Unang Bahagi: Kabanata 22

1107 Words
—CEBU “Ale, palita ning kataposang bag sa akong baligya. Bawasan nako ug diyes pesos basta paliton lang nimo. (Ale, bilhin niyo na po itong huling supot na paninda ko. Bawasan ko na pong sampung piso basta bilhin niyo lang po)” “Sige boy, tagpila kanang usa ka bag? (Sige boy, magkano ba ‘yang isang supot na ‘yan?)” “Baynte lang, (Bente nalang po)” nakangiting sagot ng bata na siya ngang iniabot na sa ale ang huli niyang paninda. “Harold, nahutdan ka ba? Nagdungan mig pauli si Alena, (Harold, ubos na paninda mo? Sabay ka na sa amin umuwi nila Alena)” ani ng isang batang lalaki na tulad niya ay nagbebenta rin ng mga nakasupot na rekado sa pagluluto. “Sige, una ka nga. Mopalit pa kog tambal sa akong amahan, (Sige na mauna na kayo. Bibili pa akong gamot ni tatay eh)” sagot nito dahilan upang tumango ang mga kaibigan niya at tuluyan na nga siyang iniwanan. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na ito sa isa sa mga botika ng bayan. Ngunit natigilan siya at ang ibang mga tao sa pamilihan nang makarinig sila ng sunod-sunod na pagsigaw na nasundan ng unti-unting pagyanig ng kanilang paligid dahilan upang agad-agad na kumapit ang bata sa poste. “Unsa na? (Ano ‘yon?)” “Linog ba kini? (Lumilindol ba?)” Sunod-sunod ngang katanungang ng mga tao habang ang bata ay inilibot nga ang kaniyang paningin hanggang tuluyan siyang natigilan at unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata. “M—mangtas! (H—halimaw!)” Tumingin ang mga tao sa direksyon kung saan naroon nakatingin ang bata dahilan upang maski sila ay naglakihan ang mga mata sa gulat nang makita ang higante na may iisa lamang na mata na siyang kasalukuyang naglalakad papunta sa direksyon nila. Nanginginig man ang mga tuhod ng bata ng dahil sa takot ay agad-agad nga siyang sumunod sa mga takbuhan ng mga tao palayo sa halimaw. Ngunit tila ba tumigil ang buong paligid nito nang maitulak siya ng mga ibang mga tao dahilan upang bumagsak ang buo nitong katawan sa kalsada. Agad siyang napatakip ng kaniyang mukha nang sunod-sunod nga siyang nasisipa ng mga taong tumatakbo palayo sa halimaw dahil sa kanilang mga takot. Nang wala na ngang maramdaman ang bata na ano mang taong dumadaan sa kinaroroonan niya ay unti-unti nga niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nanlaki ang mga ito kasunod ng kaniyang sigaw na umalingaw-ngaw sa buong paligid nang bumungad sa kaniya ang mukha ng halimaw na kasalukuyan ngang nakangisi at kukunin na siya mula sa pagkakahiga. —BUNDOK MAKILING Hatinggabi na ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Gimel dahil sa halos pangatlong tasang kape na iniinom niya habang ngayon ay nasa labas ng kubo at hawak-hawak ang isang makapal na libro. Sa tabi nito ay may lampara at napapalibutan nga siya ngayon ng mga alitaptap na siya niyang pinalapit sa kaniya gamit ang mga engkantasyon na natutunan niya mula sa libro. “Hindi ka pa ba matutulog?” Natigilan ang binata at saglit na ibinaling ang tingin sa kaniyang likuran. “Hindi na,” sambit nito na muling ibinaling ang tingin sa libro. “What do you mean hindi na?” tanong muli ni Afiya na siyang tumabi na kay Gimel. “Kailangan kong tapusin ang librong ito para bukas hindi na ako magmukhang tanga sa harapan ni Maginoong Gyasi bukas,” sagot ni Gimel na siyang dahilan upang mapasinghap si Afiya at marahang tumango. “Afiya,” sambitla ni Gimel na siyang dahilan upang kunutan siya ng noo ng dalaga. “Kilala mo ba si Mahalia? Ang sabi niyo ay siya ang nagligtas sa akin mula sa inyo dahil noong sanggol ako ay maging ikaw at ang mga kasama mong amatista ay gusto niyo akong patayin. Pero siya ‘yong kaisa-isang naging kakampi ng mga magulang ko pero nasaan na siya ngayon? At bakit sabi ni Abrax ay pati siya dapat kong ipaghiganti?” Unti-unti ngang ibinaling ni Afiya ang kaniyang tingin sa kalangitan at bumuntong ng malalim na hininga bago tuluyang sagutin ang mga katanungan ni Gimel. “Si Mahalia ay ang amatista ng Geo magpahanggang ngayon sapagkat buhay pa siya ngunit hindi namin alam kung nasaan—o kailan,” ani ni Afiya dahilan upang mapakunot ng noo si Gimel. “Kailan?” “May abilidad si Mahalia na pumunta sa kahit na anong oras kaya ka niya nailayo at nailigtas dahil sa abilidad niyang ‘yon. Inilayo ka niya sa taon namin noon kaya halos limang daang taon din ang nakalipas nang muli ka naming nakita,” sagot ni Afiya. “I—iyong sinabi ni Abrax na kailangan ko siyang ipaghiganti? May nangyari bang masama sa kaniya dahil sa akin?” Buntong hininga ngang tumango ang amatista. “Nang dahil sa paglabag niya sa utos ni Bathala ay pinarusahan siya at ikinulong sa Neraka o sa kulungan ng mga taga-Berbaza na lumalabag sa mga utos ng mga tagapangalaga. Halos isang-daang taon na rin siyang nakakulong doon.” “Kung gayon ay anong pwedeng gawin para mapakawalan siya sa kulungang ‘yon?” “Gimel, delikado—“ “Pero pwede?” “Pwede.” Halos sabay ngang napalingon ang dalawa sa kanilang likuran kung saan naroon ngayon si Abrax. “Abrax—“ “Pwedeng-pwede natin siyang iligtas ngunit mahina at wala ka pang laban para gawin ‘yon,” pakli ni Abrax habang nakatuon ang atensyon kay Gimel. “Mga ravena ang nagbabantay sa Neraka na siyang pinamumunuhan ni Helios. Bago ka humarap sa kanila siguraduhin mong hindi lang kasing-lakas mo sila kundi dapat ay mas malakas ka sa kanila. Kaya hindi pa ngayon ang oras para gawin ‘yan Gimel.” Marahan ngang napabuntog ng hininga ang binata at tinanguan si Abrax. “Kailangan kayo ngayon sa Cebu.” Pare-parehong natuon ang atensyon ng tatlo sa Kibaan na ngayong ay lumitaw sa harapan nila Gimel habang pawisan at naghahabol ng kaniyang hininga. “Tunku, anong nangyari sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Gimel na agad ngang inalalayan ang Kibaan paupo sa kinauupuan niya kanina. “Pumaroon ako sa Cebu kasama si Ebraheem upang sana bisitahin ang iba pang mga taga-Fotia at naabutan namin ang kaguluhan doon na kaninang hapon pa pala nagsimula,” ani ng Kibaan dahilan upang kunot-noong lumapit sa kaniya si Afiya at Abrax. “K—kaguluhan? Anong klaseng kaguluhan?” tanong ni Abrax. “Ang halimaw na si Bungisngis ay nakawala at naghahasik ngayon ng kaguluhan sa buong Cebu.” Halos sabay ngang nanlaki ang mga mata nila Abrax at Afiya nang dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD