Unang Bahagi: Kabanata 30

1300 Words
—SIHIR “Nagsinungaling ka hindi lamang sa akin Apolaki kundi sa buong Sihir!” sigaw ni Bathala na siyang umalingawngaw sa buong tore. “A—ama, hindi ko alam kung ano ang iyong—“ Tuluyang natigilan si Apolaki nang lumitaw si Bathala sa kaniyang harapan at hawak-hawak na nga nito ang kaniyang leeg. “Ano ang iyong tunay na motibo Apolaki?” “Ama hindi kita maintindihan—“ “Ang propesiya patungkol kay Shakir,” ani ni Mayari na siyang lumitaw sa harapan ngayon ng dalawa. “Ito ay pawang gawa-gawa lamang ninyo ni Helios.” “Mayari,” sambitla ni Apolaki na siyang napatikom ng kaniyang kamao at buntong hiningang inalis ang kamay ni Bathala mula sa kaniyang leeg. “Hindi mo maaaring sirain ang plano ko Mayari!” “Planong ano Apolaki?! Paano mo nagawang pagsinungalingan kami? Maraming buhay ang nawala nang dahil sa’yo,” pakli ni Mayari. “Buhay ng mga babaylan na balang-araw ay tatalunin tayong mga taga-Sihir at hindi kailanman na rerespetuhin ang ating mga presensya.” “Yaon ba ang iyong dahilan Apolaki?” kunot-noong tanong ni Mayari. “Apolaki, nang dahil lamang diyan ay nagawa mo kaming pagsinungalingan?” hindi makapaniwalang tanong ni Bathala. “Ginagawa ko ito hindi lang para sa sarili ko kundi para sa ating lahat na mga taga-Sihir. Mayayabang at walang utang na loob ang mga babaylan. At sila ang siyang nagdala ng mga lahing bampira na siyang nagbiktima ng maraming mortal at imortal. Nang dahil sa mga babaylan ay patuloy na nabubuhay ang mga hayop na ‘yon.” “Pinatay nila ang aking ina Mayari. Pinatay ng mga hayop na bampirang iyon ang aking ina.” “Apolaki, hindi iyon sapat na dahilan—“ “Hindi sapat na dahilan ama?!” pakli ni Apolaki. “Dahil ba hindi mo inibig ang ina tulad ng pag-ibig mo sa ina nila Tala at Mayari?” “Apolaki kahit na anong dahilan mo ay hindi non matatakpan ang ano mang perwisyong idinala ng paghihiganti mo. Hindi lang mga babaylan ang nadamay kundi pati buhay ni Mapolan na kapwa natin taga-Sihir. Nang dahil sa ginawa mo ay nagkakagulo ngayon hindi lang sa Berbaza kundi pati ang Sihir.” “Apolaki, hindi ko papalagpasin itong iyong ginawa,” ani ni Bathala dahilan upang sarkastikong matawa si Apolaki. “Anong gagawin mo? Tatanggalan mo ako ng kapangyarihan? Papatayin mo ako? O baka naman aalisan mo ako ng pwesto dito sa Sihir?” sunod-sunod na sarkastikong tanong ni Apolaki. “Alam kong hindi mo magagawa ang lahat-lahat ng iyon ama. Anak mo ako at tulad ko ay nagkamali rin sila Mayari.” “Marami na akong pinalagpas na pagkakamali mo ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na lamang isang maliit na pagkakamali ang iyong nagawa Apolaki,” sagot ni Bathala kasabay ng paglabas ng puting ilaw mula sa kaniyang kamay dahilan upang unti-unting mapakunot ang noo at manlaki ang mga mata ni Apolaki. Agad na naglabas ng kulay puting ilaw si Apolaki at mabilisang ibinato ito sa kinaroroonan ni Bathala na siya nga nitong agad na nailagan. “Hindi ako papayag na kunin mo ang aking kapangyarihan!” sigaw ni Apolaki kasabay ng sunod-sunod niyang pagbato ng puting ilaw patungo kay Bathala at kay Mayari. Ngunit ang bawat binato nitong ilaw ay natigilan sa gitna at maski sila ngayon at natigilan sa paggalaw na tila baga natigil ang oras kasabay ng pagiging kulay berde ng kalangitan. —SAGADA “Tunku, bilisan mo at idala mo kami ni Ebraheem sa Aeras,” ani ni Abrax matapos nilang mapatumba lahat ng iniwang ravena ni Helios. Kumapit ang dalawa sa kamay ni Tunku at nang akmang ipipikit na ni Tunku ang kaniyang mga mata upang maidala sila sa lugar kung saan naroon ngayon si Gimel ay natigilan sila nang sumigaw ng pagkalakas-lakas si Ebraheem. “Ebraheem,” sambitla ni Abrax na siyang agad na inalalayang makatayo ang Amatista ng Fotia. “K—kailangan nating magmadali bago pa man mahuli ang lahat,” hirap kung sambitin ni Ebraheem nang dahil sa pagsakit ng kaniyang tiyan. —AERAS “Isa kang sinungaling at mamamatay tao!” sigaw ni Gimel na siyang may hawak-hawak ngang espada at hinahabol ngayon si Afiya na siyang nag-aanyong likido upang makaiwas sa mga atake ni Gimel. Halos sabay-sabay na natigilan sina Abrax nang dahil sa naabutan nila. “A—anong nangyayari? Bakit naglalaban si Gimel at si Binibining Afiya?” kunot-noong tanong ni Tunku. Inilibot ni Abrax ang kaniyang at agad ngang napabuntong ng hininga matapos magtama ang mga mata nila ni Helios. “Si Helios ang may kagagawan nitong lahat,” ani nito na siyang mabilisang lumitaw sa tabi ni Helios. “Itigil mo na ito Helios,” saad ni Abrax na siyang may hawak na ngayong maliit na kutsilyo na siyang nakatutok sa leeg ni Helios. “Alam na ni Bathala ang ginawa ninyong mag-ama kaya kung ako sa’yo ay itigil mo na ito bago pa man madagdagan ang mga kasalanan mo. “Pati ba naman ikaw Abrax?” sarkastikong tanong ni Helios. “Helios parangawa mo na, itigil mo na ito—“ Natigilang tuluyan si Abrax nang walang pasubaling isinaksak sa kaniya ni Helios ang napakatalim na kutsilyong nakatago sa kaniyang tagiliran. “Sinabi ko na sa’yo una palang na ayaw kong mangialam ka sa ano mang plano ko,” ani ni Helios na siyang ibinaling nga ang tingin sa nagaganap na labanan nila Afiya at Gimel. “Ilang daang taon ko ring hinintay ang pagkakataon na ito. Hindi ako papayag na ang sino man ay pumigil muli sa plano ko. Ikaw man o si Mahalia, kahit pa na kadugo ko kayo ay hinding-hindi ako papayag na sirain niyo ang mga plano namin ng ama.” Ngayon ay isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid nang matamaan ni Gimel ang braso ni Afiya. At nang akmang sasaksakin na sana niya ito ay natigilan siya nang unti-unting nanumbalik ang kulay ng mata ni Afiya sa normal at napaupo nga itong tuluyan sa lupa habang hawak-hawak ang nagdurugo niyang braso. “Hindi ko sinasadya ang nangyari sa iyong ama Gimel. Patawarin mo ako,” ani ng dalaga kasabay ng unti-unting pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Unti-unting naglakad palapit si Gimel kay Afiya at nang akmang iaabot na nito ang kaniyang kamay upang tulungang makatayo ang dalaga at nanlaki ang kaniyang mga mata nang isang napakalakas na asul na ilaw ang lumabas mula sa palad ni Afiya patungo sa kaniya. Nang dadampi na ito sa kaniyang dibdib ay natigil ang ilaw kasabay ng pagtigil ng oras at paggalaw ng bawat isa sa kanila. Unti-unting naging kulay berde ang kalangitan ng Aeras kasabay ng pagtigil ng oras. —SIHIR Sa itaas ng tore ni Bathala naroon nakatayo ang isang dalagang berde ang buhok at mga mata. Nagliliwanag ang kaniyang mga mata habang hinahanging malakas ang kaniyang buhok. Hawak-hawak nito sa kaliwa niyang kamay ang kulay lila at puting bato. At habang sa kanan naman niyang kamay ay hawak-hawak ang isang orasan na siyang naglilikha ng napakalakas na berdeng ilaw patungo sa kalangitan. “Masa akan berhenti!” sigaw nito na siyang nagpalakas pa sa ilaw dahilan upang maging kulay berde ang buong kalangitan. Huli’t huli ay unti-unting nabiyak ang batong hawak nito na siyang naglikha ng napakalas na pwersa dahilan upang mawalan siya ng balanse at patalikod na mahulog sa napakataas na tore. ~1920~ Ipinikit ng dalaga ang kaniyang mga mata at tuluyan ngang tinanggap ang kaniyang kapalaran ngunit napamulat siyang tuluyan nang maramdaman na may humawak sa kaniyang pulso. “Binibini, kumapit ka lamang sa aking kamay!” bulalas ng isang binata na siyang mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kaniyang pulso. “Huwag kang mag-alala, hindi kita bibitawan at ililigtas kita rito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD