Unang Bahagi: Kabanata 5

2286 Words
“Alam mo Gimel, I am surprise na ininvite mo pa iyang dalawang iyan knowing na mukhang makukuha sa iyo ni Eugene ang titulo ng MVP for this year,” saad ngayon ni Anderson matapos nilang makita ang pagpasok ni Eugene kasama sila Henry at Celestine. “Like I said I have plans kung bakit ko siya pinapunta rito.” “Tulad ng ano?” “Ian,” sambitla ni Gimel na siyang iniabot nga ang kamay sa kasama kasunod nang paglagay ni Ian ng isang bote ng gamot na Diphenhydramine. “At ano namang magagawa niyan Gimel?” “Ang bote ng gamot na iyan ay nakakapag-cause ng seizure lalong lalo na sa mga taong may epilepsy,” sagot ni Ian na siyang tinanguan ni Gimel. “Sa oras na mainom ito ni Eugene ay tuluyan nang makikita ng buong mundo ang pinakatatago niyang baho,” ani ni Gimel sabay labas ng phone niya. Unti-unting ngumisi si Anderson maging ang iba pang mga kasama nito. “Pero sabi ng dad ko ay maaaring mamatay ang sino mang masobrahan nito kaya hinay-hinay lang sa paglalagay Gimel ha,” paalala ni Ian na siyang tinanguan naman ni Gimel. “Trevor!” Agad na nabaling ang atensyon ni Gimel kay Celestine nang tawagin siya nito kasabay nang agaran niyang pagbulsa ng bote ng gamot. “I’m glad na ininvite mo sina Henry rito,” nakangiting sambit ni Celestine matapos makarating sa harapan ni Gimel. “Celestine hindi ibig sabihin na ininvite ko sila ay ayos na kami. Kasama sila sa football team kaya medyo ang sama namang tignan kung hindi ko sila iiinvite hindi ba?” Marahang tumango si Celestine na siyang ibinaling nga ang tingin sa kinaroroonan ngayon nila Henry at Eugene. “Trevor, can I talk to you?” biglaang tanong nito sa binata dahilan upang kunot noo siyang tignan nito. “Nag-uusap na tayo, hindi ba pag-uusap ang ginagawa natin ngayon?” pabirong tanong ni Gimel dahilan upang irapan siya sa kawalan ni Celestine. “What I mean is pwede ba kitang makausap away from this party? Masyado kasing maingay para pag-usapan ang bagay na nais kong sabihin sa iyo. Can we Trevor?” Agad na natigilan si Gimel na kalaunan ay tinanguan nga ang dalaga. “S—sure,” sambitla nito. “Pwede tayong pumunta sa malapit na 7/11 dito sa bahay pero bago iyon ay may iiwan lang muna ako kay Anderson.” _________________________ “So ano ba iyong gusto mong pag-usapan ha?” Agad ngang naupo si Celestine sa katapat na upuan ni Gimel na siyang kasalukuyan na ngang humihigop ng sabaw mula sa cup noodle na binili nila. “Alam kong ayaw mong mapag-usapan ito Gimel pero sa tingin ko ay panahon na para malaman mo ang katotohanan kung bakit talaga lumayo sa’yo si Henry.” Natigilan ngayon si Gimel sa paghigop at marahan ngang ibinaba ang hawak na cup noodles. “K—katotohanan? Anong ibig mong sabihin Celestine?” “Gimel—“ _________________________ “Drink it! Drink it!” “T—teka nga Gimel, bakit ka ba nagmamadaling bumalik dito sa party—“ “Celestine, wala na akong oras magpaliwanag pa. Mukhang nagsisimula na sila Anderson and I need to stop them right away,” sambit ni Gimel na patakbo na ngang pumasok sa kanilang bahay. “Come on Eugene, drink it!” “Huwag!” Agad na natigilan ang lahat nang dahil sa pagsigaw ni Gimel na ngayon ngay hinihingal na dahil sa pagmamadaling tumakbo pabalik dito. “Eugene, don’t drink it. Bitawan mo iyang basong hawak mo ngayon din!” bulalas ni Gimel na siyang akmang lalapitan na si Eugene ngunit nagtaka siya nang harangin siya ni Anderson. “What do you think are you doing Gimel?” “Anderson, itigil niyo na ito. Hindi tuloy ang plano kaya itigil niyo na ito.” “Come on Gimel, hindi dapat iniiwan sa ere ang bagay na nasimulan na,” nakangising usal ni Anderson na siyang humarap nga ngayon kay Eugene. “Natalo ka sa game natin Mister Bautista kaya dapat lamang na inumin mo iyan!” “Anderson, what are you doing? Hindi ba sinabi kong itigil niyo na ito—“ “At bakit ako titigil Gimel? May laman ba ang beer na lason kaya ganyan ka makareact?” sarkastikong tanong ni Anderson na siyang nagpatigil kay Gimel. “A—anderson please itigil mo na ito,” pagmamakaawang muli ni Gimel dahilan upang lumapit sa kaniya ngayon si Anderson. “Nilagay ko pala iyong buong bote ng gamot para mas exciting ang laro,” usal ni Anderson dahilan upang manlaki ang mga mata nito at hindi na nga napigilan ang sariling kwelyuhan si Anderson. “I said stop this—“ Natigilang tuluyan si Gimel nang hawakan siya ngayon nila Ian sa magkabilaan niyang kamay. “This is my game now Gimel kaya huwag ka nalang makialam. Eugene, come on, just simply do it and we are done.” “I—I don’t—I really don’t drink—” ani ni Eugene na nanginginig ngayon ang kamay habang hawak ang isang bote ng beer. “O’ Come on Eugene! Stop being weak, just f*cking drink that and we’re done!” “No Eugene! Huwag mong inumin iyan!” pakli ni Gimel na siyang nagpupumilit kumawala sa pagkakahawak sa kaniya. Inilibot nito ang kaniyang paningin upang mahanap si Celestine na siyang sa tingin niyang makakatulong sa kaniya ngayon ngunit hindi niya ito mahagilap. “Eugene drink it!” ani ni Anderson na hindi na nakapagtimpi at na siya ngang akmang ipipilit na ipainom kay Eugene ang isang bote ng beer ngunit natigilan ito nang may humawak sa kamay niya. “Huwag mo siyang pilitin Anderson, kung gusto niyo ay ako nalang ang siyang iinom nito,” sambit ni Henry na siyang kinuha na mula kay Eugene ang bote at diretso itong ininom dahilan upang unti-unting matigil ang mundo ni Gimel kasabay nang unti-unting pagpatak ng mga luha sa mata niya. “Si Henry talaga ang may sakit na epilepsy Gimel. At oo siya iyong lalaki sa kumalat na video pero klinaim lang ni Eugene na siya iyon para sa kaniya mabuntong ang pang-aasar nila Anderson. Hindi intensyon ni Henry na labagin ang pangako niya sa iyo na hindi siya makikipagkaibigan kay Eugene pero dahil nga sa tulong sa kaniya nito ay sinuklian niya ito ng pakikipagkaibigan. Hindi maaatim ng budhi niya na iwanan si Eugene sa kalagitnaan ng pambubully ng mga kaklase natin dahil para sa kaniya—kasalanan niya ang maaaring mangyaring masama kay Eugene.” “Hindi! H—Henry!” “Tutal pwede ko namang bayaran ang mga witness para baliktarin ang lahat ay paniguradong maliligtas ka mula sa batas pero pagkatapos nito ay ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo sa pamamahay ko Gimel! Pumunta ka sa probinsya kung nais mo o hindi kaya ay pumunta ka sa nanay mo kung gusto mo. Simula ngayon ay hindi na tayo magkaano-ano at hindi ka na konektado sa apelyedo ko. Isa kang kahihiyan Gimel,” ani ng ama ni Gimel na siyang bumuntong hininga nga at muling tinignan sa mata si Gimel. “Tutal sa papel mo lang naman ako tatay ay mabilis ko lang na masisira ang koneksyon na iyon.” Tulalang ibinaling ni Gimel ang kaniyang tingin sa litrato ni Henry at marahan ngang kinuha at niyakap ito kasabay nang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha niya. “Mag-ayos ka na ng sarili mo at gamit dahil bukas na bukas din ay ipapadala na kita sa probinsya nang hindi ko na makita ang pagmumukha mo rito.” ~2018~ —Cebu Balisang nakaupo ngayon si Gimel sa kaniyang kama habang nakatitig sa bintana ng kaniyang kwarto kung saan masisilayan ang puno ng Bangar mula sa kanilang bakuran. Makikita sa kaniyang mga mata ang repleksyon ng mga makukulay na alitaptap na pumapaligid sa puno ng Bangar. “Gimel, anak?” Tawag ng kaniyang ina mula sa pintuan na siyang marahan ngang naglakad papasok sa kwarto nito. “Hindi mo ba kami sasaluhan sa baba? Inaantay ka na nila Tito Harold mo at ni Diego. Ayaw mo bang tulungan sila sa pagsisindi ng mga fireworks?” Hindi siya inimik nito bagkus ay nanatili itong tulala habang diretso pa rin ang tingin sa mga alitaptap. “Gimel, alam kong mahirap para sa’yo ang mga nangyari sa Maynila pero hindi natin maaalis iyang bigat na dala-dala mo kung hindi mo susubukang—“ “Gusto ko na pong matulog,” pakli nito na siyang buntong hiningang tinignan ang kaniyang ina. “Could you please just leave and let me rest?” Unti-unting napasinghap ang ina nito at marahan nga siyang tinanguan. “Okay, just let me know if you need something anak,” ani nito bago pa man tuluyang iwanan ang anak. Marahang humiga ang binata sa kama at niyakap nga ang kaniyang unan habang unti-unting ipinikit ang kaniyang mga mata. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa anak natin ay hindi ko na sana siya iniwan sa’yo!” “Georgia, huwag na huwag mo akong sisisihin dahil alam nating dalawa kung sinong nagkulang sa atin.” “Talaga ba Travis? Ako pa talaga ang sisisihin mo gayong ikaw ang unang nangabit sa ating dalawa?!” “Georgia, huwag mong idamay dito—“ “At bakit hindi Travis? Nang sa’yo nasira ang pamilya natin at kaya hindi ko rin siya nagawang alagaan.” “Georgia, hindi ako pumunta rito para pag-usapan ang bagay na iyan. I need you to protect him kung itinuturing mo pa rin ba siyang anak.” “Of course, itinuturing ko siyang anak Travis—“ “Then protect him! Ako nang bahala sa mga witness at ikaw na ang bahala sa korte—“ “Gimel? Ser Gimel?” Unti-unting napamulat si Gimel ng kaniyang mga mata nang marinig ang sunod-sunod na tawag sa kaniyang ng kanilang kasambahay. “Ser Gimel, pinapasabi po ng mama niyo na aalis sila kasama sila Ser Harold. Kung gusto niyo na pong mag-umagahan ay sabihin niyo lang po para maipainit po namin ‘yong mga ulam,” ani ng kasambahay na siyang marahang tinanguan ni Gimel. Buntong hiningang tumayo ngayon si Gimel mula sa pagkakahiga at muli ngang dumungaw sa bintana kung saan naroon ang punong tinititigan niya kagabi. Wala na ang mga alitaptap na nakapaligid dito at makikita rin nga ang unti-unting pagsikat ng araw mula sa likuran nito. _________________________ “Maayong Buntag Ser Gimel, (Magandang Umaga Ser Gimel) ito na po ‘yong ulam niyo. Ang sabi po ng mama niyo ay tawagin niyo lang daw po siya kung may kailangan kayo.” Marahang tumango si Gimel bago pa man umupo sa hapagkainan. “Ser Gimel, sabihin niyo lang po kung bored na bored na kayo rito dahil pwede po kayong ipasyal ni Manong Gerald sa plaza o hindi kaya ay sa dagat,” ani ng kasambahay na siyang kinargahan nga ang baso ni Gimel. “S—sa dagat? Malayo po ba ‘yong dagat mula rito?” “Naku hindi po ser. Gusto niyo po bang pumunta roon? Sigurado po akong magugustuhan niyo ang magagandang tanawin don. Marami ngang turista ang dumadayo pa rito dahil sa kagandahan ng dagat namin,” nakangiting sagot ng kasambahay. “Ano ser, sasabihin ko na ba kay Manong Gerald nang maihanda niya ang sasakyan?” Nag-alinlangan ngang tumango ang binata noong una ngunit kalaunan ay marahan nga niyang tinanguan ang matanda. _________________________ “Gusto niyo po ba ng maiinom Ser Gimel? Kuhanan ko po kayo ng buko?” sunod-sunod ngang tanong ni Manong Gerald habang naglalakad sila ngayon ni Gimel sa puting buhangin ng dalampasigan. “S—sige ho manong,” sagot ni Gimel hindi sa kadahilanang nais niya ng maiinom bagkus ay nais nga niyang mapag-isa muna. Nang makaalis ang drayber ay marahan ngang naglakad si Gimel patungo sa dulo ng dalampasigan at doon ay marahan nga niyang itinapak ang mga paa patungo sa malamig na tubig dagat. Buntong hininga itong nagpasyang alisin ang suot na pang-itaas at tuluyan ngang nakisabay sa pagbalik ng alon patungo sa dagat. Nakalayo na ito mula sa dalampasigan nang nagpasya nga siyang umahon at ibaling ang tingin sa asul na kalangitan. “At bakit ako titigil Gimel? May laman ba ang beer na lason kaya ganyan ka makareact?” “A—anderson please itigil mo na ito.” “Nilagay ko pala iyong buong bote ng gamot para mas exciting ang laro.” “I said stop this—“ “I—I’m so sorry Henry—I’m sorry.” Kasabay nang pagbuntong niya ng hininga ay ang siyang unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa mata. Kasunod niyaon ay ang unti-unti niyang pagpikit at paglubog ng buo niyang katawan sa ilalalim ng dagat. Ilang minuto ay unti-unti na itong nauubusan ng hininga ngunit imbes na umahon ay nanatili ito sa ilalim ng dagat at tila baga inaantay na lamang na tuluyan siyang mawalan ng hininga. _________________________ “Ser Gimel? Ser?” Unti-unting napamulat si Gimel ng kaniyang mata at agad ngang napabangon sa pagkakahiga nang maaninag si Manong Gerald. “A—ano hong nangyari Manong?” “Ako dapat ang nagtatanong niyan sa inyo Ser Gimel, umalis lang ako para kumuha ng buko tapos nadatnan ko nalang kayo bigla na nakahiga na rito sa buhanginan habang basa at walang pang-itaas,” sagot nito dahilan upang kunot noong napatingin si Gimel sa damit niya at marahan ngang humawak sa kaniyang ulo. “Mukhan nakatulog po ata kayo Ser Gimel habang nagsa-sunbathing.” Marahan ngang umiling ang binata habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD