan upang unti-unti niyang bawiin ang kaniyang kamay. Kalaunan ay napabuntong hininga ito at marahang ibinaling ang tingin sa suot na ID ni Gimel. At muli’t muli ngang napakunot ng noo si Gimel nang bigla na lamang kunin ni Javier ang kaniyang ID upang basahin ang nakalagay rito. “Grade eleven STEM-A, naku sakto pala eh, magkatabi lang room natin—“ “At sino nagsabi sa’yo na pwede mong hablutin nalang basta-basta itong ID ko?” Natigilan at nanlaki nga ang mata ni Javier nang hablutin sa kaniya ni Gimel ang ID at tila ba hindi nagustuhan ang inakto nito. “Wala akong pakialam kung anong pangalan mo. At higit sa lahat ay wala akong balak na makipagkaibigan sa iyo. Kaya pwede ba, habang maaga ay huwag mo nalang akong kausapin.” “S—sorry, sinabi lang kasi ni tita Georgia sa akin na baka kailanganin mo ng kaibigan o ng magtotour sa iyo lalo pa’t bago ka lang dito—“ “T—teka,” sambitla ni Gimel. “Kilala mo ang ang nanay ko? At inutusan ka niyang kaibiganin ako?” Marahan ngang tumango ang binata bilang sagot kay Gimel. “Tulad ng sinabi ko, wala akong balak na makipagkaibigan sa sino man. Pero kung kilala mo ang nanay ko alam kong magtatanong at magtatanong iyon kung kamusta ang pakikipagkaibigan mo sa akin. Kaya sabihin mo nalang sa kaniya that you have successfully made friends with me kahit hindi naman para hindi ka niya guluhin.” Agad ngang napaayos ng kaniyang salamin si Javier at tumango ng ilang beses bilang sagot dahilan upang tuluyang mapasinghap si Gimel at nauna na ngang naglakad palabas ng elevator nang magbukas ito. Natigilan sa paglalakad si Gimel nang marinig ang pagtunog ng school bell na siyang dahilan kung bakit madaliang pumasok ngayon ang mga estudyanteng nasa corridor papasok ng kani-kanilang mga classroom. _________________________ “I am Gimel Trevor Perez.” “Thank you Mister Perez. I have heard na hindi ka raw nakakaintindi ng bisaya kaya we will try to speak either Tagalog or English to you kaya don’t worry okay?” Marahang tumango si Gimel bilang sagot sa kanilang guro na siyang inutusan nga siyang magpakilala sa harapan ng mga magiging kaklase niya. “Kung gayon ay maaari ka nang maupo sa pinakalikod. You actually have seatmate there pero hapon iyon kadalasan dumadating,” sambit ng guro dahilan upang marahang tumango si Gimel at naglakad na nga papunta sa kaniyang kinauupuan habang umiiwas sa mga tingin ng kaniyang mga bagong kaklase. Alas-dose nang muling tumunog ang school bell na siyang dahilan upang agad na magtayuan ang mga kaklase ni Gimel. “Okay students, murag kana lang ang sinugdanan karon (mukhang iyon na lamang muna ngayong araw) see you tomorrow,” paalam ng kanilang panghuling guro. “Hey, Gimel right?” tanong ng lalaki na siyang nasa harapan ni Gimel. Agad na tumango si Gimel bilang tugon dito. “You are new here, I am just wondering if you want to join us for lunch?” tanong ng lalaki na siyang nilapitan na ngayon ng iba pa niyang mga kabarkadang lalaki. “S—sorry pero mas gusto ko kasing mapag-isa,” sagot ni Gimel na siyang dahilan upang matigilan at kunot-noo siyang tignan ngayon ng lalaki. “Did you just rejected my offer?” nakangising tanong nito dahilan upang kumunot ngayon ang noo ni Gimel. “Pasensya na pero hindi ko lang talaga trip ngayon ang—“ “Gimel Trevor Perez, ang MVP ng Football League noong 2016. I know you so well Mister Perez to the point na alam ko ang dahilan kung bakit narito ka ngayon sa Cebu,” pakli ng lalaki dahilan upang tuluyang matigilan si Gimel at mapaiwas ng tingin. “Kung ayaw mong sabihin ko ngayon dito ang krimen na ginawa mo sa Maynila ay huwag mong susubukan na ipahiya ako sa mga kabarkada ko,” bulong nito kay Gimel dahilan upang mapabuntong hininga si Gimel. “S—sure, sasama ako sa inyo, aayusin ko lang itong mga gamit ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD