"Gimel." Unti-unting iminulat ni Shakir ang kaniyang mga mata at kunot-noo ngayong tinignan ang dalagang bumungad sa kaniya sapagkat tulad ng iba niyang mga panaginip ay malabo ngayon ang pagmumukha ng dalagang ito. "Gimel, come on! Mahuhuli na tayo," saad ng dalaga na siyang hawak-hawak ngayon ang kaniyang kamay at marahan nga siyang isinama sa pagtakbo. Kunot-noong napatingin si Shakir sa kaniyang paligid at napunta nga ang tingin sa kulay asul na kalangitan at kalaunan ay nabaling ang kaniyang tingin sa suot na uniporme. "Shakir?" Natigilan sa pagtakbo si Shakir nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses. At katulad niya ay natigilan din ang dalagang may hawak ngayon sa kaliwa niyang kamay. "Shakir." Unti-unting iminulat ni Shakir ang kaniyang mga mata at

