Unang Bahagi: Kabanata 4

2544 Words
~2017~ —Manila “Gimel, sagutin mo ang mga katanungan ni Attorney.” “Come on, just simply do it and we are done.” “I—I don’t—I really don’t drink.” “O’ Come on Eugene! Stop being weak, just f*cking drink that and we’re done!” “Gimel—“ “Gimel utang na loob kinakausap kita sumagot ka!” “D—dad?” “Gimel, please tell us the truth—did you really kill him?” tanong muli nito sa binata sabay tingin sa hawak niyang litrato na kasalukuyang nakalapag sa lamesang pinaggitnaan nila. Marahang umiwas ng tingin sa litrato si Gimel na ngayon ngay nakatikom ang mga kamao habang nagpipigil na maluha. Nakaupo man siya ngayon ay hindi naman mapakali ang kaniyang utak na patuloy na ginagambala at ipinapaalala sa kaniya ang bangungot na dala ng gabing iyon. “Gimel anak please—“ Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya mula sa kaniyang mga mata. “Drink it Eugene!” Halos rinig pa rin niya magpahanggang ngayon ang sigaw at halakhak mula sa bangungot na yaon. “Gimel, hindi ito maaayos hangga’t hindi mo sinasabi ang totoo,” muli’t muling sambit ng kaniyang ama kasabay ng pagbuntong hininga nito. “Son, did you really killed Henry?” Natigilan ng husto ang binata na siyang hindi na nga napigilan ang mga nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata nang sandaling marinig ang pangalang yaon. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata kasabay nang pagbabalik muli ng mga ala-ala niya. “Drink it!” “Drink it!” “Come on Eugene, drink it!” “Gimel?” Marahang umiling si Gimel na ngayon ngay hindi na magkamayaw sa pagluha. “Then what? Bakit ikaw ang itinuturo ng mga kasama niyo noong gabing iyon? Gimel sabihin mo ang totoo! Pinatay mo ba talaga si Henry?!” “I—I didn’t killed him attorney. I swear, I didn’t killed him! Alam mong hindi ko magagawa iyon kay Henry dad. I tried to stop them from doing it pero hinawakan nila ako at pinigilan!” “Gimel, calm down,” tarantang sambit ng kaniyang ama na napatayo na nga ngayon upang pakalmahin si Gimel. “Mister Perez, I don’t think this is the right time to ask him,” ani ni Attorney Jones na siyang nag-iimbestiga sa kasong kinasangkutan ni Gimel. “I think he still in a traumatic state right now. I will try to call a psychiatrist and book an appointment for Gimel.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ama ni Gimel bago pa man marahang tumango sa attorney. “I will just comeback tomorrow and hopefully the psychiatrist would be with me Mister Perez.” Muli’t muli ngang tumango ang ama ni Gimel. “Thank you so much Attorney Ramos.” Napatayo na nga ang ama ni Gimel upang ihatid palabas ng kwarto ang attorney dahilan upang maiwan na lamang na nag-iisa ngayon si Gimel. “I did not killed him—I really didn’t,” paulit-ulit na usal nito habang nanginginig ngayon sa kinauupuan niya. Wala ito sa katinuan habang takip-takip ang kaniyang tenga dahil sa mga sigaw at halakhak na naririnig niya. Unti-unting naglakad ang kaniyang tatay papunta sa harapan niya matapos maihatid sa labas ng kwarto si Attorney Jones. Kamot-kamot nito ngayon ang kaniyang batok at buntong hininga ngang tinitigan ang anak. Muli itong umupo sa tapat ni Gimel at pinagmasdang mabuti ang binata. “I did not killed him dad—“ “Gimel,” sambitla nito na siyang unti-unting hinawakan ang magkabilaang braso ni Gimel upang pakalmahin ito. “Sabihin mo nalang sa akin ang totoo please. Eugene told me everything about that night at utang na loob Gimel isa kang p*t*ngin*ang kahihiyan sa pamilya natin! At alam ko rin na ang unang target mo ay si Eugene pero nagkataon lang na si Henry ang uminom ng beer. Kaya please Gimel, utang na loob, sabihin mo na ang totoo nang mapagbayaran mo ang kasalanan mo!” “Dad, wala akong intensyon na patayin siya,” ani ni Gimel kasabay nang muli’t muling pagtulo ng kaniyang mga luha. “Gimel, sa tingin mo mas paniniwalaan kita kaysa sa halos thirty na witness? Mamamatay tao ka Gimel, at nagsisisi akong kinuha pa kita mula sa mama mo.” “Wala akong pinapatay na tao dad at kailanman ay hindi ko magagawang gawin iyon lalong-lalo na sa bestfriend ko! I did everything to stop Anderson in pressuring Eugene pero hindi nila ako pinakinggan!” sunod-sunod na sigaw ni Gimel na hindi pa rin matigil sa pagluha. “Bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan?!” Three Months Ago “Eugene, ang galing mo!” sigaw ni Henry na siyang isa sa matalik na kaibigan ni Eugene. Agad na niyakap ni Henry ang kaibigan dahil sa saya nang mapanalunan ng grupo nila ang trupeyo ng National Football League 2017. Nang dahil sa panghuling sipa ni Eugene sa bola na siyang pasok sa goal ay nalamangan nga nila ang kalaban bago matapos ang natitirang oras ng laro. “Eugene, nanalo tayo!” muling sambit ni Henry na siyang kumawala na nga sa yakap. “Naku Henry, hindi lang naman ako ang magaling eh, kundi iyong buong grupo natin.” “Aysus, pakipot ka pa. Eh, halos ikaw nga lang nakakagoal kanina—“ “Kung hindi ka sana napilayan during the training ay sigurado naman akong ikaw ang magpapanalo sa atin,” pakli ni Eugene na siyang dahilan upang nakangiting inilingan siya ni Henry. “Eugene Bautista!” tawag ng coach nila na siyang patakbo ngang pinuntahan ang mga binata. “Congratulations Eugene! Ipinanalo mo ang grupo natin.” “Thank you so much coach pero—“ “We wouldn’t win it without you Eugene,” putol ng coach nila dahilan upang agad na mapailing si Eugene. “Hindi ba coach? Sabi ko naman kasi sa kaniya na siya talaga ang nagpanalo sa grupo since day one.” “Naku ikaw talaga Henry, the whole team did a great job coach. And we wouldn’t win it without your help in our training.” “Hay naku, ano bang masasabi ko eh tunay ngang wala akong laban sa iyo Mister Bautista pagdating sa mga ganitong diskusyon. Again, congratulations sa inyo—siya, mauuna na ako at kakausapin ko pa ang mga organizers,” paalam ng coach nila na siyang agad din namang tinanguan ng dalawa. “Ikaw talaga Henry,” baling ni Eugene sa kaibigan. “Eh, tama naman kasi na ikaw nga talaga ang nagpanalo ng laban and I am pretty sure na ikaw ang magiging MVP ngayong taon.” “Hindi no—“ “O’ come on Eugene!” Agad na naputol ang usapan ng dalawa na siyang halos sabay ngang napalingon sa likod nila. “At ano na naman bang kayabangan ang ipapakita mo sa amin Gimel Trevor?” “Henry, huwag mo nang simulan,” pakli ni Eugene sa kaibigan. Si Gimel ang team captain ng football team na kinabibilangan nila Eugene at Henry. Siya ang kinikilalang MVP ng Football League nila noong nakaraang taon. Ngunit sa kasamaang palad ay mukhang hindi sa kaniya mapupunta ngayon ang titulong iyon. “Kung hindi dahil sa last goal mo ay hindi tayo mananalo laban sa kalaban,” sarkastikong sambit ni Gimel dahilan upang mapaiwas agad ng tingin si Eugene. “G—gimel, buong grupo naman natin ang—“ “Baka nga totoo ang sinabi ni Henry na ikaw ang magiging MVP ngayong taon. At kung nagtaon man ay congrats sa iyo,” nakangising putol ni Gimel habang ngayon ay unti-unti ngang naglaho ang ngisi sa labi at diretsong tinignan si Eugene kasabay nang pagpatong nito ng kaniyang kamay sa balikat ng binata. “Alam ko namang gustong-gusto mong napupuri ka Eugene pero paalala lang—pakibawasan natin ang kasiyahan dahil baka mamaya bigla ka na lamang sumpungin ng sakit mo,” usal ni Gimel na siyang narinig din ni Henry dahilan upang manggalaiti ito ngayon sa galit. “Hoy Gimel, nang-iinsulto ka na ha,” pakli ni Henry na siya na mismong nag-alis sa kamay nitong nakapatong sa balikat ni Eugene. “I am not Henry,” nakangising pakli ni Gimel na siyang muling ibinaling ang tingin kay Eugene. “I am just concern dahil baka mamaya niyan ay bigla na lamang humadusay sa sahig ang kaibigang ipinalit mo sa akin.” “Aba’t sumosobra ka nang gago ka ha—“ “Henry huwag,” pigil ni Eugene dito nang akmang susuntukin na sana niya si Gimel. “Sige mauna na ako and by the way may party pala mamaya sa bahay baka lang naman gusto niyong sumama lalong lalo ka na Eugene,” paalam ni Gimel na siyang nilagpasan na nga ang dalawa. “Ang yabang-yabang ng lalaking iyon, tutal bitter lang ‘yon kasi malaki ang tiyansang makuha mo ang titulo niya ngayong taon,” ani ni Henry kay Eugene na siyang inilingan siya. “Alam naman nating dalawa kung bakit ganoon siya sa atin”—ani ni Eugene na siyang saglit ngang natigilan at napabuntong hininga—“Henry, huwag mo nalang kasing pansinin. Mas lalala lang kung papatulan pa natin siya.” “Eh Eugene dinamay na niya pati sakit—“ “Alam mo mabuti pa’t magpalit na rin tayo dahil sure akong kanina pa tayo inaantay ni mama sa kotse.” _________________________ Mag-isang nakatayo ngayon sa harapan ng school gate si Gimel habang nakasaksak ang earphones niya sa tenga. Nangingibabaw ngayon ang ilaw sa kaniyang mukha na nagmumula mula sa hawak niyang cellphone dahil sa tuluyang paglubog ng araw. Halos trenta minutos na itong nag-aantay sa pagdating ng kaniyang tatay na siyang magsusundo sa kaniya. At sa tinagal nang pag-aantay niya ay halos nakaalis na nga ang lahat ng estudyante. “Trevor?” tawag ng isang dalaga na siyang kakalabas ng paaralan habang hawak-hawak ang isang kahon na naglalaman ng mga materyales na ginamit sa pagdedesenyo ng stage para sa awarding bukas. Nang makita niyang may suot na earphones si Gimel ay hindi na nga nag-aksaya itong tawagin pang muli ang binata bagkus ay nagpasya itong maglakad papunta sa tabi ng binata at kasunod ngang inalis ang isang earphone nito. “Kung may holdaper na magtatangkang kunin ka ay paniguradong kadali kang makukuha dahil diyan sa earphones mo. You need to be cautious at aware sa paligid mo Trevor nang hindi ka malagay sa peligro.” “Celestine, mas problemahin mo iyang sarili mo kaysa sa akin dahil paniguradong mabibiktima ka ng holdaper kahit pa na wala kang suot na earphones,” nakangiting ani ni Gimel na siyang dahilan upang pandilatan at akmang kukuritin na sana siya nito ngunit agad siyang nakaiwas. “Ang kapal mo talaga! Baka nakakalimutan mong nagtritraining na ako ngayon ng taekwondo?” “Ikaw? Seryoso ka ba Celestine? Eh ni hindi mo nga magawang pitikin ng malakas kamay ko sa tuwing naglalaro tayo ng pitik bulag noong mga bata pa tayo.” “Aba’t nagbago na ako ngayon Gimel Trevor. Baka nga masipa pa kita ngayon ng wala sa oras,” sagot ni Celestine dahilan upang matawa sa kawalan si Gimel. “Bakit ba ang andito ka pa eh kanina pa tapos ang laro ha,” baling ni Celestine sa usapan na siyang dahilan upang matigilan at mapaayos ng tayo si Gimel. “W—wala pa papa mo?” nag-aalangang tanong ni Celestine na siyang buntong hiningang tinanguan ni Gimel. “Kung gayon ay sumabay ka nalang sa amin nila Henry—“ “No,” putol ni Gimel sa kaniya na siyang napahigpit nga ngayon ng hawak sa strap ng bag niya. “Mas gugustuhin ko nalang na maglakad pauwi kaysa sumabay sa mga iyon.” “Trevor, bakit ba hindi niyo pa rin inaayos ni Henry ang away niyong iyan? Isang taon na ang nakakalipas pero may hinanakit pa rin kayo sa isa’t isa?” “Alam mo Celestine na hindi ako ang may kasalanan non.” “Trevor, bakit ba hindi mo nalang tanggapin din si Eugene bilang kaibigan nang maayos na rin ang pagkakaibigan niyo ni Henry?” “Kailanman ay hindi ko magagawang makipagkaibigan sa anak ng taong sumira sa pamilya ko,” ani ni Gimel na tuluyan na ngang nawala ang ngiti sa labi lalong-lalo na nang tumigil ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat nila. “Celestine halika na—“ Agad ngang natigilan si Henry sa pagtawag nang makitang katabi ngayon ni Celestine si Gimel. “Gimel, wala pa ba ang dad mo? Sabay ka na sa amin—“ “Hindi na, hihintayin ko nalang si dad,” tipid na sagot ni Gimel na siyang hindi nga tinignan man lang sa mata ang babaeng nagmamaneho ng sasakyan. “S—sigurado ka ba Gimel?” muling tanong ng babae na siyang ngayon ay hindi na pinagkaabalahan pang sagutin ni Gimel. “Ma, huwag mo nalang sigurong pilitin,” usal ni Eugene sa babae na siyang buntong hininga ngang tumango at ibinaling ang tingin kay Celestine. “Ikaw Celestine iha, halika na rito sa loob,” nakangiting yaya nito kay Celestine na siyang nakangiting tinanguan din naman ni Celestine. “Trevor, mauna na ako,” paalam ni Celestine na siyang marahang tinanguhan ni Gimel. _________________________ “Gimel, ginabi ka na? Saan ka ba nanggaling na bata ka ha?” sunod-sunod na mga tanong ng ama ni Gimel nang makauwi ito ng alas-otso na ng gabi. Hindi ito sinagot ni Gimel bagkus ay dumiretso na ito sa hagdan papuntang ikalawang palapag. “Gimel, kinakausap kita! Saan ka nanggaling ha?” Agad na natigilan si Gimel na siyang unti-unti ngang nilingon ang kaniyang ama. “It is our Championship Game dad,” tipid na sagot nito na siyang nagpasyang magpatuloy na sa pagtaas. “T—teka Gimel, did I promise to fetch you after that?” “I am so sorry son at hindi na ako nakaabot sa card day niyo but I promise na after ng championship niyo next week ay susunduin kita and we will have dinner after that.” “Really?” “Of course, ipapasched ko na iyon sa secretary ko.” Buntong hininga ngang lumingon sa kaniya si Gimel na siyang marahang umiling sa kaniyang ama. “T—that’s good then, akala ko pa naman ay—basta Gimel next time huwag ka nang malilate sa pag-uwi ha?” “Yes po dad.” “Siya, tumaas ka na at magpalit dahil may dinner tayo ngayon kasama ang tita Eula mo,” sambit ng ama nito na siyang nagpatigil sa kaniya. “I can’t go.” “What? At bakit naman hindi?” “I will have a party here at our house tonight with my classmates and the team—kasama na roon si Eugene kaya sure akong hindi rin ‘yon makakapunta.” “T—then okay, kasama naman pala si Eugene eh. Okay lang, mas panatag ako kung kasama mo siya because I know how more responsible he is as compared to you,” ani ng papa niya dahilan upang mapabuntong hininga siya at tuluyan na ngang tumaas papunta sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD