Unang Bahagi: Kabanata 21

2614 Words
—BUNDOK MAKILING “Tigil!” sigaw ni Maginoong Mirza na siyang mabilisan ngang tumakbo upang ilayo ang espada ni Afiya na siyang nakatutok na sa leeg ni Gimel na kasalukuyang nakaupo na ngayong sa lupa. “Sha—“ “Gimel po,” pakli ni Gimel na siyang natayo na mula sa pagkakaupo sa lupa at agaran ngang pinagpag ang sarili. “Shakir, ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na sa labanan ng mga espada ay dapat ang espada ang siya mong laging prinoprotektahan, huwag mong hahayaan na mabitawan o masira ito ng kalaban dahil sa oras na mangyari iyon ay dehado ka ng bata ka.” “Maginoo, unang araw pa lang naman ng pagsasanay niya kaya’t huwag muna siguro nating madaliin si Gi—Shakir,” ani naman ngayon ni Afiya na siya ngang iniabot kay Gimel ang espada nitong tumilapon habang sila ay naglalaban. “Bakit pa kasi espada ang gamit natin ngayon? May baril naman na, mas madali pang aralin at mas malakas kaysa dito sa espada,” ani ni Gimel dahilan upang marahang mapailing ang matanda. “Hindi pangkaraniwan ang mga hawak niyong espada Gimel bagkus ay galing pa ito sa mga sinaunang mga magpapanday. Hindi tulad ng mga pangkaraniwang espada at baril na iyong tinutukoy ay may basbas ang mga espadang hawak niyo ni Apolaki o ang tagapangalaga ng digmaan.” “Maginoong Ahmad, magpahinga muna kaya kami saglit ni Shakir?” Unti-unti ngayong napabuntong hininga ang matanda at marahan ngang tinanguan si Afiya. “Mabuti pa sigurong magpahinga muna kayo at bumalik kayo rito pagkaraan ng sampung minuto.” Tumango ngang tuluyan ang dalawa dahilan upang pumaroon muna ang matanda sa kubo. “Alam mo Shakir—“ “Gimel,” sambitla ng binata dahilan upang buntong hiningang mapatango si Afiya. “Okay, right, Gimel o kahit na anong gusto mong itawag ko sa’yo?” ani ni Afiya na siyang diretso ngang tinignan ngayon ang binata. “But anyway, gusto ko lang ipaalala sa’yo na bilang nalang ang mga oras ng pagsasanay natin dahil natitiyak namin Gimel na sa mga oras na ito ay alam na ni Helios na hindi ka napatay ni Ebraheem. Gagawa at gagawa ‘yon ng paraan para hanapin tayo. And our goal bago mangyari ‘yon o bago kayo magkaharap ay may kakayahan ka nang kalabanin ang sino mang ihaharap niya sa’yo para patayin ka dahil hindi ka naman non mapapatay mismo dahil sa sumpa ni Mahalia.” Natigilan nga si Gimel sa pag-inom ng tubig at buntong hiningang tinignan ngayon si Afiya. “Gimel kaibigan! Teka lamang kaibigan!” Natigilan ang binata sa paglalakad at buntong-hiningang tinignan ang Kibaan na siyang lumitaw sa kaniyang harapan upang harangan siya sa kaniyang daraanan. “Tunku pwede ba bumalik ka nalang don?” Marahang umiling ang Kibaan. “Kaibigan, kailangan mong bumalik don kasama ko upang ipagpatuloy ang pagsasanay mo—“ “Nag-jojoke ka ba Tunku? Sa tingin mo sa lagay na ‘to may gana pa akong ipaghiganti ang mga magulang ko? Tunku, ako ang dahilan”—ani ng binata kasabay nang marahan niyang pagpunas ng mga luha niya sa mata—“ako ang dahilan kung bakit sila namatay! Bakit ko pa sila ipaghihiganti kung ako ang dahilan? Hindi ba dapat ay mamatay nalang din ako Tunku gayong ako naman ang laging dahilan?” “Gimel, sa tingin mo ba ay itinaya nila ang mga buhay nila para lang mawala ka? Gimel, sa tingin mo ba ay”—ani ng Kibaan na siyang buntong hininga ngang tinignan sa mata ang binata—“sa tingin mo ba ay masisiyahan ang mga magulang mo sa oras na mapunta sa wala ang pagkamatay nila? Sa tingin mo ba ay namatay sila para sa wala?” Unti-unti ngang natigilan si Gimel na kalaunan ay buntong-hiningang tinignan muli si Tunku. “P—para saan? Bakit pa nila ako niligtas kung ako rin lang ang nakatakdang magdadala ng kaguluhan sa mundo ninyo at namin?” kunot-noong tanong ni Gimel. “Para ipaghiganti sila?” Parehong natigilan si Gimel at Tunku na ngayon ay parehong nalingon sa lalaki. “Hindi ba parang mas dapat mo pa silang ipaghiganti ngayon dahil ikaw ang dahilan kung bakit nila ibinuwis ang kanilang buhay?” “G—ginoong Abrax, anong ginagawa mo rito—“ Tuluyan ngang natigilan si Tunku maging si Gimel nang makitang narito na rin maging sila Afiya at Ebraheem. “Namatay sila para sa’yo Gimel, hindi ba dapat ang iniisip mo ngayon ay ang ipaghiganti sila?” “I—ipaghiganti saan? Sa akin hindi ba? Dahil ako naman ang pumatay—“ Naglahong mabilisan si Abrax sa kaniyang kinatatayuan at ngayong ay hawak-hawak na niya ang panga ni Gimel dahilan upang akmang papagitna na sana si Afiya ngunit agad nga siyang pinigilan ni Ebraheem na ngayon ay nakangising pinagmamasdan ang dalawa. “Tandaan mo, hindi lang ang mga magulang mo ang nadamay dito Gimel!” bulalas ni Abrax na siyang mas hinigpitan pa ang hawak sa panga ni Gimel. “Kundi maging ang iba pang mga babaylan ay si Mahalia. Maraming buhay ang nasayang upang iligtas ka Gimel. At sa tingin mo para lamang ‘yon sa wala?” “Abrax, tama na,” ani ni Afiya na ngunit hindi lamang siya pinakinggan nito. “Sa tingin mo magbubuwis sila ng buhay kung ang tanging alam lang nila ay magdudulot ka lamang ng gulo sa buong Berbaza?” tanong muli ni Abrax habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Gimel. “Gimel, may mga sarili silang dahilan kung bakit nila piniling protektahan ka. Tulad ko, nais kitang maprotektahan ngayon dahil alam kong magkakagulo ang buong Geo sa oras na mawala ang tagapangalaga ng pag-ibig.” “Ikaw Gimel ang kaisa-isang anak ni Mapolan at ikaw lamang ang natatanging tagapagmana ng posisyon niya.” “Kailangan nating magmadali sa pagsasanay Gimel, kayo kung kinakailangang huwag nang matulog o magpahinga ay gagawin natin,” ani ni Afiya kasunod ng pagtapat niya ng dulo ng kaniyang espada sa leeg ni Gimel. “Afiya bakit?” Natigilan nga ang dalaga nang mapansin ang diretsong pagtingin sa kaniya ni Gimel habang tila wala itong pakialam sa nakatutok na espada sa kaniyang leeg. “B—bakit? Anong bakit Gimel?” kunot-noong mga katanungan ni Afiya. “Hindi ba ang sabi sa akin ni Abrax ay kaya niya ako proprotektahan at tutulungan ay para maprotektahan ang Geo. At para naman kila Ebraheem at Tunku, ayaw nilang mawala ang kanilang mga lahi kaya rin nila ako gustong tulungan at protektahan,” ani ni Gimel dahilan upang dahan-dahang ibaba ngayon ni Afiya ang espada. “Pero ikaw? Wala namang mangyayari sa Nero sa oras na mawala ako hindi ba? Bakit ka pa nandito? At bakit mo pa ba ako tinutulungan Afiya?” Tuluyan ngang napaiwas ng tingin ang dalaga at napakapit ng mahigpit sa hawak niyang espada. “Maaari na ba nating ituloy ang ensayo?” Pareho ngang natuon ang atensyon ng dalawa kay Maginoong Ahmad na may hawak-hawak na ngayong mga ilan pang espada. “S—sige ho Maginoong Ahmad, narapat na pong matuloy nang makapag-ensayo na rin si Gi—Shakir sa paggamit ng engkantasyon kasama sila Abrax,” ani ni Afiya na siyang naglakad na nga papunta sa pinaglalabanan nila ni Gimel kanina. “Ikaw Shakir?” tawag ng matanda kay Gimel na nanatili ngang nakatayo pa rin sa gilid dahilan upang mapabuntong-hininga siya at mapatango sa matanda. _________________________ “Ikaw ang huling babaylan?” ani ng isang matanda na may kapansin-pansin na peklat sa buong parte ng kanan niyang mukha at kumpara sa ibang mga maginoo na may mga mahahabang buhok ay wala naman ni isang hibla ng buhok ang matatagpuan sa ulo ng matandang ito. “Ngayon na lamang ako ulit makakatunghay ng isang babaylan na gagamit ng kapangyarihan kaya pakitaan mo nga ako ng isa sa mga engkantasyon nang natutunan mo,” patuloy ng matanda dahilan upang mapalunok si Gimel at buntong-hiningang ibinaling ang tingin sa ibon na papalipad na sana palayo sa kalapit na puno. “Berhenti!” bulalas nito kasabay nang unti-unting pagiging bato ng ibon at pagbagsak nito sa lupa. “B—berhenti? Yaon pa lamang ang natututunan mong engkantasyon sa loob ng halos isang linggo niyo ng pananatili rito?” sunod-sunod na tanong ng matanda habang hawak-hawak ang kaniyang baba at kunot-noong tinignan si Gimel. “At sa ibon mo pa talaga ginamit ang mahika? Bakit? Natatakot ka ba na sa akin o rito kay Abrax mo gamitin ito?” sunod-sunod na tanong ng matanda habang dahan-dahan ngang nilalapitan ngayon si Gimel. “B—baka pumalpak akong ibalik sa dati—“ “Saan ka dadalhin ng takot mong iyan ha?” Diretso nitong tinignan si Gimel sa mata. “Sabihin mo ang mga katagang pemindahan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.” “P—po?” “Sabihin mo Shakir!” “P—pemindahan,” sambitla ni Gimel ngunit natigilan nga siya nang hawakan ng mahigpit ng matanda ang magkabilaan niyang mga pisngi. “Sabihin mo ito ng diretso at may paninindigan,” ani ng matanda na hindi pa rin naaalis ang tingin sa mga mata ni Gimel. Buntong hiningang napatikom si Gimel ng kaniyang kamao. “Pemindahan.” Unti-unting binitawan ng matanda ang mga pisngi ni Gimel at kasunod nito ang paghawak ni Gimel sa leeg niya na siyang unti-unting kumakati hanggang sa isang napakalaking ahas ngayon ang gumapang palabas dito dahilan upang manlaki ang mga mata ni Gimel nang dahil sa gulat. “A—anong nangyaya—“ Hindi nga maituloy ni Gimel ang pagsasalita nang muling lumabas ang ahas mula sa kaniyang bunganga. “Hindi lahat ng engkantasyon ay para lamang sa kalaban Shakir kundi ay may mga engkantasyon din tayong tinatawag na sumpa kaya mag-ingat ka sa pagsabi ng mga ito. Kaya nga importanteng pag-aralan itong ng mabuti bago mo pa man gamitin. “Maginoo, hindi mo pa ba siya ibabalik sa dati?” tanong nga ngayon ni Abrax na siyang agad ngang tinatapakan ang mga ahas na isinusuka ni Gimel upang mamatay agad ang mga ito. “Menarik Pemindahan, ang siyang katagang makakawala sa iyo sa sumpa,” ani ng matanda dahilan upang nang ibugang muli ni Gimel ang isang ahas ay madali nga niyang binanggit ang mga katagang iyon. “Simple lang ang paggamit ng mga engkantasyon Gimel, tignan mo sa mata ang iyong puntirya at huwag na huwag mong ihihiwalay ang iyong mga mata mula sa mga mata nila,” ani ngayon ng Maginoo habang pinagmamasdang umuubo ang binata habang hawak-hawak ang kaniyang leeg. “Kailangan buo ang loob mo sa pagbigkas sa ano mang engkantasyon.” “Narito ang unang aklat, nais kong aralin mo ‘yan lahat at bukas na bukas ay gagamitin mo ang mga iyan sa pakikipaglaban kay Abrax,” patuloy ng matanda kasunod nang pag-abot ni Abrax ng isang makapal na libro kay Gimel. “L—lahat ng ito? Ngayong araw ko lang aaralin?” “Hindi ba klaro ang pagkakasabi ko para ulitin ko ulit ito iho?” “Hindi naman ho sa ganon pero—“ “Kung gayon ay wala ng tanong, basta’t bukas ay mainam na mas handa ka nang humarap sa akin hindi yaong una pa lang nay takot ka nang gamitin ang kapangyarihan mo.” “Maliwanag ba?” “O—opo,” sagot ni Gimel na siyang dahilan upang buntong-hiningang tumango ang matanda. _________________________ “Kung sa mga taga-Nero, ang iyong pinag-aralan ay ang paggamit ng espada ay ngayon naman pag-aaralan mo kung paano lumaban ng walang armas. Tanging lakas mo ang gagamitin natin sa pagsasanay na ito Shakir,” ani ni Maginoong Mirza na siyang katabi nga ngayon si Ebraheem na siyang kasama niya sa pagbibigay ng ensayo kay Gimel. “Ngayon din ay nais kong tignan ang lakas mo kaya’t nais kong maglaban kayo ni Ebraheem.” “A—ako? Eh, para ko na rin kinalaban ang sarili ko Maginoo kung kakalabanin ko itong si Gimel. Baka nakakalimutan mo maginoo na sa oras na saktan ko siya ay para ko na ring sinaktan ang sarili ko?” “O’ siya, kung gayon ay ako na lamang ang kalabanin mo,” ani ng matanda na ngayon ngay marahang iniunat ang kaniyang kamay at kasunod non ay bigla na lamang siyang naglaho at nasa likod na agad ni Gimel. Nanlaki nga ang mga mata nang pwersahan siyang paharapin ng maginoo at sabay sakal sa kaniyang leeg ngunit agad na bumitaw ang matanda nang maramdaman din ang sakit sa kaniyang leeg. “M—maginoo, baka nakakalimutan mong bampira ka rin?” sarkastikong tanong ni Ebraheem na maging siya ay hawak-hawak ngayon ang leeg. Buntong-hininga ngang napahawak ang matanda sa kaniyang noo nang mapagtanto iyon. “Ako na lamang ang kakalaban sa kaniya,” ani ni Abrax na kanina pa nga pinapanuod ang tatlo kasama sina Afiya at Tunku. “Ay mabuti at narito ka iho,” ani ng matanda na agad ngang tinawag ang binata. “G—gimel, galingan mo dahil hindi lang ikaw masasaktan sa oras na lumpuhin ka ng lalaking ‘yan,” saad ni Ebraheem bago pa man iunat ni Gimel ang kaniyang mga kamay at marahan na ngang naglakad patungo sa gitna kung saan sila maglalaban ni Abrax. Ang una ngang suntok ni Gimel ay napunta lamang sa ere dahil sa mabilisang pag-iwas ni Abrax. “Okay lang ‘yan Gimel, makakabawi ka—“ Agad ngang natigilan si Ebraheem nang maramdaman ang sakit sa kaniyang tiyan nang suntukin ni Abrax sa sikmura si Gimel. “T—tumayo ka bata!” ani ni Maginoong Mirza na siyang hawak-hawak din ang kaniyang tiyan. Unti-unting tumayo si Gimel at muli ngang iniunat patalikod ang kaniyang kanang kamay at patakbo ngang sinuntok si Abrax ngunit hindi man lang napikit o nasaktan si Abrax sa suntok nito. Sunod-sunod siyang sinuntok ni Abrax sa mukha at itinaas nga ang kaniyang kanang mukha na wala pang ilang segundo ay dumampi na ngang agad sa pisngi ni Gimel dahilan upang tumilapon ito sa hindi kalayuan. “Gimel!” bulalas ni Afiya na siyang agad ngang tumakbo papunta sa binagsakan ni Gimel at siyang agad-agad na nagpakawala ng asul na ilaw sa kaniyang palad ngunit huli na nang unti-unting tumayo si Gimel at tuluyang nawala na ang sakit galing sa mga atake ni Abrax. “A—afiya, anong ginagawa mo—“ Agad ngang natigilan si Gimel na siyang mabilisang itinulak palayo sa kaniya si Afiya nang makit ang pag-atake ni Abrax ng sipa sa kinaroroonan nila. “Afiya, anong ginagawa mo dito?” tanong nga ni Abrax na siyang napunta ang atensyon sa dalaga dahilan upang hindi niya makita ang pag-atake ni Gimel sa likuran niya dahilan upang siya naman ngayon ang tumilapon palayo. “Binibining Afiya, bumalik na tayo don,” ani ni Tunku dahilan upang marahang tumango si Afiya. Ngayon ay buntong-hiningang lumapit si Gimel kay Abrax na siyang kasalukuyang nakahandusay pa rin sa lupa at tumama nga ang likuran sa matulis na kahoy. Dahan-dahang natigilan si Gimel nang makitang bumaon ang kahoy sa tiyan ni Abrax dahilan upang hindi matigil ngayon ang pagdurugo nito. Buntong hininga niyang iniabot ang kaniyang kamay sa binata na siyang unti-unti rin namang inaabot ni Abrax ngunit laking gulat niya nang hilahin lamang siya nito pahiga sa lupa at halos mapasigaw nga siya nang isaksak sa ni Abrax ang kahoy mula sa kaniyang tiyan papunta sa tiyan ni Gimel. Kasabay nga ng pagsigaw nito ay ang pagsigaw din nila Ebraheem at Maginoong Mirza na siyang umalingawngaw sa buong paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD