Buntong-hiningang inilapag ni Ebraheem ang walang malay na si Esmeralda sa kama kasama ang ina at ang taong gumahasa dito matapos silang painumin ng kaniyang dugo upang alisin ang mga memorya ng mga ito. "Paniguradong mawawala rin ang memorya ni Esmeralda patungkol sa karahasang naranasan niya," ani Ebraheem na ngayon ay ibinaling ang tingin kay Mahalia na kasalukuyang nakaupo sa katabing upuan at tulalang nakatingin sa bintana. "Bakit mo ginawa iyon Mahalia?" Ang tanong ni Ebraheem sa dalaga habang marahan itong naglakad palapit sa kaniya. "Mahalia--" "Mabuti pa't umalis na tayo at hanapin kung saan pa naroon ang ibang mga kasama nitong tiyanak," pakli ni Mahalia na siyang tumayo na nga at akmang maglalaho na parang bula ngunit agad ngang hinawakan ni Ebraheem ang pulso nito. "B

