—Ika-pitong Palapag
“Ano na?! Hindi niyo pa rin ba sila nahahanap? Mga useless!” sunod-sunod na bulalas ni Ebraheem nang dumating ang mga bampira at ang iba pang mga nilalang na taga-Fotia na walang dala-dalang balita.
“Hindi napadaan ang Amatista ng Nero sa lugar na binabantayan namin Ebraheem,” ani ng Mandato na siyang lider ng grupo ng mga Kapre.
“Maging sa mga puno kung saan naroon ang mga Kibaan ay hindi rin nahagilap ang Amatista ng Nero Ebraheem,” ani naman ngayon ni Kadir na tumatayong lider ng mga Kibaan. “At maging nga ang tanga-tanga kong anak na iyon ay halos isang linggo na ring hindi nagpapakita sa amin ng kaniyang ina.”
Unti-unting bumuntong ng hininga si Ebraheem at napatikom ng kaniyang kamao.
“Ni isa man lang sa inyo walang good news na sasabihin ngayon sa akin?”
Tuluyan ngang natahimik ang buong Fotia hanggang sa nabaling ngayon ang atensyon nila sa sunod-sunod na mga tiyanak na nagdatingan mula sa elevator.
At dahil nga sa ingay na nilikha ng mga tiyanak ay hindi na natigilan pa ni Ebraheem ang sariling mapasigaw.
“Anong kaguluhan ito?!” kunot-noong bulalas nito.
“Ebraheem, sugatan ang iba sa kanila,“ usal ni Omer na siyang nasa tabi ni Ebraheem.
Agad ngang natigilan ang binata at unti-unting naglakad palapit sa isang tiyanak upang buhatin ito ngayon paitaas.
“Anong nangyari? Bakit sugatan ang mga kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Ebraheem na siyang inilapit nga ang tiyanak sa kaniyang tenga upang madinig ang sasabihin nito.
Matapos ibulong ng tiyanak ang kasagutan sa katanungan ni Ebraheem ay unti-unti na nga siyang ibinaba nito.
“Ebraheem ano raw sabi?” kunot-noong tanong ni Omer ngunit saglit na natahimik si Ebraheem at nanatiling walang imik hanggang sa nakaupo na siya sa kaniyang upuan.
“Nakaengkwentro nila si Afiya habang sila ang nagbabantay sa ika-anim na libro,” sagot ng binata.
“A—ang ika-anim na libro? Hindi ba tayo lang at ang mga maginoo ang nakakaalam non?”
“Posibleng sinabi sa kaniya ng Maginoo ng Nero na si Ahmad ang patungkol dito gayong alam niyang maaari niya itong magamit laban sa atin,” ani ni Ebraheem. “Pero ang importante ngayon ay alam ko na kung saan pumunta si Afiya.”
“Alam mo na kung saan siya? Kung gayon ay puntahan na natin Ebraheem—“
“No Omer,” pakli ni Ebraheem. “Ako lang ang pupunta dahil kailangan ka dito upang bantayan ang bawat uri ng Fotia. Kahit na may ganitong problema ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ng Rio na ‘yon. I don’t want it to happen again. Bantayan ang bawat lahi at huwag na huwag silang hahayaan na manakit ng sino mang tao. Kung kukuha man kayo ng dugo ay sa ospital kayo kumuha. Mainit sa atin ang ibang mga lahi ngayon dahil sa ginawa ni Rio. Like I said, ayaw ko nang maulit ‘yon ulit.”
“Do you understand? Omer?”
Marahan ngang tumango ang bampira bilang tugon dahilan upang mapabuntong hininga si Ebraheem at tuluyan na ngang naglaho mula sa kaniyang kinauupuan.
—BUNDOK MAKILING
“Isang bampira.”
Bago pa man makapasok sa kagubatan at tuluyan ngang natigilan at nagpakita si Ebraheem nang marinig ang boses na iyon.
“Anong ginagawa ng isang bampirang tulad mo sa kagubatang aking pinangangalagaan.”
“Mahabaging diwata, Maria Makiling, importante ang magiging pakay ko rito sa iyong kagubatan kaya’t inuutusan kitang papasukin ako dito.”
“Nagkakaintindihan naman siguro tayo na bawal ang mga kagaya mong taga-Fotia ang pumasok sa aking kagubatan?”
Unti-unti nga ngayong lumitaw ang isang dalaga na may suot na sutlang may burdang dilaw na bulaklak at may maitim at malagong buhok na abot sakong at may pahiyas na sariwang bulaklak-suha.
“Maria Makiling, may hinahanap lamang akong—“
“Kaibigan? Tama hindi ba?”
Marahan ngang tumango si Ebraheem sa diwata.
“Ang Amethysts ng Nero ba ang iyong hinahanap?”
Natigilan nga ang binata na siyang muling tinanguan ito bilang tugon.
“Nandito siya hindi ba? At may kasama rin siyang isang Kibaan hindi ba? Bakit mo ako pinagbabawalang pumasok gayong may taga-Fotia na rin namang nakapasok dito?”
Tuluyan ngang napaiwas ng tingin ang diwata na kalaunan ay napabuntong hininga at tinignan ngayon ng diretso si Ebraheem.
“Sa oras na malaman kong may gagawin kang karumaldumal sa kagubatan na ito ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka,” ani ng diwata. “Nabalitaan ko ang mga paglabag na ginawa niyong mga taga-Fotia sa mga nagdaang araw at hindi ako makakapayag na gawin niyo ang bagay na iyon sa mga taong nakatira rito sa aking kagubatan.”
“Huwag kang mag-alala Maria Makiling, sandali lamang ako rito at sadyang nais ko lamang kausapin si Afiya,” paliwanag ni Ebraheem ngunit natigilan siya nang ibaling ng diwata ang tingin sa kaniyang likuran.
“Naroon na ang kaibigan na nais mong kausapin,” ani ng diwata dahilan upang agad na lumingon dito si Ebraheem at madalian ngang maglalakad sana upang sundan si Afiya.
“Ganyan na ba kayong mga taga-Fotia? Hindi na rin marunong tumanaw ng utang na loob tulad ng mga tao?”
Ngunit natigilan nga siya at agad na iniyuko ang kaniyang ulo bilang paggalang sa diwata.
“M—maraming salamat sa iyong pahintulot Maria Makiling at ako ngay taos pusong humihingi ng tawad sa aking naging aksyon gayong nadala lamang ako ng pagmamadali.”
Unti-unti ngang napabuntong hininga ang diwata na kalaunan ay marahan ngang tinanguan ang bampira dahilan upang itaas na nito ang kaniyang ulo.
“Sana ay naiintindihan mong naparito ang kaibigan mo kasama ang huling babaylan at ang kibaan upang hindi niyo sila matuntun sapagkat ipinagbabawal ang sino mang taga-Fotia rito. At nangako nga ako sa Amastista ng Nero na gagawin ko ang lahat upang madoble ang proteksyon ng kagubatan. Hindi ibig sabihin na papapasukin kita ay nilabag ko na ang kasunduan namin ng Amatista ng Nero. Papapasukin kita sapagkat nababasa kong kakampi ka nila at hindi ka naparito upang ipahamak ang ni isa sa kanila.”
“At sana nga tama ako sa aking hinuha ngunit kung hindi man— ay nasa paligid lamang ako ng kagubatang ito. Handa akong iligtas ang sino man sa tatlo sapagkat hindi ako kailanman bumabali ng pangako.”
Buntong hininga ngang tumango si Ebraheem kasunod nang pagyuko niya ng kaniyang ulo at tuluyang paglaho.
Lumitaw ngang agad ang bampira sa likuran ni Afiya na siyang kasalukuyang paika-ikang naglalakad ngayon.
Halos ilang metro lamang ang layo ng dalaga sa kaniya at akmang mabilisan sana siyang magtutungo sa harapan nito ngunit natigilan siya nang makita sa hindi kalayuan ang nakaupong si Gimel at Tunku.
Dahilan nga ito upang maglaho siya at mapaatras ng kaonti sa kinaroroonan ni Afiya.
“A—afiya, anong nangyari sa’yo?” kunot-noong tanong ni Gimel na siyang dahilan upang matigilan si Afiya sa paglalakad.
Taimtim ngang pinagmamasdan ni Ebraheem ang mga ito sa hindi kalayuan ngunit tuluyang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang panghihina at pagkahimatay ni Afiya.
“A—afiya—“
Lumitaw ngayon si Ebraheem sa katabing bintana ng kubong kinalagyan nila Gimel kay Afiya. At ang mga mata nga nito ngayon ay punong-puno ng pag-aalala sa kaibigang amatista ngunit hindi niya magawang pumasok sa kubo dahil natitiyak niyang mamumukhaan siya ni Gimel at baka kung ano pang gawin sa kaniya nito.
“A—at sino naman kaya ang gagawa sa kaniya nito?” rinig ni Ebraheem mula sa labas dahilan upang mas lumapit pa siya ngayon sa bintana at palihim ngang sumilip sa maliliit na butas.
“Hindi ko alam Gimel pero base sa mga sugat niya ay natitiyak kong isang tiyanak ang may gawa sa kaniya nito.”
“T—tiyanak?”
“Taga-Fotia rin sila Gimel kaya’t siguradong naikalat na nila Ebraheem ang paghahanap sa ating tatlo.”
“Gimel, kailangan ko ng halamang makagagamot sa kaniya. Halamang hindi pangkaraniwan at sa dagat lamang nakikita.”
“Ludwiga,” mahinang sambitla ni Ebraheem.
“A—anong halaman iyon Tunku? Ako na maghahanap.”
“S—sigurado ka ba? Kung delikado para sa akin ang lumabas dito sa kagubatan ay mas delikado naman para sa iyo kaibigan.”
Unti-unti ngang natigilan si Ebraheem at marahang napakagat sa ibaba ng kaniyang labi. Kalaunan ay bumuntong hininga ito at tuluyang naglaho mula sa kaniyang kinatatayuan.
“Ako na ang maghahanap ng halamang Ludwiga.”
Unti-unti ngang natigilan at nanlaki ang mga mata ni Tunku habang ito ay nakatingin sa likuran ni Gimel dahilan upang unti-unting mapakunot ang noo ni Gimel at marahang ibinaling ang tingin sa kaniyang likuran.
“E—ebraheem, ano ang iyong ginagawa rito?”
_________________________
“Ano bang pinagsasasabi mo Afiya?” kunot noong tanong ni Gimel na ngayon ay buntong hininga ngang itinaas ang kaniyang kamao at muli ngang magsusubok na sirain ang batong katawan ni Ebraheem.
At sa oras ngang gawin niya yaon ay tuluyan nang hindi maibabalik muli ang buhay ng bampira.
“Gimel huwag!” pakli ni Tunku na ngayon ngay mabilisang naglakad patungo sa harapan niya.
“Sa oras na mawala si Ebraheem ay mauubusan din tayo ng oras para iligtas si Binibining Afiya. Tanging siya lamang ang nakikita kong paraan Gimel upang makahanap tayo agad-agad ng gamot para sa mga sugat ng amatista.”
Unti-unting ibinaba ni Gimel ang kaniyang kamao at buntong hininga ngang ibinaling ang tingin sa namumutla at wala ng malay na amatista.
“Gimel, kung ikaw o ako ang maghahanap ng gamot na iyon ay aabutin tayo ng ilang oras at baka tuluyan nang mawala ang Amatista ng Nero sa oras na ‘yon.”
“P—papaano ko maibabalik ang bampirang ito Tunku?”
Nagmadali ngang naglakad ang Kibaan patungo kung saan naroon ang librong pinag-aaralan nila ni Gimel kanina.
“Banggitin mo ang katagang”—ani ni Tunku na siyang itinapat nga ang daliri sa parte kung saan naroon ang kabaliktaran ng engkatasyong ginawa ni Gimel upang maging bato si Ebraheem—“menarik berhenti.”
Diretso ngang tinignan ni Gimel si Ebraheem at marahan ngang bumuntong ng hininga. “Menarik Berhenti!”
At sa ilang segundong nakalipas ay unti-unti na ngang nadudurog ang bato at tuluyan na ngang bumalik ang anyo ni Ebraheem.
“Anong nangyari? D—did you just turned me into stone?” nanlalaki ngang mga matang sambit ni Ebraheem na siyang pinagpag nga ang damit na napuno ng alikabok.
“Hanapin mo na ‘yong gamot na makapagpapagaling kay Afiya bago pa man magbago ang isip ko at gawin ka ulit na bato,” ani ni Gimel na siyang dahilan upang mapatingin ngayon si Ebraheem kay Afiya.
“Malala na ang kalagayan niya. I will be back in five minutes—“
Naglaho ngang tuluyan muli si Ebraheem matapos sabihin iyon.