Chapter 35 Ellie Hinatak ko si Ridge nang makita ko sa ibabang bahagi ng kanyang labi ang naiwang stain ng lipstick ko. Tiningnan niya ako at naglalambing na pinaikot na naman ang mga braso sa baywang ko. But I used my thumb to fade out the stain. “May lipstick ka pa sa labi mo..” I almost whispered. Bahagya ko pang nilapit ang mukha sa kanyang labi para tingnan kung may naiwan pang ebidensya. Ngayon pa lang ay umiinit na ang mukha ko, palabas pa lang kami. Hindi naman nila malalamang naghalikan kami rito sa kwarto, pero kasi..nahihiya pa rin ako. Nilabas pa niya ang dila para paraanan ang bahaging pinunasan ko na. Namilog ang mga mata ko. Kamuntik na kasing matamaan ang daliri ko ng dila niya. “Masarap ang lipstick mo, mine.” Nanunukso niyang bulong sa akin. Napangiwi ako at mahina