—NERAKA
Neraka- lugar kung saan ikinukulong ang mga taga-Berbaza na lumalabag sa kautusan at gumagawa ng kalapastangan sa mata ng mga tagapangalaga.
Sa isang napakadilim at na pasilyo ay sumisibol ang ilaw mula sa lamparang hawak ngayon ng isang binatang marahang naglalakad at inililibot ang kaniyang paningin upang masigurong walang nakasunod ni isa sa kaniya ngayon.
Natigil ito sa isang seldang halos mapuno na ng kalawang dahil sa kalumaan.
At dahil sa kalawang ay naglikha ng pagkalakas-lakas na alingawngaw ang pagbukas ng lalaki sa selda dahilan upang isang sigaw ngayon ang umalingawngaw sa paligid. Kasabay ng pagbuga ng napakalakas na hangin mula sa loob selda dahilan upang mapapikit ang lalaki at agad na mapahawak sa selda upang hindi tumilapon sa ere nang dahil sa lakas ng hangin.
“B—bungisngis, huminahon ka, ako ito ang iyong munting kaibigan,” ani ng lalaki dahilan upang unti-unting mawala ang sigaw at mabawasan ang hangin.
“K—kaibigan?” kunot-noong sambitla ng isang dambuhalang halimaw na kilala sa pangalang bungisngis.
Habang nakaupo sa sahig ay dikit na ang ulo nito sa mataas na kisame ng seldang kinalalagyan niya. Ang higante ay may iisa lamang na mata at malalaking ngipin na tila sing-laki ng kamay ng isang tao.
“Tama Bungisngis,” ani ng lalaki na siyang marahang ibinaba ang kaniyang lampara sa sahig. “Ako ito si Helios, ang iyong kaibigan.”
“Kaibigan, ikaw nga!”
Unti-unti ngang ngumisi si Bungisngis na siyang ibinaba ang kaniyang kamay dahilan upang mapangiti ngayon si Helios at marahan ngang hinakabang ang mga paa patungo sa kamay ni Bungisngis.
“Kamusta ka na aking kaibigan?”
“Mabuti at naisipan mo akong dalawin Helios. Halos ilang na rin akong nalulungkot at walang makausap sa seldang ito,” ani ng higante habang unti-unti ngang nawawala ang kaniyang ngisi tanda ng kalungkutan niya.
“Huwag kang mag-alala dahil huling araw mo na dito sa selda Bungisngis—“
“A—ano ang iyong sinabi Helios? Tama ba ang pagkakarinig ko?”
Nakangiti siyang tinanguan ni Helios dahilan upang manumbalik ang ngisi.
“Bukas na bukas din Bungisngis ay makakalabas ka na rito at muli mo na namang matitikman ang mga tunay mong pagkain,” nakangiting ani ni Helios na siyang nasundan ng pagkalakas-lakas na tawa ni Bungisngis na sa tuwa ay sinubukan ngang tumayo dahilan upang yumanig ang paligid at mapaupo siyang agad nang maitama ang ulo niya sa pader na gawa sa mahikang ginawa ng mga sinaunang babaylan upang ikulong ang mababangis at mapaghasik ng dilim na nilalang ng Fotia.
Ang seldang kinalalagyan ngayon ni Bungisngis ay isa lamang sa mga selda ng Nereka.
“Panahon na para gamitin ka Bungisngis, tapos na ang mahabang pagpapahinga at natitiyak ko ngang sapat na ang mga naipon mong lakas dito upang takutin silang lahat,” usal ni Helios sa sarili habang nakangisi at diretsong nakatingin sa halimaw.
—BUNDOK MAKILING
“Sigurado ba Tunku na ‘yan ‘yong gamot na pinapahanap mo at hindi tayo niloloko ng lalaking ito?” sarkastikong tanong ni Gimel nang iabot na ni Ebraheem ang nahanap niyang Ludwiga.
Unti-unti ngang ngumisi ngayon si Ebraheem at hindi makapaniwalang tinignan si Gimel.
“Sa tingin mo talaga ay ganon na ako sobrang kasama para pati ang kaibigan ko ng halos—limang daang taon mahigit? At kaya kong lasunin at patayin?” nakangising tanong ni Ebraheem na siyang tuwirang tinanguan ni Gimel.
“Bakit? Sa tingin mo maniniwala ako na may puso ang mga kagaya mong demonyo? The hell I know kung psycho ka at kaligayahan mo ang pumatay? Pinatay mo ako hindi ba? Dahil tulad ng mga magulang ko ay gusto mo rin akong patayin,” sagot ngayon ni Gimel habang diretso ngang nakatingin kay Ebraheem.
“Excuse me?”
“Tama ba ang pagkakarinig kong ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ng mga magulang?” patuloy ni Ebraheem na siyang natawa nga matapos tanungin iyon dahilan upang mapakunot ngayon ng noo si Gimel.
“Gising na siya! Gising na ang binibini,” bulalas ni Tunku dahilan upang tuluyang maputol ang usapan ng dalawa at mabaling nga ang tingin kay Afiya.
Isang napakalalim ngang buntong na hininga ang pinakawalan ni Afiya kasabay nang pagbangon niya mula sa pagkakahiga.
“Afiya,” sambitla ni Gimel na agad ngang nilapitan ngayong ang dalaga.
“A—anong nangyari”—natigilan nga ang amatista sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasalita nang magtama ang mga mata nilang ngayon ni Ebraheem—“Ebraheem.”
“Ang libro!” bulalas nito kalaunan na siya ngang mabilisang ginamit ang kapangyarihan upang gawing malapot na likido si Ebraheem. “Kunin mo ‘yong dala-dala kong libro kanina Tunku!”
Agad ngang nagmadali ang Kibaan at mabilisang ibinigay sa amatista ang libro.
Kalaunan ay isa ngang muling asul na ilaw ang pinakawalan ni Afiya patungo sa malapot na likido dahilan upang bumalik muli ang anyo ni Ebraheem.
“Kanina ginawa akong bato ng babaylan na ito tapos pati ikaw rin Afiya? What the heck? Uso ba ngayon na pagtripan ako?”
“Hindi uso”—ani ni Gimel na siyang ibinaling nga ang tingin sa bampira—“sadyang wala lang kaming tiwala sa mga kagaya mong demonyo.”
“Really?” nakangising sambit ni Ebraheem na ngayon ay ibinaling nga ang tingin kay Afiya.
“Afiya,” sambitla nito na siyang ikinuot nga ang kaniyang noo. “Ano bang sinabi mong kwento sa lalaking ito para kasuklaman niya ako ng sobra-sobra? You have heard him right? Tinawag ba naman akong demonyo at sinisisi ako sa pagkamatay ng mga magulang niya.”
Unti-unti ngang napabuntong ng hininga si Afiya at tinignan ngayon si Gimel.
“Gimel, hindi si Ebraheem ang pumatay sa mga magulang mo.”
“A—anong ibig mong sabihin?”
“Nang ikaw ay ipinagbubuntis pa lamang ng tagapangalaga ng pag-ibig na si Mapolan ay may propesiya ng ikaw ay maghahatid ng kaguluhan sa Berbaza kaya’t ipinag-utos sa aming mga amatista na patayin ka,” sagot ni Afiya na siyang naglabas ng ilaw mula sa kaniyang palad na siyang naglikha ng animasyon na gawa sa tubig na siyng inihahayag ang buong pangyayari sa araw na ipinanganak si Gimel.
Unti-unting pumatak ang sunod-sunod na luha sa mga mata ni Gimel nang mapanuod ang buong pangyayari kung paano namatay ang mga magulan niya ayon sa punto de vista ni Afiya noong pagkakataong iyon.
“A—ako ang dahilan? Ako ang dahilan kung bakit sila namatay?” sunod-sunod na tanong nito dahilan upang matigilan din maging sina Ebraheem at Afiya ngayon na siyang nagtinginan nga at parehong napabuntong ng hininga.
“Gimel—“
Tuluyan ngang lumabas si Gimel mula sa kubo bago pa man siya mapigilan ni Afiya.
“Ako na ang susunod sa kaniya Binibining Afiya,” ani ni Tunku na nagmadali ngang sundan ang binata
“So, kung hindi pa ako dumating ngayon ay hindi mo sasabihin sa kaniya ang buong katotohanan Afiya?” baling na tanong ngayon ni Ebraheem.
“Ebraheem, kasalukuyan naming sinasanay si Gimel ngayon and telling him that will not—“
“It will Afiya,” pakli ni Ebraheem dahilan upang kunutan siya ng noo nito. “Alam mo bang mas lumalakas at nailalabas ng isang babaylan ang kaniyang kapangyarihan sa tuwing may dala-dala itong bigat sa kaniyang kalooban?”
“You don’t know—and I don’t think ikaw ang karapat-dapat na mag-train sa kaniya Afiya. Wala kang karanasan sa bagay na ito at maski ‘yong Kibaan na ‘yon ay wala ring alam masyado patungkol sa mga babaylan na kagaya ni Shakir,” patuloy ni Ebraheem.
“Then, what do you want me to do Ebraheem?”
“Ang mga Maginoo—sila ang makakatulong kay Gimel Afiya. Alam kong pareho tayo ng hangarin ngayon. You want to save him and train him para maprotektahan niya ang sarili niya kay Helios. At pareho tayo, gusto ko siyang sanayin dahil sa oras na masaktan o mamatay siya ay ganon din ang mangyayari sa aming mga bampira,” paliwanag ni Ebraheem dahilan upang unti-unting mapabuntong ng hininga si Afiya at tanguan ngang tuluyan si Ebraheem.
“Kakausapin ko si Maginoong Ahmad,” sambit ng amastista ng Nero.
“At ganon din ako Afiya, kakausapin ko rin ang Maginoong Mirza.”
“At ako na ang siyang kakausap sa Maginoo ng Geo.”
Halos sabay ngang natigilan si Afiya at Ebraheem na pareho ngayong napalingon sa kanilang likuran.
“A—abrax?” sambitla ni Afiya na nakakunot nga ngayon ang noo dahil sa pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?”