Chapter 34 Ellie I feel so awkward. Nasa isang lamesa kami nina Ridge at Iris. Ridge chose to sit beside me. Iris was infront of us. And he reserved seats for Mark and Rica too. Wala akong ibang tinitingnan kundi ang tiyan ni Iris. Ramdam niya ang paninitig ko kaya panay ang ayos niya sa kanyang suot. Pero sa aming dalawa ay siya lamang nako-conscious. She cleared her throat. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom ng kaunti. Beside her, seating the paper bag of some baby things she bought. Iyong akin ay si Ridge ang nagbitbit, nilagay niya iyon sa likuran niya. Napapikit na lang ako nang maalala, magkasunod kami sa cashier para bayaran ang mga binili namin. Hinihintay ko na nga na bayaran din ni Ridge iyong kanya, pero hindi. Iyong akin ang binayaran niya. Hindi na ako nagsalita pa.