Unang Bahagi: Kabanata 23

1196 Words
—CEBU “Pasayloa ko Attorney Ocampo pero wa pa gyuy balita bahin sa imong anak. Apan among nahibaw-an nga dili lang siya ang missing nga tinun-an sa maong tunghaan karon kondili aduna usay tinun-an nga babaye nga ginganlag Afiya Tetianco ug usa ka batan-ong si Joseph Tan nga na-missing atol sa kampo ingon man ang abogado. (Pasensya na po Attorney Ocampo pero wala pa rin hong balita patungkol sa inyong anak. Ngunit nalaman po namin na hindi lamang po siya ang nawawala ngayon na estudyante ng paaralan kundi mayroon din pong babaeng estudyante na nagngangalang Afiya Tetianco at binatang si Joseph Tan ang nawala noong mismong camp din ho na ‘yon attorney)” “Ilang mga ginikanan, nakigsulti ka ba kanila bahin niini? (Ang mga magulang nila, nakausap mo na ba sila patungkol dito?)” “Oo attorney, ug kamong duha naghulat lang sa balita. (Yes po attorney, at pareho niyo po ay nag-aantay lang din po sila ng balita)” Buntong hiningang tumango ang ina ni Gimel na halos dalawang linggo na ngang hinahanap siya ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa ring balita at ideya ang mga pulis patungkol dito. “Georgia, mabuti pa siguro ay magpahinga ka na muna saglit. Halos isang linggo ka na rin hindi natutulog at hindi nakakakain ng maayos ng dahil diyan sa paghahanap mo,” ani ng kaniyang asawa dahilan upang kunot-noo niya itong tignan. “Seryoso ka ba Harold? Sa tingin mo ay makakapagpahinga pa ako sa lagay na ‘to? Harold, nawawala ang anak ko ng halos dalawang linggo na, sa tingin mo ay basta-basta ko nalang ito ititigil?” “Hindi ko sinasabing tumigil ka sa paghahanap Georgia. Ang sinasabi ko lang naman ay magpahinga ka rin naman para may lakas ka sa paghahanap kay Gimel,” pakli ng kaniyang asawa dahilan upang buntong-hininga siyang mapaiwas ng tingin dito. “Harold—I can’t. Kailangan ako ng anak ko, kailangan ko siyang hanapin, at kailangan ko pang bumawi sa kaniya Harold,” ani ng babae na kasabay ng unti-unting pagtulo ng mga butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. “Hon, tutulong na rin ako mismo at hihingi na rin ako ng tulong sa iba ko pang mga kanegosyo sa kalapit na bayan,” ani ng asawa nito kasabay ng paghagkan niya rito at marahang paghaplos sa likuran ng kaniyang asawa. “Don’t worry hon, mahahanap din natin si Gimel.” “Mam! Ser!” Ang sunod-sunod ngang sigaw ng kasambahay ay ang agad na pumukaw sa atensyon ng mag-asawa na siyang agad na lumabas ng kanilang kwarto at pumunta patungo sa sala kung saan nagmumula ang sigaw. “Apa ‘yon manang? (Ano ‘yon manang?)” agad na tanong ni Harold na siyang agad ngang nabaling ang tingin sa TV nang mapansing nandito ang atensyon ng mga kasambahay at maging ng kanilang anak. “Isang halimaw o hindi maipaliwanag na nilalang ngayon ang naghahasik ng kaguluhan sa buong probinsya ng Cebu. Inaabisuhan ang lahat-lahat na manatili sa kanilang mga tahanan habang hinihintay ang mga Helicopter Rescue na ipinadala ng ating pamahalaan.” “H—halimaw?” gulat na sambitla ni Georgia habang nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat. “A—ang menggunakan, impake anda na yaya ang lahat-lahat ng menggunakan dan saya akan memanggil seseorang yang boleh menyelamatkan kami secepat mungkin, (A—ang mga gamit, iimpake niyo na yaya ang lahat-lahat ng mga gamit and I will call someone who could rescue us as soon as possible)” ani ni Harold na siyang agad ngang sinunod ng mga kasambahay. “T—teka Harold, paano si Gimel?” “Georgia, hindi mo ba nakita? Halos durugin na ng halimaw na ‘yon ang sentro ng Cebu. At malapit lang ang lugar na ‘yon dito Georgia, we need to leave!” “Harold, hindi ako aalis hangga’t hindi ko kasama ang anak ko!” “Georgia—“ “I—isama mo na si Diego and keep him safe, pero ako Harold”—ani ni Georgia na siyang buntong hininga ngang tinignan ang anak niyang si Diego—“hindi ako aalis dito.” _________________________ “Gimel, I don’t think it’s a good idea na sumama ka sa amin sa Cebu.” “Bakit naman hindi Afiya?” tanong ni Gimel na siyang inayos ngang agad ang kaniyang mga gamit sa isang lumang baul na ibinigay sa kaniya ni Maginoong Ahmad. “Menguncinya,” sambitla ni Gimel na siyang dahilan upang mag-ilaw ng dilaw ang buong baul. Menguncinya- engkantasyong sinasambit kung gustong isarado o ikandado ang isang bagay. Tanging ang gumamit ng engkantasyong ito ay ang siya ring natatanging makakapagbukas ng bagay. “Gimel, halos isang linggo mahigit ka pa lamang nagsasanay. Hindi pa sapat ang lakas at kapangyarihan mo para sumama ka sa pakikipaglaban sa halimaw na ‘yon,” paliwanag ni Afiya dahilan upang matigilan nga si Gimel. “Huwag kang makinig sa kaniya babaylan. Mas mainam ngang sumama ka na sa amin ngayon nang makita natin kung tunay ngang nakakatulong ang mga pagsasanay na ibinibigay namin sa iyo,” pakli ni Abrax na siyang dahilan upang mapabuntong hininga si Gimel at tanguan ngayon si Abrax. “Isa pa, kaya ako sasama sa inyo ay para makita ko sila m—mama at ang pamilya niya. I just want to make sure na ligtas sila sa gulong nangyayari ngayon sa Cebu.” “Kaya please Afiya, hayaan mong sumama ako sa inyo.” “Papayag akong sumama ka”—ani ng dalaga dahilan upang unti-unting mapangiti si Gimel—“pero hindi sa amin ni Abrax kundi ay ipupunta ka ni Tunku kung saan naroon ang pamilya mo.” “Afiya ano ba namang—“ “Abrax, ‘yon na ang desisyon ko at kung ayaw niyo ay maiiwan ka rito Gimel kasama ako upang masiguro kong hindi ka pupunta sa gulo,” pakli ni Afiya dahilan upang tuluyang mawala ang ngiti ni Gimel. “Afiya naman—“ “Tatanggapin mo ba ang alok ko Gimel o hindi?” Buntong hininga ngang tumango si Gimel na wala na ngang nagawa sa naging desisyon ni Afiya. “Humawak kayo sa akin para mas mapadali natin ang pagpunta sa kinaroroonan ng halimaw,” ani ni Tunku dahilan upang sunod-sunod na humawak sina Abrax, Gimel, at Afiya sa kamay niya. _________________________ “Halimaw!” “Tulungan niyo ako!” Lumitaw ngang magkakasama ang apat sa lugar na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ngayon ni ng halimaw na si Bungisngis. Agad na nabaling ang tingin nila rito lalo na si Gimel nang unti-unting tila lumalapit ang tingin niya sa kinaroroonan ng halimaw na tila ba may suot siyang telescope ngayon. Agad na nanlaki ang mga mata nito nang mamukhaan ang batang hawak-hawak ngayon ng halimaw. “Gimel, you need to leave now. Humawak ka kay Tunku at ipupunta—“ “Gimel!” nanlalaking mga matang sigaw ni Afiya nang biglang tumakbo ng pagkabilis-bilis ang binata na tila isang bampira patungo sa kinatatayuan ni Bungisngis. “Bitawan mo siya!” bulalas ng huling babaylan habang diretsong nakatingin sa iisang mata ng halimaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD